Thir person's:POV Tahimik ang buong bahay ng nang dumating si Carlo, nakaupo sa wheelchair na tinutulak ng daddy niya na si Pablo,bagong labas mula sa ospital, sariwa pa ang pagod sa mukha niya at mas nangingibabaw ang inis. Hindi lang bahagyang inis. Iyong klaseng inis na ramdam kahit hindi pa siya nagsasalita. Pagpasok nila sa maluwang na sala ay sinalubong sila ng mommy niyang si Sofia bit-bit ang isang tray ng sopas at tubig. Agad nitong iniwan ang tray sa mesa at tumakbo palapit. “Anak, dahan-dahan! Huwag mong kinakalog ang paa mo ng ganyan!” Napailing si Carlo at napairap. “Mommy, hindi naman ako glass vase. Tao ‘to. At hindi naman sasabog ang paa ko.” Inis na sagut nitu. Umupo siya sa sofa, inalalayan ng daddy niya, pilit tinatanggal ang pagkailang habang ang parents niya a

