Carlo’s :POV Lumapit ang isa sa mga pulis sa akin. “Amhh Mayor, pwede na po kayo maka-uwi. Hindi na po kayo kailangang magsampa ng kaso, automatic na po ’yon. CCTV camera naman po, kita na po namin ang nangyari,” sabi ng police. Tumango ako dahil gusto ko na ring umuwi. , Tawagan ko na lang si Jake para siya na ang mag-asikaso. Ngunit nang lumingon ako, nandoon si Elize sa likod ko. Uminit naman ang dugo ko nang may kausap siyang lalaki mula sa malayo. “Gian, Zara, pumasok na kayo sa kotse,” utos ko sa kanila. Habang papalapit ako sa kanila ay napatingin sa akin ang lalaki—gwapo, matangkad din, maskulado. Parang na-insulto ang muscle ko, kinulang ng yeast, nang dumako ang tingin ko sa tiyan at braso nitu mala-Adonis. Hindi ko napigilan ang sarili ko nahawakan ko ang braso ni Elize. “

