Third Person: POV Sinundan ni Carlo ng tingin si Elize habang papalayo ito papunta sa kwarto. Ngunit nagulat siya nang bigla na lamang magsalita ang mommy niya mula sa gilid. “Nak, ginabi ka yata sa pag-uwi. Nakalimutan mo ba ang birthday ng daddy mo?” “Yep, sorry, Mom! Na-busy lang sa office at nag-grocery din ako. May paparating na bagyo sa susunod na araw.” “Gano’n ba, anak? Salamat at nagkusa ka. By the way, anak, halika at mag-mano ka sa Tito Ariston mo. Nandito si Shaira. Mag-usap kayo mamaya tungkol sa relasyon n’yo…” “Mom, alam n’yong—” Pinutol siya ng kanyang ina. “Nag-sisi na naman si Shaira. Kung ayaw mong makipagbalikan sa kanya, bahala ka. Pero sumama ka muna roon at magbigay-galang sa Tito mo.” Wala nang nagawa si Carlo sa gusto ng ina niya. Sinunod niya ito, kahit h

