Prologue: Hindi ako makapag-focus sa aking ginagawa dahil sa sobrang ingay ni Kylla. Tinuturuan niya si Bianca sa bagong step ng sayaw namin. Malapit na magsimula ang mga activity para sa mga kabilang sa Alphabet Team. Alam kong handa na rin ang iba. “We’re done!” sigaw ni Bianca habang papalapit sa akin. Si Kylla naman ay nagliligpit ng mga gamit. Nandito kami sa aming classroom at napagdesisyunan namin na dito na lang mag-practice. Half day lang kami ngayon dahil may meeting ang mga teacher, siguradong tungkol sa nalalapit na activity ang pag-uusapan nila. Wala rin 'yung mga classmates namin dito, marahil nasa labas silang lahat at pinapanood ang ibang team sa pagpa-practice. Niligpit ko na rin ang aking mga gamit nang makita kong tapos na sa pagliligpit si Kylla. Sa bahay ko na lan

