CHAPTER 50: Introvert It's hard for us to do this activity. I know isa sa aming tatlo nila Kylla at Bianca ang p'wedeng magkamali. “Relax ka lang, Sofi. A-aray ko–” Kinurot ko siya dahilan para hindi niya matapos ang kaniyang sasabihin. Naiihi na nga ako dito sa upuan ko tapos sila parang okay lang. Kung hindi lang naman ako nakipag-deal sa masamang Alien na 'yon ay hindi dapat ako kakabahan nga'yon. Pumasok ang professor namin sa English. Mas lumakas naman ang tili ng mga ibang estudyante rito sa maliit na room. Hindi man lang sila nandiri sa mga pinaggagawa nila. Gwapo ang si Sir pero ang layo naman ng mga agwat niya sa lahat ng mga students dito. Asa naman ang iba na maniniwala sa Age doesn't matter. Tumayo ang lahat para i-greet siya. “Good morning, Sir!” sabay-sabay naming

