Binaybay ko ang matraffic na daan, hindi ako makapaniwala na ang dala kong sasakyan ay may aircon na. Noon kasi yung kakarag-karag na van lang ng studio ang dala ko. Bukod sa sira na ang aircon, madalas pa akong masita dahil sa itim ng usok na binubuga noon. Ngayon, pachill-chill na lang habang nakikinig ng music. Hindi tagaktak ang pawis, naka-relax na lang. Tumunog ulit ang aking cellphone, alam kong iyon na ang hinihintay kong tawag. “Ma’am! Goodmorning po,” sabi ko. “Yes, Ian, sorry ah kung medyo maaga. Eh nagka-emergency, eh,” sagot ng ginang na aking kausap. “Bakit ano pong nangyari ma’am? Hindi na po ba tuloy ang meeting?” tanong ko. “Tuloy naman, mamo-move lang ng place. Eh, papunta kasi kami ng Tagaytay ngayon, eh, binyag pala ng pamangkin ko nakalimutan ko,” sagot niya.

