Aligaga siya habang pinapanood akong maglakad palabas ng malaking bulwagang iyon. Ni hindi niya magawang makatingin nang diretso kay Jerick. Muli namang nagwika ang pari para sa kasal na iyon. "Charmaine? Do you take this man to be your husband, to live together in holy matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?" Nakatulala lamang siya. Tila nagising lamang siya nang hindi niya na makita ang aking anino sa loob ng bulwagang iyon. Humakbang siya nang kaunti at akmang hahabol ngunit kinapitan naman siya ni Jerick sa braso. "Hey...it's okay," wika ni Jerick. Sa kanyang mga mata ay mababanaag ang labis na kalungkutan ngunit naroon pa rin ang positibong pananaw at determinasyon. "I

