Chapter 17:

2076 Words
"Kaya ba hindi ka na nagmahal ulit?" tanong ko kay Jen nang mapatigil ako sa pagkukwento. Napatingin lamang siya sa akin at nagtaka. "Dahil sa mga ganoong scenario?" dagdag ko. Napangiti siya nang kaunti at napatingin muli sa malayo. "Hindi. Simula noong umalis ako sa mundo ng ibang tao na sinusubukan akong mahalin, naging magaan lahat. Napakarami pa diyan. Bakit ako? Bakit hindi na lang sila?" sagot niya. Yumuko siya at napatingin sa akin. "O, siguro hindi ko pa siya nakikita. Baka noon, siguro nilagpasan ko lang," dagdag niya. "Baka nalagpasan mo lang..." sambit ko habang nakangiti. "Baka," sagot niya. "Worth it ba akong mahalin nang kagaya niya, Jen?" matamlay kong tanong. Sumulyap ako sa mga mata niya. Ngumiti siya at tumango. __________________________ "Nakapag-empake ka na pala," matamlay na sambit ni Charmaine nang makita niya ang ilang maleta at bag na nakaayos sa ibaba ng aking mesa. Nagulat ako sa sinabi niya. Napatigil ako habang isinasara ang pinto ng aking kwarto. "Ahh...oo," ang tangi kong nasambit. "Pa-Singapore?" Mas lalo kong ikinagulat ang sunod niyang sinabi. "A-alam mo pala." "Alam ko Ian. Nasa Bicol pa lang tayo alam ko na. Nakita ko sa bag mo...tinago mo rin yung invitation noong unang punta ko dito. I didn't mind. Matagal ka nang nasabit sa buhay ko...puro ako lang, this time ikaw naman," wika niya. "It's not like that..." "Alam ko, hindi ka driver ng buhay ko. Importante ka sa'kin...importante rin ang pangarap mo." Umupo siya sa kama nang nakatalikod sa akin. Napayuko na lamang ako. Hindi ko alam na alam na pala niya ang tungkol sa pagsali ko sa contest na iyon. O baka ako lang itong manhid para hindi pansinin ang lahat. Baka pareho lang kami. "Sorry..." bulong ko. Umupo rin ako sa kama at patalikod sa kanya, pareho kaming nakayuko, tila ninanamnam ang katahimikan at kalungkutan. "Sorry kung hindi ko sinabi, wala naman akong balak. Iniisip ko kasi ikaw. Ayokong iwan ka," sambit ko. "You don't have to, you have every reason to leave." "At ikaw lang ang lahat ng dahilan para hindi ako umalis," sagot ko. Naririnig ko na naman ang kanyang pag-iyak. Huminga siya nang malalim, tila pinipigilan ang kanyang sarili na muling mabasag. "Hooo...hehe. Ayoko namang magtapos na lang sa ganito," sambit niya bago tumayo, pinilit na ngumiti at pinaypayan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay. Kinuha niya ang DSLR camera sa aking mesa at inabot iyon sa akin. "Sige nga magpractice ka nga. Ako ang model mo, sige na," wika niya habang pinipilit na ipahawak sa akin ang aking camera. Binuksan niya iyon na tila ba aligaga, nakita ko ang kanyang mukha, lumuluha pa rin siya ngunit pinipilit niyang tumawa. "Sige na, ngayon lang 'to, ah?" Pinatayo niya ako sa paraang patulak. Tumayo ako mula sa kama at tiningnan siya. Siya naman ay tumalikod at nagpose. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatitig sa kanya. Tila mas lalong kinurot ang aking dibdib sa kanyang inaasta. Dahan-dahan na lamang akong naglakad patungo sa bintana, mapait ang guhit sa mukha habang ibinababa ang puting tabing ng kurtina. Kinuha ang flash sa mesa at ikinabit sa tripod. Napatingin pa ako kay Charmaine, umiwas siya ng tingin sa akin habang hawak ang kanyang pisngi. Alam ko na sa pagkakataong iyon ay lumuluha pa rin siya. "Ahh, haha grabe, ah. Nangangawit na ako, matagal pa 'yan?" Iyak tawa, pinilit niyang ibulalas ang mga salitang iyon kahit nababasag na ang kanyang tinig. Nagtungo ako sa kanyang likuran, tumayo at pinitik ang flash upang makita kung gumagana na ito. Nagpose naman siya nang nakatalikod sa akin, nakasalampak ang kanyang mga paa sa nalukot ko nang sapin sa kama. Ipinakita niya ang kalahati ng kanyang mukha kung saan umaagos pa ang kanyang luha. Napailing na lamang ako, sa aking pakiramdam ay para bang wala nang kulay ang lahat, hindi ito ang gustong ipakita ng mga kulay sa akin. Hindi ito ang nararamdaman ko, pinihit ko ang setting ng camera at inilagay iyon sa monochrome/black and white mode. Sinilip ko na lamang ang eyepiece ng aking camera at kinunan siya ng litrato. "Okay ka lang?" Anong klaseng tanong ba 'yon? Malamang hindi siya okay. Pero heto siya, ipinapakita na maayos lang siya kahit hindi naman. Sinilip ko ang kanyang imahe sa screen ng aking camera, napakaganda ngunit napakalungkot. Walang kulay, walang ingay, tanging siya lamang, ang anino ng kanyang katawan at ang liwanag sa maamo niyang mukha. "Ah, oo naman, p-part 'to ng acting, 'no!" mautal-utal niyang sambit. Maya-maya pa ay unti-unti niya nang tinataas ang kanyang t-shirt. Ipinapakita ang kanyang mapusyaw at makinis na balat sa may kanyang balakang. Tumigil siya at naghintay sa pag-flash ng camera. Agad ko namang pinitik ang shutter ng aking camera at muling napabuntong hininga. "Ahh...sandali lang, ah?" sambit niya habang naiiyak. Tumayo siya at hinubad ang kanyang pantalon. Ang tanging naiwan lamang sa kanyang katawan ay ang kanyang t-shirt at ang kanyang panloob na kulay puting pang-ibaba. Saglit siyang nagpahid ng luha at muling umupo sa kama bago lumuhod at akmang muling tatanggalin ang kanyang t-shirt. Muli siyang tumingin patagilid sa flash. Muli kong pinitik ang shutter ng camera at isang napakagandang imahe ang muli kong nakita. "Ahmm. Gusto mo ba tanggalin ko pa?" tanong niya. Mapait ang bawat bigkas ng kanyang linya. Hindi siya tumingin sa akin, pinahid niya lamang muli ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay at muling bumalik sa kanyang posisyon. "Ahh...'wag na siguro nating gawin 'to," sambit ko. "Ano ka ba? Kailangan mo 'to sa portfolio mo bahala ka. Sabi mo hindi ka pa nakakapag-nude 'di ba? Sige ka...'wag kang mag-alala, ngayon lang 'to," tutol niya. Tila lalong lumakas ang kanyang paghikbi. "Baka last na 'to sige ka," dagdag niya. Sinubukan niya pang magbiro kahit na alam kong may katotohanan sa mga linyang iyon. "Ahh...hmm, sige ikaw ang bahala," matamlay kong sagot. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang bra habang ang kanyang damit ay nakasuot pa rin sa kanya. Bawat galaw niya ay tila ba bumabagal, lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib habang pinapanood ko siya sa pagtanggal ng kanyang panloob. Kinuha ko ang flash at inilagay sa gilid ng camera. Ako naman ay naglakad patungo sa isa pang bahagi ng kama upang kumuha ng panibagong anggulo. "Okay na ba 'yan?" tanong niya. Nakaporma ang kanyang mga kamay patagilid, tila hinahatak ang kanyang puting bra sa loob ng kanyang t-shirt. Napansin ko naman ang liwanag mula sa bintana na lumulusot sa puting kurtina. Umanggulo ako kung saan nasa kanyang likuran ang puting kurtina. "Ahh, sige, sandali lang," sagot ko. Inayos ko muna ang setting ng camera bago muling pitikin ang shutter. Tila nanginginig pa ako habang ginagawa ko iyon. Hindi ko alam kung dahil ba sa kanya, sa ginagawa niya o dahil sa nararamdaman kong nerbyos at kalungkutan, tila naghalo-halo na ang lahat. Pinitik ko ang shutter ng camera, isang napakagandang obra ang aking nakita, ang abuhing kulay na litrato, ang paglaro ng mga ilaw at anino sa kanyang katawan at ang liwanag mula sa puting bintana at kurtina, ang hubog ng kanyang katawan. Napakaganda. Matapos pumitik ang liwanag mula sa flash ay tuluyan niya nang tinanggal ang kanyang bra. Naiwan na lamang ang kanyang t-shirt at ang kanya pang panloob na kanyang pang-ibaba. Nagulat ako nang humiga siya at ilagay ang hati ng kanyang t-shirt sa gitna ng kanyang dibdib. Napalunok ako nang kaunti habang ginagawa niya iyon. Pinahid niyang muli ang kanyang luha at saka pumikit at inangat pa ang kanyang dibdib. "Ahh, sige...wait," sambit ko. Agad akong lumuhod sa sahig upang kunan nang pantay ang magandang lukot ng aking kama na kanyang hinihigaan. Muling pumitik ang flash, matapos noon ay agad siyang tumayo, humarap na sa akin, kinagat ang dulo ng kanyang t-shirt habang hawak sa kanyang kanang braso ang kanyang nakalabas na dibdib. Ang kanyang kaliwang kamay naman ay nakahawak sa kanyang kaliwang balikat habang siya ay nakaluhod sa aking kama at nakatingin sa kawalan sa bandang kanan. Muli akong napalunok at pinagpawisan nang kaunti bago pindutin ang shutter ng camera. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya humihikbi ngunit sakto namang tumulo ang luha sa kanyang kaliwang mata. Nakita iyon sa litrato, sa pagkakataong iyon ay ibinaba ko na ang aking camera at tumingin na lamang sa kanya. "Tatanggalin ko pa ba?" bumaba ang dulo ng kanyang t-shirt nang siya ay magsalita. Pinahid niya nang mabilis ang kanyang luha at yumuko. Umiling na lamang ako at napatalikod. Siguro hindi ko na kaya ang kasinungalingan na nararamdaman ko. Ayoko nang lokohin ang sarili ko at isiping ayos lang ang lahat, kitang-kita sa kanyang mga mata ang labis na lungkot. Ayoko siyang nakikitang ganito. Maglalakad na sana ako patungo sa mesa nang bigla siyang tumayo at maglakad patungo sa akin. Niyakap niya ako patalikod at muling humagulgol sa aking damit. Napatigil na lamang ako, napapikit, yumuko. Napabuntong hininga bago tuluyang humarap sa kanya. "I'm sorry," sambit ko. Agad niyang pinulupot ang kanyang mga braso sa aking leeg at madiin akong hinalikan sa aking labi...habang umiiyak. ________________________________ Huminga akong muli nang malalim, hinaplos ang aking batok at muling tumingin kay Jen. Tulala lamang siya habang tila binubuo sa kanyang isipan ang mga pangyayari. Napailing siya nang saglit at saka ngumiti nang mapait. "Iniwan niya yung ticket sa mesa ko 'non," putol ko sa katahimikan. Nilapat ko ang aking kamay malapit sa kanya upang kunin ang bato na kanina pa niya nilalaro. Inilapag niya iyon sa aking kamay ng dahan-dahan at saka tumingin nang diretso. "Yung ticket sa play...iniwan niya 'yon nang umalis siya. Nagising na lang ako na wala siya." Isang hinga nang malalim, tingin kay Jen at nagpatuloy. "Nakakatawa lang kasi yung date ng play niyo noon. April 17, birthday ko pa," pagpapatuloy ko. Ngumisi ako nang kaunti. Napangiti rin naman si Jen ngunit agad na humulas ang aking ngiti nang ipagpatuloy ko ang kwento. ______________________________ "Okay na..." sabi ko habang nililinis ang isang body ng camera. Ngumiti naman si Greg habang tinutupi ang isang malaking tripod. Si boss naman ay tila abala sa harapan ng computer. Agad na tumunog ang printer at saka siya lumapit. "Nasabi mo na?" tanong ni Marco habang inilalagay ang isang lente sa isang itim na bag. "Alam niya na pala, noon pa," mahina kong sambit. Agad akong tumayo para ilagay sa cabinet ang nilinis kong camera. "Oh...ito na ticket mo," wika ni boss habang inaabot sa akin ang isang printed na ticket ng eroplano. Napatigil ako nang saglit habang nakatingin sa kanya. "Seryoso ka, boss?" "'Di ba sabi ko covered ko muna lahat ng expenses mo sa ngayon. Ang akin lang ipanalo mo 'yon," paalala niya. Agad niyang kinuha ang kaliwa kong kamay at inabot ang ticket. "Nako pagkatapos niyan, bayad bayad din ng utang," biro ni Greg. "Hoy! Anong utang ka diyan? Ikaw nga bali ka nang bali eh, sa sweldo wala ka nang kikitain!" bulyaw ni boss. Nalukot naman ang mukha ni Greg habang napapakamot ng batok. "Boss naman," aniya. "Regalo ko na 'yan sa 'yo, Ian. Tutal 'yang flight mo eh birthday mo rin naman. Pa-birthday ko na sa 'yo." Napatingin ako kay boss nang sabihin niya iyon, tumingin siya sa akin habang kinukuha ang isang camera. "Oo na...'wag ka nang mag-thank you! Kapag nabi-birthday ka wala naman akong regalo sa 'yo, eh. Isipin mo na ngayon lang 'yan," sabi niya. Ngumiti na lang ako. Hindi ako napatingin sa kanya dahil nagulat ako na libre na ang ticket ko papuntang Singapore. Napatingin ako sa kanya at nagulat dahil naalala ko ang ticket na ibinigay sa akin ni Charmaine para sa play, April 17. Tiningnan ko ang oras ng aking flight, 10: 30 PM. Napailing ako nang saglit, nakita iyon ni boss at nila Greg. "Sabihin mo kung may kailangan ka pa," sambit ni boss. "Ahh, hehe, wala naman, boss. Sobra-sobra na nga 'to," sagot ko. "Eh bakit parang hindi ka masaya?" Halata na ba sa mukha kong nag-aalala ako? Hindi naman siguro ako titingnan ni boss habang nakakunot ang noo kung hindi halata. "Ahh, yung play kasi nila Charmaine boss, sa 17 din." "Oh, eh, kala ko ba wala na kayo? Eh, niloko ka nung hayop na..." "Oh! oh! Tumigil ka nga diyan." Pinutol ni boss ang sasabihin ni Marco. Hinila ang kanyang balikat at tumayo sa aking harapan. Hindi naman maitago ang pagkadismaya sa aking mukha. Sinubukan ko na lang ngumiti upang itago ang sakit. "Anong desisyon mo?" tanong ni boss. May katagalan din bago ako makasagot. Tiningnan ko muna sila isa-isa bago yumuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD