AVA POV Hindi ko maintindihan kung bakit hindi Ako maalala ni Pao kaya si Tanya lang ang kinakausap nito ngayon Nang ipakilala Ako sa kaniya ni Tanya ay sinabi niya lamang na wala siyang girlfriend at baka isa lang daw Ako sa mga tagahanga nila na gustong-gusto maging girlfriend nila kaya naman Hindi na muna Ako nagsalita at sakto naman na nandito na ang doktor niya. Kumusta Mr.Dacena sumasakit ba ang ulo mo? Hindi naman po Doc. Doc bakit hindi po Ako maalala ng boyfriend ko tanong ko sa doktor na tumitingin ngayon kay Pao. Sa tingin ko IHA ay may temporary amnesia si Mr DACENA sanhi ng aksidente nila pero ngayon ay wala naman na Ako makikita na anuman problema sa kaniya maliban nalang sa mga ilang kaganapan sa buhay niya na nakalimutan niya. Babalik po ba agad ang ala-ala niya Doc?

