Chapter 8,Ava meet Paolo's Gruop MAHARLIKA

2202 Words
Paolo Nakabalik Ako sa reyalidad ng tumunog ang cellphone ko si Leigh Vester nangamusta at sinabihan ko na din siya na tuloy ang practice namin para bukas sobrang mabubusy na talaga kami dahil sa sunod-sunod na project.concert at mga event na kailangan namin asikasuhin kaya nga kumuha muna ako ng temporary personal assistant dahil nga may importanteng inaasikaso ang P.A ko sa pamilya niya pagkatapos ng tawag ni Vester ay natulog na din ako past 11 na din pala. Nagising ako kinabukasan at agad Ako nag-asikaso ng aking sarili pagkatapos ko ay lumabas na ako ng kwarto ko pumunta ako sa kusina at inabutan ko na naman doon si Ava na nakapagluto na ng breakfast namin. Pao nandiyan ka na pala pasensiya kana.nangialam na naman. Ako dito sa kusina mo. Okay lang Ava by the way pupunta tayo sa studio ngayon dahil may practice kami ng mga kagrupo ko at ipapakilala na din kita sa kanila nung nakaraan kasi ay may kaniya-kaniyang ginagawa din sila sa mga solo project nila. Okay po Pao halika kain nakaluto na ako ng paborito mong hotdog at nagluto din ako ng fried rice kaya halika na baka lumamig na ito. Sige kain na tayo at pagkatapos natin ay pwede ka na din mag-ayos ng sarili mo Ava tahimik kami na kumain ni Ava ng matapos kami ay Ako na.ang naghugas kahit pa sinasabihan Ako ni Ava na siya na ang gagawa pero sinabihan ko na lamang siya na mag-asikaso na ng sarili niya sumunod naman siya pagkatapos ko maghugas ay pumunta muna ako sa kwarto para kunin ang mga helmet dahil baka abutan kami ng rush hour mamaya maganda kung motor ang dadalhin ko pumunta ako sa Sala halos 30 minutes na ang nakalipas pero wala pa din si Ava kaya minabuti ko na puntahan at katukin siya sa kaniyang kwarto pero nakabukas ito kumatok Ako ng ilang beses walang sumasagot sa loob kaya nangahas na ako na pumasok kumatok Ako sa C.R pero bukas din ito at walang Ava nasaan ang babaeng iyon naikot ko na ang buong kwarto niya ng biglang pumasok siya galing sa labas at tanging tuwalya lamang ang tumatakip sa kaniyang katawan na nagpalunok.sa akin ng paulit-ulit I'm sorry Ava hindi ka kasi sumasagot kanina kaya pumasok na ako dahil nag-aalala Ako na baka ano ng nangyari sayo pasensya na talaga Bakit kasi labas ka naligo may sarili ka naman na CR dito sa loob? Kasi Pao walang tubig diyan ngayon kaya sa labas Ako naligo maari ba na lumabas ka na dahil magbibihis pa Ako. Sure lalabas na ako pasensya na talaga ulit sa pagpasok ko sa kwarto mo hihintayin na lamang kita sa labas ng kwarto mo. Ilang minuto pa ang hinintay ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Ava ar dahil nakasandal Ako dito ay nawalan Ako ng balance at dire-diretso Ako kay Ava na saktong sa dibdib niya pa talaga sumakto ang mukha ko agad Ako na tumayo dahil nga nadadaganan ko si Ava tinanong ko siya kung may masakit ba sa kaniya dahil kitang-kita ko sa mukha niya pulang -pula ito habang nag-aayos ng damit niya na nagusot Okay lamang po ako ano po ba kasing ginagawa mo diyan sa may pinto Pao. Sorry ulit sa mga nangyari ngayon umaga hinihintay kasi kita mismo diyan sa labas ng kwarto mo kaya pagbukas mo ng pinto ay nawalan Ako ng balance wla ba talagang masakit sayo gusto mo ba dalhin muna kita sa clinic baka may fracture ka sabihin mo sa akin please Ava nag-aalala Ako sayo magsabi ka kung may masakit na sayo. Pao wala nga po masakit sa akin okay halika na kasi baka abutin na tayo ng traffic. Okay sige halika na Ava. Bakit may dala ka na helmet Pao magmomotor ba tayo? Yes Ava ayaw mo ba takot ka ba sa motor? kung ayaw mo sige yung kotse nalang ang dadalhin ko. No okay lang mas gusto ko ang motor Pao. Okay good to know dahil mas madalas motor ang gagamitin natin dahil alam mo naman dito sa bansa natin ay problema na talaga ang traffic kaya mas maganda gumamit ng motor dahil mas convenient ito gamitin lalo na kung nagmamadali kaya halika na mauuna na ako sayo sa ibaba. Nang makarating Ako sa parking area ay inayos ko muna ang mga dala-dala ko at nakasunod naman sa akin si Ava na nakasimpleng jeans at croptop na pinatungan niya ng blazer na nagbigay sa kaniya ng kakaibang dating kahit kung iisipin ay napakasimple lamang ng suot niya lumapit siya sa akin binigay ko ang helmet sa kaniya ng mapansin ko na nahihirapan siya ay Ako na ang nag-ayos nito para sa kaniya lalo ko napagmasdan ang maganda niyang mukha hindi ko na alam kung ano.bang nangyayari sa akin ngayon na lamang Ako nagkainteres sa babae at sa ngayon ay ayaw ko muna na intindihin ang mga nararamdaman ko na kakaiba sa loob ko kapag kasama ko si Ava sa dami ng kailangan ko asikasuhin sa kompanya at mga projects na dumarating ay hindi ko na muna intindihin kung anuman itong nararamdaman ko sa ngayon ay hahayaan ko na muna kung anong meron kami ni Ava bilang Boss niya at empleyado ko tinapos ko na agad Ang pag-aayos ng helmet niya pagkatapos ay sumakay na din siya sa motor ko halos isang oras na kami na bumabyahe ng maramdaman ko na sumandal sa likod ko si Ava mukhang nakatulog na ata kakaiba talaga Ang babaeng ito kahit saan nakakatulog medyo traffic pa naman kaya binagalan ko na lang ang pagpapatakbo ko halos isang oras pa ang binyahe namin bago kami nakarating sa studio at tulog pa din si Ava nakita na kami ng mga kagrupo ko sinalubong nila kami at agad nagtanong si Vester.. Sino ang magandang binibini na kasama mo Pinuno na nakatulog pa talaga kahit nakamotor lang kayo. Ano ba kayo teka lang gigising ko muna siya tinawag ko ang pangalan ni Ava na naalimpungatan na inaalalayan naman siya ni Vester na parang ayaw ko dahil hinahawakan siya nito ng nakababa si Ava ay nagsipaglapitan na din sa kaniya ang ibang mga kagrupo ko na nagpakilala na isa isa kay Ava . Hi magandang binibini Ako nga pala si Leigh Vester but you can call me Vester nalang at anong name ng magandang binibini sa aming harapan. Ako po pala si Ava Joy Reyna grabe nakikita ko na talaga kayong lahat ng malapitan dati pinapangarap ko lang kayo na makita pero ito Ako ngayon nasa harapan ko kayo at nahahawakan. So isa ka din sa mga Maharlikan's na solid na sumusuporta sa grupo namin Ms Ava by the way I'm so Sho. And I'm Austin ang pinakabunso sa grupo. I'm Kenzo At ikinagagalak namin makilala ka Ms Ava. Tama na iyan may practice pa tayo hindi oras ngayon ng kwentuhan sabi ko sa mga kagrupo ko na patuloy pa rin na kinakausap si Ava habang papasok kami sa building Ewan ko sa sarili ko bakit parang ayaw ko na may ibang kinakausap si Ava na lalaki kahit pa mga kaibigan ko ito ay hindi ko maiwasan na magselos tama yun ang tamang salita sa nararamdaman ko nagseselos Ako. Nang makapasok kami sa loob ay ganoon pa din sila kay Ava kaya inutusan ko na ito na asikasuhin ang mga kakailanganin ko para sa practice namin kahit kaya ko naman itong gawin gusto ko lamang na mailayo siya sa mga kagrupo nag-umpisa na din kami ng practice na halos dalawang oras din ang itinagal dahil gusto na talaga namin maperfect ang step at choreo na ito dito naman ako pinagpala sa mga kagrupo ko dahil kahit noon pa man na training namin ay halos wala na kaming pahinga na halos apat na taon din kami na walang sahod puro training lang na pinagpalit pa.namin ang mga trabaho at pinagsabay din ng pinakabunso sa grupo namin ang pag-aaral na halos sumuko na din kami noon at maghiwahiwalay pero talagang binigay ni Lord lahat ng pagsubok na iyon sa amin para tumatag at maging handa kami at ngayon heto na ang bunga ng pagtiyatiyaga namin sa training kilalang-kilala na ang grupo namin at siyempre hindi kami makarating kung nasaan man ang grupo namin ngayon kundi dahil sa mga solid Maharlikan's na mula umpisa ay kasama na namin kaya nga natuwa Ako kanina na isa din palang Maharlikan's si Ava sino kaya ang bias niya sa.amin napapaisip tuloy Ako. Pagkatapos ng training namin ay kumain at nagpahinga na muna kami at nagpaalam na din sa akin ang mga kagrupo ko nagpaalam din sila kay Ava na nginingitian lamang sila kami ni Ava nag-ayos na din ng mga gamit dahil death anniversary ngayon ni Prei ay kailangan makauwi na kami ni Ava dahil ihahatid ko muna siya sa condo bago ako pumunta sa puntod ni Prei. Pababa na kami sa parking agad Ako na sumakay sa motor ko para painitin ang makina nito halika na Ava sakay na habang nasa byahe kami ay bumili na muna ako ng bulaklak para kay Prei pinahawak ko na lamang ito kay Ava. Para kanino ito Pao sa girlfriend mo ba?okay lang kung Hindi mo sasagutin masyado na kasing personal yung tanong ko. Yes ibibigay ko siya sa babaeng napakaspecial sa akin kaya ihahatid lamang kita sa condo okay. Okay Pao. Naging tahimik na si Ava sa buong biyahe namin na hinayaan ko na lamang dahil baka naninibago pa din siya dahil sa byahe namin at sa trabaho niya sa akin ng makarating kami sa condo ay bumaba na si Ava at nagpaalam na ako dito nakita ko pa ang pagkaway niya sa side mirror ng motor ko nakarating naman agad Ako sa puntod ni Prei mahal ko kamusta kana pasensya kana ngayon lang Ako may kinailangan pa kasi ako na asikasuhin pero siyempre hindi matatapos ang araw na ito na hindi kita pupuntahan kaya kahit na pagod pa Ako sa practice at pagmamaneho ay dumiretso na ako dito alam mo ba Mahal na may nakilala akong girl na sobrang nagpapasaya sa akin ngayon sa mga simpleng ginagawa niya ay napapasaya niya Ako at alam mo din ba na heto na ako tinupad ko lahat ng pangarap natin at maging ang pangarap ko na makilala sa buong mundo ay unti-unti ko na din na nakakamit Mahal ko ngayon ko na nauunawan kung bakit kinuha ka agad sa akin dahil may ibang plano sa akin ang tadhana.at ito ay makilala si Ava na nagpapagulo ngayon sa isip ko pero siyempre Prei hinding-hindi ka mawawala sa puso ko lagi ka pa din may puwang dito kahit pa may dumating pa na bago kong mamahalin at sa pagkakataon na ito Mahal ko Prei ay hindi na ako magiging duwag katulad ng ginawa ko noon kaya naaksidente at nawala ka sa akin kaya sana Prei ibigay mo sa akin ang basbas mo para ng sa gayon ay alam ko na suportado mo Ako sa gagawin ko na panliligaw kay Ava may isang paru-paro ang lumapit sa akin at nagpaikot-ikot sa akin alam ko na si Prei na ito salamat Mahal ko Prei lumalalim.na ang gabi Prei kaya aalis na ako babalik Ako dito sa susunod ipapakilala ko sayo si Ava alam ko magugustuhan mo siya nagmaneho na ako pabalik ng condo ko pagdating ko ay sarado na ang mga ilaw mukhang tulog na si Ava pumunta na ako sa kwarto ko para.magpahinga sandali ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Ava papunta siya sa kusina hindi niya siguro namalayan na nandito na ako sinundan ko siya ng nasa kusina na ako ay tinanong ko siya , Bakit gising ka pa Ava?bakit parang maga iyang mga mata mo umiyak ka ba? Nakauwi ka pala Pao nauhaw lamang Ako hindi kasi Ako nakapagdala ng tubig sa kwarto ko napuwing lamang Ako kanina kaya namumula ang mga mata ko.sige Pao goodnight. Okay sige goodnight Ava paglakad ni Ava ay hindi sinasadyang natisod siya buti na lamang nasalo ko agad siya pero na out balance Ako kaya parehas na kami ngayon na nakahandusay siya ang nasa ibabaw ko kaya imbes na tulungan siya na makatayo ay niyakap ko muna siya napakalakas ng t***k ng puso namin pareho Hindi ko alam kung paano Ako mag-uumpisa na manligaw sa kaniya dahil baka maging pangit ang dating niyo sa kaniya ng magsalita si Ava ay bitawan ko na siya tumayo na siya na namumula na ang buong Mukha kaya tinanong ko siya kung may masakit. Okay lamang Ako Pao papasok na ako sa kwarto ko. Tumakbo na si Ava papunta sa kwarto at hindi ko naman na siya pinigilan pa hahayaan ko na lamang muna ganito kami gusto ko pa ma mapalapit sa kaniya para kapag nagtapat Ako ay sana parehas din kami ng nararamdaman totoo pala talaga na hindi sa tagal ng panahon mo masasabing mahal mo na ang isang tao dahil si Ava ay halos magdadalawang linggo palang na nagtratrabaho sa akin pero ganito na agad katindi ang nararamdaman ko sa kaniya minabuti ko nalang din na pumasok na sa aking kwarto at magpahinga dahil may practice kami ulit bukas ng mga kagrupo pagpasok ko sa kwarto ko ay nahiga na ako at nakatulog na,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD