Chapter 27
That New Girl
FELIZ.
Sitting here at the bench, still at school, under the mango tree infront of the school library waiting for nothing.
Nakapangalumbaba ako sa may lamesang gawa sa semento, nakabusangot at problemado kung paano ako makakauwi. Waaaaa! Mababaliw na ako!
Kung kaya maghintay na lang ako hanggang bukas dito? Tutal nakauniform na lang din naman ako e. Hindi na siguro nila mahahalatang hindi ako umuwi. Pero kung dito ako mag-i-stay magdamag, saan ako matutulog? At higit sa lahat, anong kakainin ko? Waaaa! Huhu. Baka bukas nito patay na ako na maabutan nila dito.
Kung bakit naman kasi iniwan ako nung higanteng Shintaro na yun e. Gusto ko tuloy maiyak. Pero hindi, lalaki ako ngayon, baka akalain nilang bakla ako. Pero...
Huhuhu. Nakakaiyak talaga eeeeee! (ToT)
Ginulo g**o ko ang buhok ko dahil sa sobrang frustration na akala mo nababaliw na ako.
"Excuse po, kuya?" Natigil ako sa ginagawa ko nung may marinig akong tinig ng babae. Tiningala ko ito. Nung magtama ang mga tingin namin, bigla akong nakaramdam ng pagpalpitate ng buong katawan ko. Na sabay ng pagsakit ng ulo ko kaya ako napahawak sa ulo ko habang nakayuko.
"Okay ka lang po, kuya?" Tanong niyang may pag-aalala sa boses.
"I'm fine. Don't worry about me." Sabi kong iniiling iling ang ulo ko para mawala ang pagsakit ng ulo ko saka ko siya ulit tiningala.
Agad namang nawala ang pagsakit ng ulo ko at nakita ko na ang kabuuan ng babaeng nagtatanong sa 'kin.
She has this long curly hair that is braided and lying both at her shoulders, small face with her rounded hazelnut brown eyes and long eyelashes. All in all, she's very cute and have an innocent face like an angel. Pati height kasi cute e. Maliit lang siya. Haha.
"Pasensya na. Bigla kasing sumakit yung ulo ko e. Ano ba iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Aah, alam mo po ba kung nasaan yung music room dito? Freshmen po kasi ako e." Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi niya. E paano parehas kaming bago, anong alam ko dito sa school na 'to? Hayys.
"Hehe. Sad to say, but, I don't know either. Transferee kasi ako e." Nalungkot naman yung mukha niya sa sinabi ko.
"Sige po kuya. Thank you." Saka siya tumalikod bigla. Nagulat naman ako nung magpakita bigla si O-chan at nilundag ako.
Pumunta siya sa tuktok ng ulo ko at parang nakikipag-away. Nagtayuan kasi bigla yung balahibo niya at naging pula yung marka niya sa noo. And she's facing the direction of that cute girl just now.
Feeling ko may gustong ipahiwatig si O-chan. Napatingin ako dun sa girl na medyo malayo na pala ang pwesto sa amin dahil naglalakad na siya palayo.
Gusto siguro ni O-chan na samahan ko si cute girl kasi kawawa naman. Kung mawala man kami, atleast magkasama kami. Haha.
"Want me to accompany you?" Napahinto naman ito saka siya lumingon sa akin.
"Sasamahan mo ako kuya? E di po ba bago ka din na sabi mo?"
"Okay lang. Dalawa na lang nating hanapin, para mas masaya." Natawa siya ng mahina sa sinabi ko. E? May nakakatawa ba dun? Napakamot tuloy ako ng ulo dahil sa pagtawa niya.
"Haha. Nakakatawa ka naman kuya. Sige na nga po. I'll let you accompany me then." Dinampot ko na yung mga gamit kong nasa may ibabaw ng mesa at mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya.
Nagsimula na din kaming maglakad at sinimulan ang paghahanap ng music room.
"O-chan? Bakit ka ba parang may inaaway dyan?" Saway ko kay O-chan kasi nagagalit na ata siya. Pero hindi ko alam kung ano at saan siya nagagalit.
"Sino kausap mo kuya?" That 'kuya' thing again. It hurts you know. Ang saklap lang na tawaging kuya at hindi ate. Huhu.
"Ha? Si O-chan. Nasa tuktok nga siya ng ulo ko e. Tinitingnan ka o." Turo ko kay O-chan na nasa ibabaw pa din ng ulo ko.
"O-chan? Sino yun kuya? Wala naman po akong makita sa ulo mo bukod sa greyish brown mong buhok." Natatawa niya pang sabi.
"Ha? Black kaya ang buhok ko. Paano nagkaroon ng kulay?" Nagtataka kong tanong saka tiningnan ang reflection ko sa may glass walls ng ibabang bahagi ng isa sa mga buildings.
Hala? Oo nga. Bakit nagkakulay yung buhok ko?
Habang tinitingnan ang reflection ko sa glass walls, biglang may nakaagaw ng atensyon ko sa kabilang bahagi nito kaya ako napalingon dun.
Kinusot ko pa ang mata ko para siguraduhin kung totoo nga ang nakikita kong reflection din ng isang babaeng nakapurong damit na itim. At bigla akong kinilabutan nung makitang masama ang tingin niya sa akin.
Sinalakay na din ako ng kaba na halos pagpawisan ng malamig. Agad ko namang ibinaling sa mismong pinanggagalingan ng reflection ang nakita ko.
Pero wala akong nakita. Bigla akong kinilabutan, hanggang sa makita ko bigla si cute girl na pabungad papunta sa akin.
"Hala kuya, akala ko naiwan mo na ako at nawala ka na din. Buti po bumalik ako." Medyo hinihingal na sabi niya nung makalapit siya.
"Tara na? Para mahanap na natin yung music room." Aya ko para mabaling na sa iba ang atensyon ko.
Habang naglalakad at naghahanap ay hindi ko pa din maiwasang alalahanin yung nangyari kanina. It was a little bit scary that my body felt stiffed upon seeing the black lady's eyes. It's like, she wants to kill me.
Pero habang tumatagal ay nawawala na sa isip ko yung nangyari. Makwento kasi siya at syempre pati ako.
Kung aanalisahin ko ang mga kwento niya, mapagtatanto kong halos madami kaming pagkakaparehas.
Tulad ng pagbabasa ng mga works ni Shakespeare na isa na yung Macbeth. At ang Midsummer Nights Dream at Romeo and Juliet na gusto kong gawin sa buong buhay ko na idramatize! *0* Tapos ako si Hermia or si Juliet! Waaa! Every girls' dream! Hehe.
Oo nga pala, napag-alaman kong siya pala si Danica Viel. Baka sabihin niyong kanina ko pa siya kinaka-usap pero hindi ko man lang alam ang name niya.
Classmate niya daw si Luigi, nabanggit ko kasing may friend ako sa section niya dahil nabanggit niya nga yung section niya. Kaya ayun, nasabi niya naman.
Kaya din daw siya pupunta ng music room ay para mag-submmit ng form para sa music club. Oo nga 'no? May mga clubs nga pala. Meron din pala nun dito. Sa theater club na lang kaya ako? *0* Hehe.
"Teka, kuya. Nandito na po pala tayo." Saka kami huminto at kumatok siya. Walang nagbubukas kaya ako na mismo ang nagbukas. And unfortunately, wala ng tao. Kaninang five pa pala umuwi ang mga officers ng different clubs.
"Try ko na lang bukas. Okay lang yan. Kuya Philip, thank you po sa pagsama sa 'kin. Kahit wala ka namang napala sa pagsama sa akin." Ngumiti ako bago sumagot.
"Wala yun. Atleast, nakapagtour din ako sa school."
"E kuya, mukhang tayo na lang po ang tao dito. Uwi na po tayo." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Uhh, kuya? Okay ka lang po?" Nag-aalalang tanong niya. E kasi, para akong nawala sa sarili ko nung maalalang hindi ko nga pala alam umuwi. T_T
"Hindi ko alam ang way ko pauwi." Tila gulat naman ang namutawi sa mukha ni Danica at pagtataka.
"Gusto mo bang sumabay kuya? May sundo po ako, hatid ka na lang po namin." Nagningning naman ang mata ko sa sinabi niya. Kaya um-oo na lang din ako.
Yehey! Makakauwi na din ako sa wakas! Nag-umpisa na kaming maglakad ng nagkukwentuhan pa din. You know what, I feel something in her. Pero hindi ko alam kung ano yun.
***
Nasa may gate na kami at pasakay na ako sa Innova niya nung may marinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Philip!?" Sabay kaming napalingon ni Danica sa direksyon na iyon at laking gulat ko at saya na din dahil nakita ko si Vic na tumatakbo palapit sa amin.
"Shin told me na hindi daw kayo magsasabay kaya tinext niya akong ihatid ka na pauwi." Sabi niya nung makalapit.
"Waaaaa! Vic!? Kala ko sa school na ako sisikatan ng araw bukas e. Tapos mamamatay ako dahil sa gutom. Waaaa! Ayoko nun!" Sumbong ko sa kanya na parang bata. Until I heard someone chuckled, at dun ko naalala na may kasama pala ako. Nilingon ko si Danica na natatawa.
Luh? Bakit na naman kaya? Baliw na ata si Danica. Tsk. Tsk.
"Dapat nga magpapahatid na lang ako kay Danica e." Kumunot yung noo niya.
"Danica?"
"Oo. Siya oh. Siya si Danica." Pakilala ko kay Danica na nasa tabi ko lang kaya napalingon siya dito.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya kaya napatingin naman ako kay Danica. Ganun din reaksyon niya, gulat din e.
"Aah, Danica, si Vic. Bes--Girlfriend ko nga pala."
"Ikaw yung si Roller Skates girl." Said Vic na parang kinokompronta si Danica.
"Nice to see you again ate."
"Magkakilala kayo?" I asked confused.