Chapter 30
Feliz is being Weird
SHIN.
What the fvck is that face all about? He's giving me an expression of disbelief and it irritates me to hell.
"Stop giving me that damn expression, jerk!" I shouted at him. Bigla naman itong napapitlag sa gulat nung sigawan ko siya.
"Maupo ka nga at lumamon dyan!" Saka ko padabog na inilapag ang plato niya sa may bakanteng upuan sa tapat ko.
"Stop looking at me, small runt! You're creeping me out! Ugh!" I then rolled my eyes.
Nakatingin lang siya sa akin ng hindi makapaniwala. Akala mo multo akong hindi kapani paniwalang makita.
Para kasi siyang natatakot na ewan. -_-
"Quit staring! Want me to grab your eyes?!" Banta ko sa kanya. Napakurap kurap ito sa gulat saka tumungo.
Dahan dahan din itong umupo at parang iniiwasan ako sa itsura niya. May pagkasira ulo ba 'tong boyfriend ni Vic? Sarap itapon pabalik sa pinanggalingan niya e.
Umupo na din ako at kumain. Nakayuko lang siyang kumakain at tahimik. Hindi siya nagsasalita at naiinis ako dahil dun.
"Aaarrg! Magsalita ka nga!" Pabagsak kong nilapag yung kobyertos sa plato ko kaya nagulat siya.
"Wala kang balak magsalita?" Naiinis na sabi ko at bigla siyang tumayo.
"Sa kwarto muna ako." Saka siya tumalikod. Pero humarap ulit at kumuha ng limang slice ng cake.
"Hoy akin yan! Sino may sabing kumuha ka?! I told you not to touch it!" Tumigil siya saglit at inilapag na sa mesa yung kutsilyo.
Hanggang sa bigla itong tumakbo palayo at pumasok sa kwarto niya. Ugh! The nerve of that guy!
What the fvck is his problem? Tsss.
The next morning…
I open the door of my room to go downstairs and eat breakfast. Bumungad sa 'kin si Kutong Lupa na abot tenga ang ngiti, pero nung makita niya ako, bigla iyong naglaho. Biglang naging takot at kuryosidad ang bumalot sa mukha niya saka siya nagdali daling bumaba.
Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Kagabi pa. Ugh!
I pinch the bridge of my nose to calm myself then took a deep breath. Kumalma naman ako ng konti.
***
Now, we're on our way to school. Walking silently. May tatlong hakbang din ang layo niya sa 'kin. Kanina pa siya hindi nagsasalita, maging sa hapag.
Dati kasi dinadaldal niya ako at hindi siya titigil dumaldal hangga't hindi dumadating ang teacher.
Now he's making me think too much. I mean, what is his fvcking problem with me? Hindi ako manghuhula para hulaan yun.
Nakikita ko siya sa peripheral vision ko at naaaninag ko siyang tumitingin sa 'kin. -_- Now what?
"Quit acting like that! You look like a freaking stalker, sneaking at me!" Sigaw ko sa kanya habang naglalakad.
"Waaaaaaa!" Saka siya tumakbo palayo ng mabilis.
Arg! Mababaliw ako kakaisip kung ano bang inaasal nung pesteng kutong lupa na yun. Tsk.
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa school. Kaya siguro tumakbo na siya.
Damn. How can I be able to bring him at the Shrine if I can't even talk to him?
***
It's lunchtime. We're all here at the rooftop. Eating our lunch. Tahimik ang lahat dahil maging ang anim na kasama namin ngayon ay nagtataka kung bakit tahimik ang laging maingay na kutong lupa'ng 'to.
Nag-uusap usap kaming mga guardians sa pamamagitan ng isip and they can't figure out what is happening with him. But suddenly, all our attention diverted to Vic when we heard her talk. Not literally talk but I heard her voice inside my head.
'I think, there's something bothering her.'
'Her? Who are you referring to, Vic?' I saw her gasp. Pero kami lang ang nakapansin nun. Dahil nakatutok naman sa pagkain si kutong lupa at tinitira ang sushi na dala ni Ryo.
'S-Shin?' Napatingin siya sa akin. Para siyang natataranta na hindi ko maintindihan.
'N-naririnig mo ako?'
'Not only Shin-senpai. All of us. Except for Philip-senpai.' Boses ni Ren ang narinig ko.
Hindi siya sumagot at parang natataranta na.
VICTORIA.
Omg! How did they heard all my thoughts?
'Masyadong open ang pag iisip mo kaya ka namin naririnig.' Napalingon ako kay…Ryo? Now he's looking serious again.
Napatingin ako sa lahat at lahat sila ay nakatingin sa 'kin. Wearing all their curious expression.
Paano bang hindi ko sila maririnig at hindi nila ako maririnig? May super powers ba ako kaya ko sila naririnig?
As if! Wala ng powers sa generation ngayon. Di na uso yan. Pero ang astig siguro pag may powers 'no? Pwede ko ng mapasok yung kwarto ni Shin. Hanggang ngayon kasi, hindi pa ako nakakapasok sa room niya.
'Don't you dare, Vic.' Nagulat ako nung marinig si Shin na nagsalita. Oops. Naririnig niya nga pala ako. I just give him a peace sign.
'Try to concentrate and block all what you hear.' Now that's Harvey. Cute sana 'to e. Kaso mas bata sa 'kin.
'We can still hear you. 'Wag mo ng pagpantasyahan si Harvey' I heard a mocking voice of Ren, kaya bigla akong namula dahil sa sinabi niya. What the hell?
Shit naman. Nakakahiya! Gagawin ko na nga para hindi na nila marinig ang utak ko.
Sinubukan ko nang gawin ang mga sinabi nila. Wala na kasi akong naririnig na mga mabababang boses ng lalaki.
"Nyaaa~" Ee? Ba't may naririnig akong pusa?
"Nyaa~" Napamulat ako ng mata nung madinig ulit ang pusang malapit sa 'kin.
"O-chaaaaan!" Si Feliz na yan. Tumatawa dahil kinukuskos nung…err? Was that an animal? A weird looking animal.
"Buti naman at nagsalita ka na Philip-senpai." Luigi said in relief na ikinalingon ni Feliz.
Nagulat na lang kami nung bigla siyang tumayo sa kinauupuan at naglakad palayo. I mean pababa na. Nainis ako nung hindi man lang siya nagpaalam.
What the hell? Ano bang problema nun? She's so hard to understand! At kapag ipagpapatuloy ko pa ito, malamang bukas baliw na ako.
Anim kaming naiwan dito. Lahat nagtataka sa nangyayari.
"Vic? Tapatin mo nga kami? Baliw ba yang boyfriend mo? Ang lakas ng trip e. Walang planong kumausap ng tao." Medyo inis na sabi ni Senpai. E sino namang hindi maiinis dun? Tsk. Kakaltukan ko talaga yun pag nakasama ko siya.
"May pinagdadaanan ba siya at ayaw magshare?" Malungkot na komento ni Luigi.
"I think something's bothering him right now. Or he's just scared. I've known him for a long time, before you. He reacts that way if he's scared of something." Seryoso kong sabi.
"Scared, sa akin? The fvck? He looks at me like I'm a freaking creepy stalker. Tsss. Arte niya lang, yun ang sabihin mo." Alam niyo, konti na lang talaga mababangasan ko na 'tong pinsan ko e.
"Shin is right. Don't tell me, takot din siya sa 'kin. And I believed na pati sa kanila, parang natakot siya. Pero hindi namin alam kung saan." Harvey commented at patuloy na nag-iisip ng malalim.
"Oo nga pala. Bakit may dalang pusa si Philip. At saka, why is it looks weird? Pusa ba talaga yun? Shin, nakita ko yun sa bahay mo nung huli kong punta. Alaga mo ba yun?" Kumunot ang noo ni Shin sa tanong ko at agad sumagot ng pasigaw.
"Sino may sabing mag aalaga ako ng pusa?! Tingin mo sa bahay ko, zoo?!" Saka siya nagpa-ikot ng mata heavenwards.
"E ba't ka sumisigaw? Para nagtatanong lang!" Bulyaw ko naman. Anong kala niya sa 'kin? Sinisigaw sigawan na lang? Bahala siya kahit magalit siya, alam ko namang ayaw na ayaw niyang nabubulyawan at sinasagot. Pero siya din naman ang nangugnguna. Kainis diba?
"Nakita mo si O-chan?" Nagulat naman ako kay Senpai dahil bigla siyang lumapit sa 'kin.
"Oo naman senpai. Hindi naman ako bulag. Nakita niyo din naman ah." sagot ko na medyo nakalayo kay Airon-senpai dahil nga sa bigla niyang paglapit.
"Come with us later. We need to confirm something."