Chapter 57 Man in Shadows Other's POV. Kakatapos lang ng pagsasanay ng mga tagapagbantay at lahat sila ay nagtungo sa silid tanggapan ng Maxell's upang magpahinga at kumain dahil sa nakakapagod na pagsasanay na ginagawa nila, dalawang linggo na ang nakararaan. Hindi nakisali si Philip sa mga gaya niyang itinakda, imbes ay dumiretso ito sa taas upang magtungo na lamang sa kanyang silid. Ang Maxell's ay naglalaman ng madaming kwarto na sapat lang upang magkaroon sila ng sari-sarili nila. Maliban na lang kay Feliz at Shin dahil magkasama silang binabantayan. Nang makarating sa ikatlong palapag ng mansion ay natigil ito sa pagtuloy sa ibinigay sa kanyang kwarto niya nang mapadaan sa kwarto kung saan nahihimbing sina Shin at Feliz. May kaunting siwang ang pinto kaya ito napasilip ng kaunt

