Chapter 54 Guardian Gods AIRON. Bakit? Yun ang tanging tanong ko ngayon. Bakit ako, taenang yan. Nagvolunteer na nga si Vic kanina na magbantay dun sa tatlo na nasa kwarto e, bakit ako pa din ang naatasan? Hindi ko matanggap na hindi ko ma-eenjoy magfiesta ng pagkain ngayon. Andami pa namang pagkain na nakahapag sa mahabang mesa dito sa Maxell's. Dapat daw lalaki ang magbantay, pero sa dinami dami bakit ako, Nakakainis! Grr. Si Tandang Richards ang nag-utos sa akin. Akala mo naman kung sino, e kung siya na lang kaya. Kaya ngayon nag aalboruto ako dito at mabigat ang yabag na paakyat sa hagdan. Kanina pa kasi kaming bumaba lahat galing sa kwarto nung tatlo para kumain at magpahinga sana bago pag usapan kung paano kukunin ang elemento ng apoy sa lungga ng mga kalaban. Pero mi

