"AYOS KA lang ba?" Anang ni Rica, naroon sila sa restaurant malapit sa hotel na pinagtatrabahuan nito. Mabigat ang loob niyang umalis kanina. Pero hindi niya maintindihan kung bakit nagalit nang ganun ang ama niya sa asawa nito. Napabuntong hininga siya. " Parang kasalanan ko pa na nagkita ulit kami nang Papa ko, Rica." "Lukaret ka, paano naging kasalanan 'yon." Napilitan siyang ikuwento dito ang nangyari. "Nakaplastick naman pala nang madrasta mo." Asar na turan nito. "Hindi na siguro ako babalik sa companya ni Papa." Nagkibit balikat. Mas tama 'yon upang maiwasan ang gulo." "Desisyon mo 'yan. Teka, bakit di ka ba lang magtrabaho sa companya nang asawa mo." Biglang suhesyon nito. Working with Gael was the last thing she wanted to do. Besides he was busy with something else. Boung ar

