"ROMULO!" Napatingin si Lena at pinto nang marinig niya ang boses nang isang lalaki sa labas. Naroon sila sa tahanan nang mag-asawa dahil muli na nang tumakas si Catalina. Naawa siya sa sitwasyon nang mag-asawa. Kaya tinutulungan niya ang mga ito. Iyon lang ang magagawa niya para sa tulong nito sa kanya noong mga panahong naghihirap siya. Dalawangpung taon na ang nakararan mula nang mapadpad siya sa Mindoro. Kung saan doon niya ipinasyang magtago, at mabuhay na parang patay. "Si Nick ata 'yon, baka kasama si Samuel. " Excited na nagtungo ito sa pinto upang pagbukasan ang kumakatok. Kaagad naman itong pinapasok. Humihingal pa ito. Kaya binigyan niya ito nang tubig. "Pambihira ka, akala ko anak mo talaga 'yong si Samuel, paano mo ba siya nakilala? Siya pala ang Boss namin na inakala nan

