CHAPTER 10

1461 Words
"Sorry! Sorry! Sorry!" Kulang na lang ay halikan ko ang semento sa paghingi ng tawad. Marami ang nanood sa amin kanina May nagtangka pang magtawag ng pulis pero buti na lang at naagapan ko "Stand up Gigi please.." pagmamakaawa niya habang pilit akong pinapatayo. Nasa may sulok na kami ng paradahan kung nasaan ang kotse ni Sir Sam. Nakaalis na kami sa mata ng tao pero nahihiya pa rin ako sa ginawa ko. Nasaktan ko lang naman siya. Guilty na guilty ako. "Sorry. Hindi ko sinasadya" "I know. It is my fault cutie. Don't worry. Kasalanan ko naman. I shouldn't have surprise you like—aw.." Inangat ko ang tingin at nakita kong nakahawak pa din siya sa kaniyang sikmura kung saan ko siya pinuruhan. "Okay ka lang po ba?" Tanong ko. Tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Inangat ko nang walang pag-aalinlangan ang kaniyang t-shirt. "W-wait. What are y-you doing Gigi?..." Umatras ng kaunti si Sir Sam hanggang sa mapasandal siya sa kotse. Wala naman doon ang atensyon ko dahil nasa namamaga niyang tiyan ako nakatingin. "Masakit sir? Sorry talaga" kinagat ko ang labi sa sobrang guilty. "I-it's fine. Stop looking at i-it. N-now" tumikhim siya kaya inangat ko ang tingin sa kaniya. Hindi ko makita ko ang kaniyang itsura pero namumula ang kaniyang leeg hanggang tainga. Siguro masakit pa din. Binaba ko ang tingin muli sa namumula niyang sikmura. Pinalandas ko ang kamay doon. Naramdaman ko ang paninigas niya. "Sorry!" Kaagad kong hingi ng paumanhin. Bakit hinawakan ko pa? Masakit nga 'yon! "I-it's really fine. Don't w-worry" nauutal niyang sambit. Tingnan mo. Nauutal pa siya dahil sa sakit. Namamaga iyon. Nakakaiyak talaga. Anong klaseng tao ka Gigi! Bakit mo ginawa iyon? Tiningnan ko pa ang tiyan niya saglit hanggang sa mapansin ko ang maputi at matigas niyang mga abs. Nang tumingin ako ulit kay Sir Sam ay nakaiwas ang mukha nito at hindi humihinga... Para akong napaso na lumayo. Umakyat ang dugo sa aking mukha sa pula. Hindi naman niya iniisip na m******s ako ano?! Nag-aalala lang ako. Kailangan kong makaisip ng gagawin. "Bibili lang akong yelo" pagpapaalam ko. Ayaw ko na madagdagan pa ang kahihiyan ko. "Wait—" Hindi na niya ako napigilan pa. Dali-dali akong umalis para maghanap ng yelo. Buti na lang at may malapit na bilihan ng yelo tapos mayroon na rin bilihan ng towel. Binasag ko ang yelo sa pader bago ko iyon nilagay sa towel. Hawak-hawak ko iyon hanggang makabalik. Nasa loob ng sasakyan si Sir Sam pagkarating ko. Pagpasok ko sa kotse ay nakikita kong ngumingiwi pa rin siya habang hawak ang tiyan ngunit nang makita ako ay kaagad naging normal ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Ayaw niya pa ipakita sa akin. Hindi ko iyon pinansin. Sinarado ko ang pinto ng kotse bago ko inabot sa kaniya ang towel na may yelo. "Ilagay mo po sa tiyan mo. Sana makatulong sa pamamaga" Malungkot kong sambit. Sinunod niya ako. Inilagay niya ang yelo sa parte kung saan ko siya nasuntok. Mas namumula na iyon at parang nagkukulay violet pa. Nag-aalala pa rin ako. Inaamin ko na malakas ang pwersang ginamit ko. Baka may kung anong nangyari sa kaniyang lamang loob. "Pumunta po kaya tayo ng hospital" "Gigi enough" hinawakan niya ang isa kong kamay, pinisil niya iyon. "Pero kasi....." yumuko ako. "Ako ang may kasalanan. Your gut is to protect yourself. Wala kang kasalanan" "Pero..nasaktan kita" "Yeah. Ang sakit mo manuntok" Ngumuso ako. "Sorry po" "If you're really sorry, why don't you comfort me?" Ipinahinga niya ang ulo sa aking balikat. Kaagad naman gumalaw ang kamay ko para palandasin iyon sa buhok niya. Ang bango ng shampoo na gamit niya. Nanood kaagad sa aking ilong. Ang lambot din ng buhok, halatang magandang brand ang shampoo. "Hmm...I like it Gigi. Continue doing that.." Kumorte ang ngiti sa aking labi bago ko nilapit ang aking mukha para halikan ang tuktok ng kaniyang ulo na para bang normal lang para sa akin 'yon. Hindi ko mapigilang halikan sapagkat ang bango. Tumigil ang paghinga niya saglit bago inangat niya ang tingin sa akin. Sinalubong ko naman iyon. Sinapo ko ang kaniyang pisngi. Namangha ako sa lambot no'n. Walang...ni trace ng buhok o bigote man lang. "Sumasakit ba ng sobra?" Nag-aalala kong tanong. Binuka niya ang bibig habang nakatingin sa akin, hindi naman nagsasalita. Bigla akong naconcious sa mukha ko. Ang lapit din pala namin kaya iniwas ko ang tingin pero umangat ang kamay ni Sir Sam, inilagay iyon sa aking baba para panatilihin ang eye contact namin. "Do you know how interesting you are?" Lumakas ang t***k ng puso. Nahihirapan ako huminga lalo na't malinaw sa aking mata kung paano niya ako tingnan ng may paghanga at adorasyon. "May inosente kang mukha pero lagi akong nagugulat sa mga aksyon mong hindi ko inaasahan. Your boldness and innocence at the same time really amuse me. Gigi, what did you do to me? Kahit ata sinuntok mo ako kanina, namamangha din ako. Hindi ko akalain na magaling ka sa gano'ng bagay. You look fragile." Nag-init ang aking pisngi habang sinasabi niya iyon. "It is nice to hangout with you. You know that?" Ahhh, gusto kong takpan ang mukha ko ng aking buhok kaso nakaipit tapos nakasumbrero pa ako! "H-huwag kang ganiyan..." pinilit kong iiwas ang mukha ko pero dahil hawak niya ang baba ko ay hindi ko magawa. "Why? Kinikilig ka?" Tumango ako. Umangat ang sulok ng kaniyang labi. Napalunok ako nang lumapit pa siya sa akin. Nagtama ang aming mga ilong at kaunting-kaunti na lang ay maglalapit na ang mga labi namin. "Sir Sam.." tawag ko sa sobrang kaba. "Will you cut off the sir? It's irritating me. Call me Samuel" "Ayaw" matigas ako magsalita. Ang pangit sa boses ko ng pangalan niya. Ayaw kong mabahidan ng kapangitan ang elegante niyang pangalan. "Please?" Nanudyo ang labi niya sa labi ko. May kung anong naglalaro sa tiyan ko sa ginawa niya ngunit hindi ko naman namamalayan na kapit ko na pala ang buhok niya habang ang isa ay nasa t-shirt niya, kumakapit doon. "T-tsaka na. Praktisin ko muna.." mahina kong sambit. Halos bulong na 'yon. "I'm looking forward to it" Napapikit na lamang ako nang tuluyang lumapat ang malambot niyang labi sa akin. Malugod ko iyong tinanggap. Bagama't baguhan pa din, nakakasabay na ako sa kaniyang mga atake. Naramdaman ko ang pagdiin ng kamay ko sa kaniyang buhok, pilit ko siyang inilalapit. Ramdam ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya habang nalalasing ako sa mahiwaga niyang halik. Eksperto niyang sinipsip ang ibaba kong labi bago kumatok ang kaniyang dila na kaagad kong pinaunlakan. Nahigit ko ang hininga at sinabunutan ang kaniyang buhok nang mas lalong dumiin ang halik niya. Lumikot ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig, bahagyang naglalaro doon. Tinitupok naman ako ng init at sobrang pagkalasing. Ang bango niya. Ang sarap ng pakiramdam na mahalikan ng isang Sam Cuevas. Nanatili akong nakapikit hanggang sa kinailangan naming maglayo para lumanghap ng hangin. "F*uck.." rinig kong bulong niya bago niya pinahinga ang ulo sa aking leeg. Kusa namang gumalaw ang aking kamay para mahina siyang suklayin habang hinihingal. Pinagpapawisan ako dahil sa tindi ng init ng halikang iyon. Nanatili kaming gano'n. Walang umiimik sa amin. Parehas kaming mabibigat ang buga ng hininga hanggang sa maproseso ng utak ko lahat ng nangyari kani-kanina lang. Nasa divisoria ako para bumili ng pasalubong sa pag-uwi ko sa probinsiya tapos...may lalaking tumakip ng aking mata. Sa gulat ko ay nasuntok ko iyon at hindi ko akalaing si Sir Sam pala iyo— Nanlaki ang aking mata bago ko dali-daling tinulak siya palayo sa akin. Clueless naman niya akong tiningnan habang namumula pa ang maganda ang malambot niyang labi. "What happened?" "Paanong po naandito ka? Hindi po ba may trabaho ka?" Tama! Masiyado akong naokupa nang pagkasuntok ko sa kaniya at pagiging kaakit-akit niya na nakalimutan ko ng si Sir Sam nga pala ang kasama ko at nakalimutan kong naandito pala siya sa divisoria. "Wala na akong trabaho. It is cancelled" Umiwas siya ng tingin. "Besides, how could I let you alone in this kind of place? What if something happened to you? I will go nuts" "S-Sasamahan mo ako?" "Yes..." Inaamin ko na may kaunting excitement ang naramdaman ko. Kung sasamahan niya ako....ito ang unang beses na magsasama kami na walang trabaho at kami lang dalawa pero kaagad ko ding winaksi sa isipan iyon. "Hindi pwede" "Huh?" "Celebrity po kayo Sir Sam. Hindi kayo basta-basta gumagala" "Hindi naman ako makikilala. I have my glasess and mask on" Hindi pa rin ako sang-ayon. Kinuha niya muli ang aking mga kamay. Pinisil niya iyon bago iyon hinalikan. "Don't think anything today. Let's go to divisoria together okay? Hmm?" Nag-puppy eyes ang kaniyang mata. Wala akong nagawa. Nagwagi ang aking karupukan. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD