Phoebe's POV Nandito ako ngayon sa may bandang unahan ng arena. Dito nila pina upo ang mga nanalo sa first round. Isang daan kaming lahat na nakaupo rito. At ilang sandali pa ay nagsalita na ang emcee, siguro mag uumpisa na ang next round. " Good Afternoon students. I just want to congratulate those who passed the first round. And almost all of you is a high tier. " sabi ng emcee. "Hindi ko na to patatagalin pa at umpisahan na natin ang second round ng battle. Simple lang a mechanics ng second round. Pipili kami ng dalawang maglalaban galing sa inyong isang daang estudyante na nakapasa sa first round. Pagkatapos ay maglalagay kami ng limang minuto bilang timer nyo. Dapat bago matapos ang oras na iyon ay napabagsak nyo na ang kalaban nyo. Pero kung maubos ang oras nyo at wala pang natu

