Primrose Pov NAGSIMULA na ang homeschool ko at wala na akong nagawa kundi tanggapin na si teacher Lady na talaga ang magtuturo sa ‘kin. Mukha naman siyang mabait at talagang malambing lang pala talaga ang boses niya kapag nakikipag usap. Akala ko kasi ay sinasadya niya para landiin ang uncle ko. Masyado na talagang nag iiba ang ugali ko kaya kahit konting mali lang o kakaiba ay napapansin ko agad. Nasanay na din ako na kinakausap niya ako na malambing. Magaling naman siya magturo dahil naiintindihan ko agad ang mga lesson. Binigyan niya ako ng quiz ngayon kaya tahimik kong sinasagutan ang quiz. Nasa katapat ko naman na upuan si ma’am Lady na seryosong nakatapat sa laptop niya. Wala naman si uncle ngayon dahil pumunta siya sa kompanya. Kaya kami lang talaga dalawa ni ma’am Lady. Nahi

