Primrose Pov TAPOS na kaming mag hapunan ni uncle Death at agad akong nagpaalam na matutulog na. Pumayag naman siya na pumunta ako ng kwarto ko. Narinig ko na din ang pagpasok ni uncle Death sa kwarto niya kaya sigurado ako na hindi na siya lalabas pa ng silid niya. Mabuti nga yun para makatakas talaga ako. Saktong-sakto para sa plano ko na pagtakas mamaya. Humiga na muna ako sa kama para saktong 11PM ay gagawin ko na ang pagtakas ko. Kailangan ko lang makasiguro na tulog na ngayon si uncle Death. Tahimik lang ako nag ce-cellphone at nililibang ang sarili ko. Baka kasi makatulog ako at hindi ako magising ng 11. Hindi pa naman ako inaantok pero mas okay parin na nakahanda ako. Kabado pa talaga ako sa gagawin ko mamaya ngunit pinapalakas ko lang ang loob ko and think positive lang t

