Maingay at magugulo ang mga kaklase kong hindi magkanda-ugaga para sa mga requirements na ipapasa para sa papasukang unibersidad. Habang sila ay nagkakagulo ako ay prenteng nakaupo, namumuo ang luhang nagbabadyang bumuhos anumang oras, naiinggit ako .
"HOY! Tulala ka na naman" sambit ni Aniana ang isa sa mga kaibigan ko. Hinila nya ang isang upuan sa tabi ko . Tumunganga sya sa akin habang nakapangalumbaba, nag-iwas naman ako ng tingin dahil sa lahat ng mga kaibigan ko sya ang higit na 'mas' nakakakilala sa akin.
"Naiingit ako sa inyo Aniana mabuti pa kayo makakapag-aral" malungkot na sambit ko at napabuntong hininga. Alam kong naaawa din sya sa akin pero tulad ko ay wala syang magagawa.
"Tara kain tayo, libre ko" yaya nito na para bang pagkain ang sagot sa sinabi ko.
Halos nahihiya na rin ako dahil siya ang laging nanlilibre sa akin. Isang na taon na rin nya akong inililibre.
Umiling ako "Ayoko, busog pa ako" sambit ko, sa totoo lang kumakalam na talaga ang sikmura ko pero nauunahan ako ng hiya.
Kung sana ay matalino ako pupwede akong mag apply bilang iskolar sa isang unibersidad pero hindi. Sapat lang ang kaalaman ko, hindi matalino ngunit hindi rin bobo. Naipapasa ko naman lahat ng exams, hindi mataas, hindi rin mababa, sapat lang para sabihing pasado.
"Bakit kasi di ka nalang mag apply bilang skolar malay mo naman pumasa ka diba?" sambit ni Vicky habang ngumunguya ng roller coaster. Inalok nya ito sa amin. Kumuha naman si Aniana at itinapon sa ere ang pagkaing kinuha habang nag-aabang ang bunganga nitong nakanganga at nakahanda sa pagbagsak ng pagkain kanyang bibig.
Siguro ganun talaga kapag wala kang bilib sa sarili mo, hindi mo susubukan ang mga bagay-bagay.
Nag-paalam sila na may bibilhin, tumango nalang ako bilang sagot.
Pinagmamasdan ko ang nagtataasan at nagtatandaang mga puno tanaw mula sa bintana ng eskwelahan halos maluha-luha din ako habang inaalala ang mga nakaraan. Ang bangungot ng nakaraan.
Kung pupuwede lang ibalik ang dating panahon hindi ko na nanaisin pang makapunta sa ganitong sitwasyon.
Miss na miss ko na ang Papa at kapatid ko.
Kung sana ay nandito ka walang kahirap-hirap kong mararating ang mga pangarap ko.
Kung sana nandito ka hindi namin mararanasan ang hirap. Hindi namin mararanasan ang isang kahig isang tuka.
Kung sana nandito ka hindi mo gugustuhing mapagod si mama para lang may maipangkain sa amin.
Tama nga sila once na mawala ang haligi ng tahanan unti-unti ng mawawala ang iniingatang ganda ng isang pamilya.
Ganun nalang ang gulat ko ng biglang may bumagsak na pagkain sa harap ko napaangat ako ng tingin kay Anniya habang nahihiyang pinunasan ang mga luha.
"Alam kong nagugutom ka kaya binilihan kita ng makakain, kumain kana!" seryosong sambit nya. Pinakatitigan ko pa saglit ang Zest-o at fudgee bar na binili nya. Ang totoo ay hindi ko na naramdaman ang gutom dahil sa malalim na pag-iisip.
"Sabay-sabay tayong mag paclearance bukas ah?" anang Diana habang papalabas ng paaralan sabay-sabay naman kaming tumango bago maghiwa-hiwalay
Napagdesisyunan ko munang tumambay saglit sa parke ng syudad.Inilapag ko ang bag na bitbit sa pahabang upuan habang malungkot na pinapanood ang malakahel na langit.
Maingay ang parke dahil ganitong oras nagsisilabasan ang mga tao para panuorin ang paglubog ng araw. Sa parke ay may mga nagtitinda ng lobo, may mga nag papractice ng sayaw at may mga nag pipicnic at syempre hindi mawawala ang mga batang masayang naglalaro at naghahabulan.
Pinakatitigan ko ang mga magpapamilyang masayang nagkukwentuhan at kumakain habang may nakalatag na manipis na tela sa damuhan.
Bigla ay nainggit ako. Hindi ko na mararanasan pa ang maging buo ang aking pamilya dahil malabong-malabo. Hindi na babalik ang taong napayapa na.
Halos isang oras din akong tumunganga doon. Hinayaan ko ang sarili kong makaramdam ng ingit sa mga taong buo ang pamilya at sa mga taong bakas ng kasiyahan sa kanilang mukha.
Papauwi palang ay samot-sari na ang sumasalubong sa akin nariyan yung mga tambay at mga chismosang nag kukwentuhan, may mga nag-iinuman, may mga nagsusugal, marami ring batang naglalaro sa kalye.
Nadaanan ko ang mga chismosang nagkukumpulan sa tindahan.
''Alam mo ba si Karina may kabit daw'' sambit ng isang matandang babae.
Sa letra ng 'O' kalbo anunsyo pa ng bolera sa binguhan. Napatayo naman ang isang ale at sumigaw ng bingo.
Sa kabilang banda naman ay naroon ang mga nag lalaro ng basketball ang mga kalalakihan. Pawis na pawis at hinihingal habang tumatakbo. Ang isa naman ay may hawak na bola habang may sinesenyas sa kakampi.
Ang mga bata ay masayang naglalaro ng pikong baro, tumbang lata, chinese garter, tansan at pera-perahan. Mayroon ding mga bata na naglalaban-laban habang may hawak-hawak na teks.
Nakakamiss maging bata. Yun tipong wala kang iintindihing problema, ang iintindihin mo lang ay kung paano ka makalalabas ng bahay. Kung paano ka papayagan ng magulang mong maglaro sa labas.
Pag dating ko ng bahay ay nakita ko ang kapatid kong naglalaro ng tansan at bote halos maluha-luha ako ng makita syang naglalaro mag-isa ngunit kahit na ganoon lamang ang kanyang laruan ay makikita mo pa rin ang saya sa kanyang mga mata.
'Kung sana ay nandito si Papa marami kang laruang bago, robot at kotse-kotsihan' ngunit hindi ko na naisatinig pa at iniwasang maiyak.
Kailangan kong maging malakas para kay Mama at sa kapatid ko.
"Ate" pagtawag nya ng malingunan ako, sinikap kong ngumiti, sinalubong nya naman ako ng yakap.
"Ate alam mo ba may bagong laruan si Axus ang laki nong Ironman nya" masayang kwento nito.
"Ate mahal ba yon?. Gusto kong magkaroon ng ganong laruan" malungkot na aniya, lumuhod ako para magpantay ang aming paningin
"Wag kang mag-alala kapag nagkapera si ate bibilhan kita ng robot mas malaki pa don sa sinsabi mong laruan ni Axus" sambit kong pangako sa kanya.
"YES" masayang aniya at napasuntok pa sa ere "Thankyou Ate you're the best" saad nya at hinalikan ako sa pisnge marahil sa sobrang tuwa, ginulo ko naman ang buhok nito.
Dahan-dahan kong inilapag ang bag ko ng makapasok ako sa kwarto nang bahay habang pabagsak na inihiga ang pagod na katawan. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo.
Nakalaylay ang mga paa at ang kalahating katawan ay nakahiga sa malabot na kutson halos makatulungan ko na ang pag-iyak.
Nagising akong madilim na sa labas,
saktong paglabas ko ay naghahain na ng pagkain ang Nanay ko agad naman akong nagmano.
"Wala tayong ulam ngayon mga anak pag pasensyahan nyo na" malungkot na aniya, muli ay pinigilan kong maiyak.
"Wala kasing labada mabuti nga't binigyan ako ng kalahating kilong bigas ni Aling Pasing kaya may naipansaing ako. Hayaan ninyo't bukas may labada na ako nakakaulam na kayo ng masarap, kain na" magiliw na sambit pa nya.
"Wow chichiryang isda" pumapalakpak na sabi ng kapatid kong walong taong gulang, inosenteng inosente.
Deep Sea'ng chichirya na tig pipisong nabibili sa tindahan ang ulam namin.
"Diba masarap" ani ng Nanay ko sa kapatid ko habang nilalagyan din ng toyo ang kanin nito. Maluha-luha akong kumuha ng kanin at nagbukas ng chichirya. Mabilis kong pinunasan ang luha ko para di makita ni Mama.
Kung nahihirapan ako alam kong nahihirapan sya sa sitwasyon naming ito. Hindi kami sanay ng ganito. Hindi kami pinalaki ni Papa para masanay sa ganitong buhay.
Kung nandito lang sana siya alam kong hindi nya hahayaang mag-ulam kami ng ganito. Hindi nya hahayaang dumadanas kami ng ganitong hirap. Mabilis kong tinapos ang pagkain at pumasok sa aking maliit na kwarto.
Pagtapos kumain at maghugas ng pinagkainan namin agad akong pumasok sa kwarto at kinuha ang Biblia, sumampa sa kama at umiiyak na lumuhod, mabilis na namang tumulo ang mga luha ko.
Lord, ang hirap po pala kapag walang tatay. Walang magbibigay lahat ng kailangan nyo. Walang tutulong at aagapay.
Mahirap mag adjust lalo na kapag sinanay kayo ng magulang mo sa marangyang buhay. Yun bang lahat ng gusto nyo ay ibibigay nya. Lahat ay gagawin nya mabigyan nya lang kayo ng magandang buhay.
Lord, tulungan nyo po kami na maging malakas, sa ganitong sitwasyon kayo lang po ang mas higit na makakatulong sa amin.
Lord, wag na wag nyo po kaming pababayaan. Alam kong may 'mas' maganda kayong plano sa amin.
Nang matapos mag dasal agad kong binuklat ang biblia na hawak ko agad akong napangiti sa mensahe ng Panginoon.
EXODUS 14:14
"THE LORD WILL FIGHT FOR YOU; YOU NEED ONLY BE STILL"
To be continue ..
--*--
This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in a factious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from not exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Note: Mabagal mag upload ang writer.