Chapter 1

2578 Words
SUPLADO at ubod ng gwapo. Ilan lang 'yan sa mga katangian ni Clyde Rodriguez na gusto ni Cruzette Romero. Ewan ba naman niya kung bakit ang pagiging madamot ni Clyde sa ngiti ay nagpapakilig na sa kaniya simula pa noong dose anyos siya. At sa kabila ng pagiging mailap ng binata ay tumibok ang batang puso niya para rito. Mag-iisang buwan na halos mula nang ipaalam sa kanila ng manager na ang kanilang banda ang kinuha para sa reception ng kasal ng apo ni Don Marciano. Mula noon, napagkit na sa isipan niya na darating din si Clyde sa event. Uuwi ang mailap na binata sa San Carlos para daluhan ang kasal ng nag-iisa nitong kapatid. Inihanda niya ang sarili. Halos araw-araw siyang nag-practice kasama ng mga kabanda nang sa gayon ay walang maipintas sa kaniya ang mga guests. Kasalukuyang nasa gitna ng dancefloor ang mga bagong kasal at sumasayaw saliw ng cover niya sa isa sa mga sikat na kanta ni Christina Perri. Ang groom, si Cayel Rodriguez at ang napakagandang bride nito na kilala niya lang sa mukha dahil anak ng dati niyang guro noong grade school. Gayunman ay hindi tumitigil sa magkapares ang kaniyang mga mata. Bagaman nasisiyahan siyang panoorin ang dalawa, na halatang inlove sa isa't isa, nakatuon ang atensiyon niya sa binatang lalong tumingkad ang kagwapuhan sa suot na Barong at tahimik na nakaupo habang sumisimsim ng wine. Bibihira ang mga gano'ng pagkakataon na makasama niya ang binata sa iisang lugar at okasyon. Kahit pa nga sabihing hindi naman siya nito kilala at ni hindi nga yata alam ng binata ang existence niya sa mundo ay masaya na siyang makita ito. Sa mas malapitan. Sa nakaraang sampung taon kasi sa buhay niya ay nagkakasya na siya sa mga balitang umuwi si Clyde ng San Carlos para magbakasyon. Kapag umuuwi ang binata ay tagumpay siya parati na masilayan ito kahit sa malayo. Gumagawa talaga siya ng paraan para makita ito. Naroong abangan niya sa harapan ng bahay nila ang pagdaan ng magara nitong sasakyan o kaya naman ay sadyain ang mga lugar na madalas puntahan ni Clyde. ...I have died every day waiting for you, Darling, don't be afraid I have loved you for a thousand years... Tahimik at misteryoso. Para itong may sariling mundo. Dumadaan lang ang tingin nito sa mga tao sa paligid at hindi nakikihalo. Malayong-malayo ito sa kapatid na sa lahat yata ng sulok ng bayan ay may kakilala at maraming kaibigan. Si Clyde, bagaman kilala rin sa bayan dahil apo ni Don Marciano, ay mas madalas na nag-iisa sa tuwing nakikita niya. Kay Clyde na yata ang pinakamagandang pares ng mga matang nakita niya. At napansin niyang kanina pa iyon nakatuon sa mga bagong kasal. Naisip niya tuloy kung may balak na din kayang magpakasal ang binata. Sa pagkakaalam kasi niya, mas matanda ito sa kapatid na ikinasal. Sana naman ay hindi pa iyon naiisip ni Clyde. Dahil kahit sabihing suntok sa buwan, at napakalabo ng tsansa na tapunan siya ng pagtingin ni Clyde, at wala siya sa posisyon para tutulan ang ideyang iyon, kamatayan ng puso niya ang katumbas ng pagpapakasal ng binata sa ibang babae. Kaya naman ikinatutuwa niya nang husto ang mga usapang single at ni wala pang ipinakikilalang nobya si Clyde. Isang palakpakan ang umugong pagkatapos ng pangalawa niyang kanta. Nakita niyang naupo na muli ang mga bagong kasal habang nag-intro naman ang drummer nila para sa isang slow rock. Isa iyon sa mga paborito at kabisadong-kabisado na niya, subalit bago pa man niya masimulan ang pagkanta ay nakita niyang tumayo si Clyde at naglakad palabas. He seemed to dominate the event hall at nawala ang atensiyon ng karamihan sa ikinakasal. Nagsunuran dito ang mga mata ng mga babaeng naroon kabilang na ang sa kaniya. At kung hindi siya nilapitan ng isang ka-banda ay hindi siya agad mauuntag at malamang na sumala siya ng pasok sa sumusunod na kanta. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- NAKANGITI kay Cruzette si Nicko nang pagbuksan siya nito ng pinto ng passenger seat. "What’s the matter?" bungad nito habang hinahawakan ang pinto. Hindi siya sumagot. Sumakay na siya sa kotse nito at ikinabit ang seatbelt sa katawan. Sa unahan nila ay nakita niyang umandar na ang van na kinalulunanan ng ilan pa nilang kasama sa banda at ng mga instrumento nila. “Come on, Cruz! Ngayon yata nangyari na naubusan ka ng energy pagkatapos ng isang event," ani Nicko nang sumakay na ito at i-start ang makina ng kotse. Ito ang bassist ng banda nila at aminado siyang fan nito. She sighed. Ang totoo, nabawasan ang gana niya mula nang maglaho si Clyde sa reception at hindi na bumalik. Lumipad papalayo ang tsansa niya na makalapit pa nang husto sa binata at makahanap ng paraan para magpakilala dito. Nasayangan siya sa pagkakataon. At hindi niya maitanggi sa sarili ang lubos na panghihinayang. “Cheer up! May pupuntahan pa tayo, remember?” Lumingon siya. Nahuli niyang nakatitig si Nicko sa mga binti niyang nahantad sa pagkakaupo. Hindi niya iyon pinansin pa. "Umuwi na kaya ako? Hindi na ako aattend sa party ni Jace.” Tukoy niya sa dating drummer nila na paalis na sa makalawa para magtrabaho sa Japan. “Pero inaasahan ka ni Jace. Nag-request nga siya ng duet ninyo, di ba? Tumawag nga sa akin kanina at tinatanong kung nasaan na tayo.” Hindi na siya kumibo. Ayaw din naman niyang biguin ang dating kasama. Ipinahinga na lang niya ang likod sa sandalan at ipinikit ang mga mata. Hindi naman siya talaga pagod. Nagkukukot lang ang loob niya dahil nasayang ang lahat ng pagshahandang ginawa niya. She was wearing her sexiest outfit for the event. Hindi naman 'yung masagwang tingnan dahil kasal ang kaniyang kakantahan, pero talagang inilaan niya ang damit na suot para sa okasyon dahil alam nga niyang naroon si Clyde at sa isang sulok ng isip niya ay umaasam siya na mapansin man lang ng binata. "Matulog ka muna pagdating natin sa resort. Sasabihin ko kay Jace na papagpahingahin ka muna bago ka kumanta," sabi nito at ningitian siya. Tumango lang siya dito pagkuwa'y pumikit na ulit. Pamilyar na ang likod niya sa sandalan ng kotse ni Nicko. Mula kasi nang maging vocalist ng banda, naging kaibigan na rin niya ang binata. At sanay na siyang ito lagi ang kasama kapag papunta sa mga event at sa iba't ibang gig nila. Kagaya ng sinabi ni Nicko ay pinagpahinga na nga muna sila nito sa isa sa mga kwarto ng pribadong resort. Pagkapasok ay pabagsak siyang naupo sa isa sa mga kamang nasa silid. Inabot niya ang mga paa at hinubad ang stilettos bago itinulak ang sarili paakyat sa kama at nahiga na. Nasa isip pa rin niya si Clyde, ang gwapong mukha nito at ang nasayang na pagkakataon. Mariin na lang siyang pumikit upang pagbigyan ang antok at malimutan na rin ang frustration. Hindi tiyak kung ilang oras, pero may pakiramdam siyang natagalan ang kaniyang pagpapahinga. Nagising lang siya nang maramdamang lumundo ang kamang hinihigaan niya. Lasing pa siya sa antok, pero pinilit niyang magmulat upang alamin kung anong mayroon doon. Naaninag niya ang isang bulto ng katawang nakahiga sa kaniyang tabi. "Cruz..." malambing na tawag noon sa kaniya. Ilang sandali pa siyang nalito bago tuluyang luminaw ang mukha nito sa kaniyang paningin. “N-Nicko!?” Tuluyan siyang nagising sa pinagsamang gulat at pagtataka. Mabilis siyang bumangon at takang tumingin sa kasama. “B-bakit ka nan…d’yan?” Masuyo ang ngiting sumilay sa mga labi ni Nicko at hinahagod nito ng tingin ang buong mukha niya. “Sinasamahan kita. Napasarap kasi ang tulog mo.” Her heart bounced. Hinagip niya ang hand bag upang kunin ang kaniyang cellphone. “A-anong… oras na ba?” “It’s past midnight, honey…” ani Nicko na bumangon at tumabi sa kaniya. Kinapa niya ang loob ng bag, pero walang nahagip na cellphone ang kamay niya. Nakadagdag pa sa samu’t saring nararamdaman ang paglapat ng kamay ni Nicko sa kaniyang likod. She flinched. Sanay siyang hinahawakan ni Nicko sa likod, pero iba ang pakiramdam niya sa sandaling iyon. “Nicko!” saway niya nang hawakan siya nito sa braso habang sinisipat niya ang loob ng bag. Hindi niya maituon ang isip sa nangyari sa cellphone niya dahil sa ikinikilos ng kasama. Ang tanda lang niya ay nasa bag niya iyon. “W-wala ang cellphone ko rito…” Isinarado niya ulit ang bag. Umakma siyang tatayo, pero bago pa siya nakakilos ay nahablot na ni Nicko ang bag niya at naihagis sa kung saan. Natulos siya sa ginawa nito. “A-anong-” Ikinulong na siya nito sa mga braso bago pa niya matapos ang sinasabi at inihiga ulit siya sa kama bago mabilis na pumatong sa kaniya. "This is our chance, honey. Solo na natin ang lugar," malambing na sabi nito bago bumaba ang mukha sa kaniya. Itinulak niya ito. "N-Nicko, ano ka ba! M-magkaibigan tayo, Nicko! Ano bang sinasabi mo?" "Magkaibigan?" ulit nito na sinamahan ng tawa at umangat nang bahagya mula sa katawan niya. Noon niya nakita ang pamumula ng mga mata nito. Pagkatapos ay kinuha nito ang magkabila niyang kamay at inipit sa ulunan niya. “Nicko, please..?” Binubundol na siya ng takot. “Itigil mo ‘tong kalokohan na ‘to! Pakawalan mo ‘ko, ano ka ba!” "Alam mong hindi kalokohan ito, Cruz! At hindi ako kaibigan lang para sa’yo. Matagal mo na nga akong inaakit, ‘di ba? Hindi ka nga nagrereklamo sa tuwing hinahawakan kita, di ba?” “N-Nicko-” Ikinandado niya ang bibig sabay iwas ng mukha nang muling bumaba ang labi ni Nicko. Pinagsama-samang shock, galit at pandidiri ang lumukob sa kaniya nang simulang suyurin nito ng halik ang gilid ng kaniyang panga. Amoy na amoy niya ang alak sa hininga nito. Pumikit siya at pinilit ang sariling kumalma. Nasa panganib siya kaya hindi siya dapat magpadala sa panic. Kung hindi siya hihinahon ay hindi siya makakapag-isip nang husto kung paano makakatakas. Kaya huminto siya nang bahagya sa pagwawala at pilit pinagana ang isip. Naramdaman marahil ni Nicko ang kaniyang pagtahimik, umangat ito sa ibabaw niya at nakangising tumitig sa kaniyang mukha. “Beginning to like it, huh? Hindi lang ‘yan ang magugustuhan mo sa mga gagawin natin ngayong gabi,” anito at saka siya binitiwan upang mahubad ang polo shirt. Ibinaba niya ang nanginginig na mga kamay. Hindi niya ininda ang sakit sa mga pulsuhan na bunga nang mahigpit na pagkakahawak doon ni Nicko. Mariin siyang lumunok habang pilit pinagagana ang isip. Nakaluhod si Nicko at kulong ng mga binti nito ang kaniyang balakang. “N-Nicko-” “Sshhh…” pigil nito sabay dikit ng hintuturo sa kaniyang mga labi. “Sa atin ang buong gabi, Cruz. You won’t forget tonight, I promise.” Kinalas nito ang buckles ng sinturon at binuksan ang butones ng pantalon. Hinintay niyang tuluyan itong tumayo para hubuin ang pantalon dahil naisip niyang magandang pagkakataon iyon para siya kumilos. Pero hindi iyon nangyari at sa halip ay bumaba ang mga mata ni Nicko sa kaniyang suot. Nilabanan niya ang takot. Nilabanan niya ang galit. Nakita niya ang ngisi ni Nicko habang itinataas nito ang kaniyang palda. “A-ako na!” sambit niya. Lumipad ang tingin nito sa kaniya. Nakita niya ang pagsingkit ng mga mata nito na tila tinatantiya ang sinabi niya. Kaya naman bago pa nito tuluyang mabisto ang pagsakay niya, kumilos na ang mga kamay niya upang alisin ang suot na panloob. “N-Nicko…” tawag niya, pilit na kinukuha ang buo nitong atensiyon sa kaniyang mukha. Alam niyang nakalilis ang palda niya at kung ibababa niya ang panties ay bibigyan lang niya ng pagkakataon ang mga mata nitong makita ang kaniyang p********e. “F-first time… ko kasi…” Ang nasabi niya. Malamig sa silid ng resort, pero ramdam niya ang pamamawis ng noo dahil sa tumitinding kaba. Lumawak ang ngisi ng animal. “I know…” Nasa tinig nito ang pagnanasa habang sinisimulang pagapangin ang mga daliri sa balikat niya pababa sa dibdib. Inignora niya ang kilabot na naramdaman. At nang bumaba ang mukha nito ay hindi na siya umiwas. Hinayaan niyang halikan siya nito sa mga labi. Ilang sandali lang ay bigla nitong inilayo ang mukha. Akala niya ay nakahalata ito, subalit hindi pala iyon ang dahilan. “Ang bagal mo naman!” reklamo ni Nicko sabay baba sa kaniyang katawan. Sinabayan niya iyon ng pagtulak sa laylayan ng palda para matakpan kahit paano ang pakay ni Nicko. “Ako na riyan.” Itinaas ulit nito ang palda niya at inagaw ang garter ng kaniyang panties. Napalunok siya. Ayos lang siguro na mahawakan siya nito. Okay lang kung masilip nito ang kaniyang p********e. Pero ang hindi pwede ay ang makuha siya nitong tuluyan. Huminga siya nang malalim habang pinakikiramdaman ang paghila ni Nicko sa kaniyang panloob. Iniatras pa niya ang sarili sa kama upang magkunwang tinutulungan niya ito, pero ang totoo ay kumukuha rin siya ng sapat na espasyo para makabwelo. Inipon niya ang lahat ng lakas ng mga binto. At kasabay ng paghugot ni Nicko ng panties niya mula sa kaniyang mga paa ay siya ring kilos niya. Bumagsak at gumulong sa sahig ng silid si Nicko sa ubos-lakas na pagsipa niya sa mukha nito. Hindi siya nagsayang panahon. Hindi niya pinansin ang mga pagmumura nito. Hinayaan na rin niyang tangay nito sa kamay ang kaniyang panties. Dinampot niya ang mga sapatos at pinagbabato rito bago mabilis na tumakbo sa pinto at binuksan iyon. Wala siyang sinayang na segundo at tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan. Sinamahan niya iyon ng sigaw upang makuha ang atensiyon ng mga kasama sa resort, subalit napatunayan niyang wala na ngang tao isa man sa paligid. Tahimik na tahimik ang tubig ng pool at wala na rin ang mga instrumento na kanina ay nakita niyang inihahanda ng mga kabanda. Tinakbo niya ang hanggang gate. Ginamit niya ang natitira pang lakas upang mahila ang tarangka noon at mabuksan. Narinig pa niya ang boses ni Nicko na tinatawag siya bago siya tuluyang nakalabas ng resort. Nakapaa niyang nilakad-takbo ang patungong main road at hindi pinansin ang mga tingin ng mga tao. Nasa isip niya ang dumiretso ng prisinto at i-report ang nangyari, subalit naalala niyang tiyuhin ni Nicko ang hepe ng pulisya sa kanilang bayan. Hindi sa iniisip niyang kukunsintihin ng hepe ang pamangkin, pero wala dapat ba siyang magtiwala? Baka nga kaya malakas ang loob ni Nicko na pagtangkaan siya ay dahil may makakapitan ito sa pulisya. Panay ang linga niya sa kalsada habang iniisip ang gagawin. Lakad-takbo ang ginawa niya habang lumilinga sa kalsada at naghahagilap ng masasakyan. Sarado na ang mga katabing gusali at ang mga ilaw na lang ng poste ang tumatanglaw sa daan. Ang hirap din sa lugar na iyon, madalang na nga ang mga sasakyan ay puro pa pribado. Sa susunod na kanto pa siya makakakuha ng tricycle at malayo-layo pa ang lalakarin niya. Lumingon siya sa pinanggalingan at nasilaw sa head lights ng humahagibis na kotse. Nang makita niyang kamukha iyon ng sasakyan ni Nicko ay natakot agad siya. Tila nalimutan na niya kung paano maging kalmado at wala sa sariling tumakbo patungo sa kabilang kalye. Nalito at namutla, at imbes na dumirecho sa pagtakbo ay natulos pa siya sa gitna. Isang sportscar ang paparating na hindi niya alam kung bakit imbes na iwasan ay tila napako ang kaniyang mga paa, at ang huli na lang niyang namalayan ay ang nasaktan niyang pang-upo at balakang bago nabuwal sa malamig na kalsada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD