"Oh my god..." Shane and Aila went in front of me with their eyes wide.
"Ang swerte mo!" Sabay nilang sabi.
I sighed. "Paano ako naging swerte? Tingnan niyo nga? Natapunan ng milkshake ang mga books ko!" reklamo ko pa pero parang walang pake ang dalawa sa sinabi ko.
"Sila yung sinasabi namin sa'yo, Sera! 'Yong mga gwapo! Mygosh! You're so lucky!"
What the heck?!
At talagang swerte pa iyon, huh?
Dahil sa na nangyari ay buong araw akong nakasimangot habang tuwang-tuwa at kinikilig pa ang dalawa dahil nakita nila nang malapitan ang sinasabi nilang gwapo.
Well, aaminin kong may itsura naman talaga sila pero ubod ng sama! Hindi man lang nag-sorry? Hays!
Wala akong imik pagkarating sa bahay. I'm still thinking about my books and I can't find any possible solution for that.
"I told you to go home early," napaangat ang aking ulo nang marinig si mommy.
She's wearing a red satin dress with her accessories. For a moment, I got confused but when I realized na may mga bisita pala kami ngayon ay daig ko pa si flash na pumuntang kwarto para magbihis.
Pagkapasok ko roon ay may nakahanda ng dress at mga accessories na aking gagamitin kaya naman mabilis na akong naligo. Pagkatapos maligo ay saka ko sinuot ang nakahandang dress sa aking kama.
It was a color white maxi dress with blue floral print design on it and neckline and tie on the shoulder straps. The waistband and ruffle details on the bodice makes it more appealing and the drop tier A-line skirt and tiered ruffle hemline complements myself.
"Sera! Bilisan mo!"
Mas lalo akong nataranta dahil sa sigaw na iyon ni mommy. Hindi ko na inayos pa ang buhok ko at nilugay ko na lamang ito. My wavy hair flows down my head. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, napabuntong hininga ako.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng ano mang oras at lumabas na. Saktong pagkababa ko sa sala ay ang pagpasok ng isang matandang lalaki. From what I observe, I think he's on his early fifties?
The old man smiled at me while I remained halted there.
Tiningnan ako ni mommy nang mariin at alam ko na kung ano ang pinaparating ng tingin na iyon. Naiilang man, binigyan ko nang maliit na ngiti ang lalaking ngayon ay nasa harap ko na.
"Albert, this is Sera, my daughter. Sera, this is Albert, my boyfriend." Mommy said while smiling habang ako ay hindi makangiti.
Naninikip ang aking dibdib habang pinagmamasdan silang dalawa. I suddenly think of my father. I feel betrayed. Pakiramdam ko ay nagloloko si mommy kay daddy.
But then, my mommy deserves to be happy too. And if this is what makes her happy, I'll support her.
"It's nice meeting you, iha." Inilahad nito ang kamay niya sa akin.
Ngumiti ako nang kaunti at tinanggap ang kanyang kamay. "It's nice meeting you, too po." saad ko sa maliit na boses.
He is about to answer when his phone rings. Tumingin siya sa amin ni mommy.
"I'll just take this phone call, honey."
Umiwas ako nang tingin nang maghalikan ang dalawa sa harap ko. Para akong nasusuka na ewan ko. Hindi ko sila kayang panoorin.
Saka lang ako tumingin ulit nang lumabas na ang matandang si Albert.
"Mom, ano po 'yon?" sinubukan kong magtanong pero sinamaan niya lamang ako ng tingin.
"Huwag ka nang magtanong pa and just behave," she said then ignored me again.
Ilang saglit lang ay bumalik na ang matandang lalaki. Pero ngayon ay may kasama na siyang dalawang lalaki.
My jaw dropped when I realized who those men are. They are both wearing black tux with blue necktie while the other one is wearing a red one.
Ngayon ko natanto na magkamukhang-magkamukha nga ang dalawa. By looking at them now, it's easy to identify that they are siblings.
"Sera, these are my sons, Rouge and Reed. And this is Sera, my girlfriend's daughter."
Nanatili lamang akong nakatayo roon at nakaawang ang bibig dahil sa gulat. Of course! Sino ba naman ang hindi magugulat? Ang lalaking nakabangga lang naman sa akin kanina ay siya rin ang lalaking nasa harap ko ngayon! At kasama niya pa ang kapatid niya!
Ang madilim nilang titig ay nagpapahilo sa akin. Para bang tinitingnan nila maging ang kaluluwa ko. At para bang... unti-unti akong naaapektuhan sa paraan ng kanilang pagtitig. Their eyes are captivating me unconciously. They are deep like they want to drown me. Those two pairs of eyes seem like they want me.
It seems like they want to touch me...
My soon to be step-brothers are watching me with desires in their eyes!
Fuck!
"We meet again, miss. By the way, I'm Reed," nakangiting ani ng lalaking naka-suot ng red tie.
Naglahad siya ng kamay sa akin ngunit tinapunan ko lamang iyon ng tingin. Nang ma-realize niyang wala akong balak tanggapin ang kamay niya ay natatawa niyang binawi ito.
Narinig ko ang pagtikhim ni mommy sa tabi ko. Pero hindi ko pa rin pinuputol ang tingin ko sa dalawang lalaking nasa harap ko.
"A-ah! Pagpasensyahan niyo na ang anak ko, medyo hindi ata maganda ang pakiramdam niya," mommy laughed awkwardly.
Napabuntong hininga na lamang ako.
It's not true that I'm not feeling well. I'm good as they are. Hindi lang ako makapaniwala na magiging kapatid ko ang dalawang ito kapag natuloy ang kasal nila mommy–lalo na ang lalaking sigurado akong Rouge ang pangalan.
"You already met her?" gulat na tanong ni Albert.
Reed nodded with a small smile in his lips while looking at me.
"Yes, dad. In fact, sila na Rouge ang unang nagkakilala."
"I don't know her, Reed. Baka nagkakamali ka lang," Rouge said boredly. Tinapunan niya ako ng nakaka-insultong tingin. "Isa pa, she's not that beautiful enough to remember."
"Rouge!" Albert looked shock at his son's remark.
Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ng lalaking iyon. Akala niya kung sino siya! Akala niya ang gwapo niya? Pwes, kung hindi ako maganda hindi rin siya gwapo!
"What? It's true, dad. She's good but she looks boring," dagdag nito na mas lalong nagpa-init sa pisngi at ulo ko.
"Kung may boring sa ating dalawa ngayon dito, ikaw 'yon at hindi ako. And for your information..." tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at saka ngumisi nang nakaka-insulto. "You look lifeless."
"Sera, enough!"
Napatingin ako kay mommy na ngayon ay masama nang nakatingin sa akin. I bowed down because of shame. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Kinukurot ko ang aking hita para pigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Ayaw kong makita nila akong umiiyak. I don't want them to see me as a weak person.
Buong gabi ay hindi na ako ulit nagsalita. Habang nagdi-dinner ay si mommy at si Albert lang ang nag-uusap. It seems like Albert's sons do not want their father to get married either. Si Rouge ay masamang nakatingin sa kanyang plato habang si Reed naman ay tamad na kumakain pero paminsan-minsang nginingisian ako.
"Sa akin na kayo titira pagkatapos ng kasal,"
Doon ako napa-angat ng tingin. Mommy smiled as she nodded happily.
I want to speak up. Gusto kong tumutol at sabihing ayaw ko. Na dito lang ako sa bahay ni daddy. Pero ngayong nakikita ko ang masayang mukha ni mommy, nawalan ako ng lakas para gawin iyon.
Linunok ko na lamang ang lahat ng balak kong sabihin at walang ganang bumalik sa pagkain. Their talk continues, para bang hindi sila nauubusan ng mapag-uusapan.
They talked about their marriage. Sometimes, tinatanong nila kami about our ideas but I just shook my head and smile. Reed, though, sometimes shares his ideas. As I observe, mas suplado at seryoso si Rouge kaysa kay Reed.
Well, akala ko hindi nila gusto ang kasal na 'to. But it seems like they're just bored.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Mommy told me that we'll move to Albert's house on weekend. Gusto ko mang tumutol dito pero hindi ko magawa. Kaya wala akong ibang choice kung hindi ang umoo na lang.
"The site of the first mass in the Philippines actually occured in Limasawa, Leyte and not in Masao, Butuan. This was already affirmed by the National Historical Commission of the Philippines."
Nakatingin ako sa kawalan habang nagtuturo ang History teacher namin. This will be our last subject for today and this is also one of my hatest subject among all. Ewan ko ba, pagdating sa history sobrang tinatamad ako makinig.
Kagaya ng dati, magkakatabi pa rin kaming tatlo. Shane is on my left side while Aila is on my right side and beside her is her flavor of the week. Naririnig ko ang mahihinang hagikgik niya habang nakikipagkulitan sa lalaking hindi ko kilala. Ang alam ko lang, galing ito sa ibang section at sigurado akong hindi namin ito kaklase.
"Sino ba 'tong bagong lalaki ni Aila?" nakakunot noong tanong ko kay Shane na taimtim na nakikinig sa harap.
Tinaasan niya lamang ako ng kilay at nagkibit-balikat bago bumalik sa pakikinig. Wala akong ibang magawa kung hindi ang magtiis kila Aila.
Andito kami sa may bandang likuran kaya hindi masyadong napapansin ng teacher ang kulitan nila.
"Finally! Natapos din ang pinaka-boring na subject!" Aila said in relief pagkatapos ng klase.
Nilingon ko siya at nginisian. Buti na lang at wala na ang lalaking kakulitan niya kanina.
"Boring para sa 'yo kasi hindi ka naman nakikinig," Shane rebutted.
"Hindi lang naman ako ang may ayaw doon ah. Pati kaya si Sera ayaw ang subject na History,"
Shane looked at me like I did something wrong. I raised an eyebrow at her and she just shook her head.
"Tara na nga lang sa gym," yaya ni Shane na agad namang sinang-ayunan ni Aila.
"Omg! Tara! May laro ngayon ng bastketball, right?"
They both looked at me na para bang alam na nilang tatanggi ako. And their hint is right though.
Umiling ako sa kanila. "Kayo na lang, wala akong gana-"
Before I could finish it, bigla na lang nila akong hinila papuntang gym! At hindi man lang ako makatutol dahil halos lahat ng estudyanteng nakapaligid sa amin ay pinapanood kami.
"Saglit lang tayo rito, ano ka ba!" ani Aila sabay halakhak nilang dalawa.
Sumimangot lang ako at wala nang ibang nagawa pa kung hindi ang sumunod na lang sa kanila.
Rinig ang malakas na hiyawan sa bungad pa lang ng gym. It's a closed gym kaya naman mas nage-echo ang hiyawan sa loob.
"Salazar!!! Ang gwapo mo!"
"Isang gabi lang, Salazar!"
Napalunok ako at parang gusto ko nang tumakbo palabas ng gym. Aila and Shane immediately looked at me when they heard it. Namumutlang nginitian ako ni Aila habang si Shane naman ay malungkot na nakatingin sa akin.
I know what they're thinking right now. They might be thinking that I'm still hurting because of my past. Pero hindi, medyo naa-awkward-an lang ako sa paligid.
Aila held my hand. "T-tara uwi na lang pala tayo-"
I cut her off. "Hindi na, andito na naman tayo eh. Let's just watch the game,"
"Sigurado ka?" medyo nagaalinlangang tanong ni Shane.
I nodded at her and I told them that it's okay. Kalaunan ay nakumbinse ko naman silang okay lang ako at pagkatapos ay naupo na rin na kami sa may taas ng bench.
Pinanood ko ang mga naglalaro ngayon sa court. The crowd is still yelling his name and every time he shoots the ball, the crowd is roaring inside the gym.
Victor Salazar is my first ever ex-boyfriend. Naging kami last year at kaka-break lang namin bago ang Christmas break. It wasn't a bad break up, though. Pero andun pa rin ang ilang sa tuwing magkakasalubong kami.