"Ano ba ang kulang sa akin Kiel? Diba okay naman tayo? Bakit bigla mong gustong makipag hiwalay sa akin? Kulang pa ba ang performance ko? Sige gagalingan ko pa pero wag naman ganito." Pakiusap ni Jessy sa akin. Naging girlfriend ko siya sa loob ng isang linggo at tapos na ang contracta niya sa akin. "No, ayaw ko na, simula pa lang sinabi ko na sayo na hanggang isang linggo lang kaya kong ibigay sayo. Naki usap ka na maging girlfriend ko, pinagbigyan naman kita." Saad ko at tumalikod sa kanya. Pinaka ayaw ko sa lahat ng babae ang pinipilit ang sarili sa akin. Ang gusto ko katulad ni Crizel Jhane, mahinhin at inosenti. Pero kahit na ano ang gawin ko na makuha ang puso niya, basted pa rin ako sa kanya. Noong nakiusap ako kay mommy na kunin ang nanay niya bilang labandera pumayag naman si mom

