Austin pov "Mich, totoo ba ang sinasabi ni K-kiel? Totoo ba na ako ang daddy niya?" Nanginginig ang mga labi ko habang tinanong ko si Mich. "Austin…" tanging sagot niya sa akin. Kaya mas lalo lumakas ang kutob ko na tama nga ako na anak ko si Michael. "Sagutin mo ang tanong ko Mich, ako ba ang totoong ama ni Kiel." Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. "Doon tayo mag usap sa kwarto ko." Aniya at tumingin sa bata. "Michael, go with your ate Che first, and your daddy and I, will just talk." Utos niya sa bata at tinawag ang katulong nito. "Che isama mo na muna si, Kiel sa baba. May pag uusapan lang kaming importante." Aniya sa katulong at hinawakan ang aking kamay, papasok sa kwartong kaharap lang ng kwarto ni Michael. Pagpasok namin ay agad niyang ni lock ang pinto at humarap sa

