Pagkagaling ko sa bahay nina grandpa ay dumerecho na ako sa bahay namin sa Antipolo. Pasado 2 na rin ng madaling araw ako ng makarating ako sa bahay at tulog na tulog ang mga tao sa bahay. Pumunta muna ako sa kwarto ng kapatid kong si Aaliyah at humalik sa noo niya. Bukod kay mommy at Cj, isa din siya sa babaeng hindi ko kayang saktan at po-protektahan. Hinaplos ko ang buhok niya at inayos ang kanyang kumot. "Hmm.." gumalaw siya at dahan dahan na minulat ang kanyang mata. "Shh.. go back to sleep princess." Saad ko at muli siyang hinagkan sa noo. Akmang tatalikod na ako ng tawagin niya ako. "Kuya?" Tawag niya sa akin kaya muli akong humarap sa kanya at ngumiti. "Maaga pa, matulog ka pa ulit." Ani ko sa kanya. "My problema ka po ba kuya?" Tanong niya sa akin. Umiling ako at umupo sa gi

