"Baby, natatakot ako." Saad ko kay Austin at na pahawak ng mahigpit sa kanyang braso. "Bakit ka naman matatakot? Kasama mo ako at nandito lang ako sa likod mo. Hindi ka na niya kayang saktan Mich, kaya lakasan mo ang loob mo." Aniya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nandito kami ngayon sa hospital kung saan naka confined si papa. Iniwan muna namin si Aaliyah sa kanyang yaya para lang dalawin ang kinalakihan kong ama. Tatlong buwan na mula ng manganak ako at ngayon nandito ako sa hospital para makita ang isang tao na naging parte ng buhay ko. Labing dalawang taon na mula nung huli ko siyang nakita at umalis sa puder niya pagkatapos ilibing si mama. Inilalayan ako ni Austin papasok sa isang kwarto. Nang buksan ni Austin ang pinto at pumasok kami sa loob ay napasinghap ako ng makita ko an

