Banas na banas si Mich ng pumasok siya sa opisina ng kanyang manager na si Marie. Nagulat pa ito ng padabog siyang umupo sa sofa sa loob ng opisina nito. "Bakit ganyan ang mukha mo at hindi maipinta." Tanong nito sa akin. "Gusto kong ipa terminate ang kontrata ko bilang modelo dito sa kumpanya ng mga Breslow." Sagot ko sa kanya at kinuha ang compact kit sa akin bag at nag retouch ng aking mukha. "What? Ipapa terminate mo ang kontrata mo ng hindi mo man lang sinabi sa akin. Aba Mich, wala ka ngayon sa kinalalagyan mo kung hindi dahil sa akin. Kaya respetuhin mo naman ako bilang manager mo, hindi ang aalis ka kung ayaw mo na dito at mag stay ka kung gusto mo ng hindi nagpapaalam sa akin." Gulat na wika nito sabay ng panunumbat sa kanya. "Excuse me, nandito ako sa kinalalagyan ko ngayon

