Nakasimangot ako habang nakaharap kay papa. Kabuwanan ko na ngayon at lagi niya akong sini sermonan. Dinaig pa niya si Austin na lagi naka bantay sa akin. Gusto niya na doon muna kami sa mansion niya para daw mabantayan ako ni mommy Joan. Nagkabalikan na rin sila at tinanggap ulit ni papa si mommy Joan. "Papa okay na po kami ni Austin dito. Saka hindi naman po ako lagi nakahiga." Nakangusong saad ko sa kanya. "No, Princess, hindi yan ang sinasabi ng katulong mo sa akin. Hindi ka nga daw lumalabas ng kwarto mo at puro ka na lang tulog." Aniya sa akin. Wala pa si Austin dahil nasa PBC pa ito, nag leave na rin kasi ako mula ng mabuntis ako at nahihirapan mag lihi. Si Michael naman nandun sa bahay ni papa at minsan lang umuwi dito dahil na stress daw siya sa akin. "Pero papa, mas gusto ko p

