Nanginginig ang kamay ko habang hawak ni Austin. Napatingin ako sa kanya ng pisilin niya ang kamay ko at higpitan ang pagkahawak sa niya doon. Nakita ko si ma'am Joan na masayang kausap si, Marcus habang sumusubo ng pagkain. "Mom, dad." Tawag ni Austin sa dalawa. Napalunok ako ng magawi ang tingin sa akin ni ma'am Joan. Naalala ko ng huling engkwentro naming dalawa, kaya medyo nahiya ako sa kanya. "Mich?" Kunot ang noo na tanong sa akin ni Marcus, ang totoo kong ama. Bakit nga ba hindi ko man lang napansin na may pagkakahawig din kaming dalawa at hindi man lang ako nag duda na siya talaga ang totoo kung ama. Sa isipin yung bigla na lang namula ang aking mata. Ang tagal kong nag hangad ng pagmamahal ng isang ama dahil hindi iyon pinaramdam sa akin ng nakagisnan kong ama. Pasimple kong pi

