FIMESCAR***
-TOK! TOK!
padabog akong bumangon sa pagkakahiga ko dahil paulit ulit na katok.
Wala sa sariling binuksan ang pinto at bumungad sakin ang isa sa mga servant.
"Young Madam, pinatawag na po kayo sa baba" magalang na sambit niya.
"Okey" Tipid na sagot ko.
Ano ba yan, trip ko pa naman matulog mag hapon pero naalala ko hindi pala pwede hindi sumabay sa kanila. Kaya kahit tamad na tamad ako naligo na ako at sinout ko ang blue rib-knib drawstrings tank dress saka ko blinower ang buhok ko. Hindi na ako nag lagay ng make up wala naman akong trip gumala eh.
Nang matapos na ako saka ako nag decide bumaba. Lahat ng madaanan kong servant nginingitian ko at binabati guess what? Nasa good mood ako mga mare naalala ko kase wala pa ang Mister kong hari ng impyerno kaya I have no reason para masira ang araw ko.
"Good Morning."I cheerful greeted them.
" You look happy, Hija" Mom said.
"I agree. What make you happy today?"
"Ewan ko lang kung maging masaya kapa pag nalaman mong galit na galit si Kuya sis." nakabusangot na ani ni Daphne.
"Bakit naman galit?" nagtatakang tanung ko.
"Bakit daw kaseng hindi ka niya makontak? Sis, wala siyang ginawa kagabi kundi tawagan ako kung nakauwi kana ba daw? Tapos pati kaninang 5 AM tumatawag kase naka off pa din cellphone. God! Nasira na ang gabi ko pati ba naman ang umaga ko?" mangiyak-ngiyak na sumbong ni Daphne.
Hindi ko alam kung maaawa ako or matatawa ako sa kanya pero teka nga?
" Problema niya?"tanung ko.
" Baka namimiss ka na niya"parang kinikiliting kambing na sambit ni Mom napangiwi ako.
Malabo!
"Sinasabi ko sayo sis, buksa.."
*Kring... Kring...
Hindi natapos ang sinasabi niya ng mag ring ang phone niya na ikinakalabog ng aking dibdib parang may hula na ako kung sino ang caller.
Ngayon palang nanalangin ako na sana wag puro mura ang matanggap ko kundi pagmamahal eh? Ang corny ko ts.
Di matimpla ang muka ni Daphne ng sinagot niya ang tawag.
"What?" she looks iritable.
"Kumakain na..... Kuya naman!.... Fine... Ibibigay ko na.."
Sabay inabot sakin ang phone niya.
I sighed bago ko itinapat sa tenga ko.
"He..."
Bastos talaga.
"You woman where the f*****g is your phone? Do you know how many times that I've been calling your f*****g useless phone" sighal niya.
"huwow. Goodmorning ah" I sarcastic said.
"That's how i great you woman."
"Pwede ba kumalma ka naman dyan. Alam kong miss na miss muna ko pero tiis ka muna para sa future naman natin yan ginagawa mo eh" parang gusto ko masuka sa sinasabi ko at matawa ng napakalakas dahil feeling ko namumula na sa galit to eh.
"WHAT THE f*****g ARE YOU SAYING WOMAN!" nailayo ko ang phone sa tenga ko baka bumuga ng apoy tumagos sa phone.
"I miss you too" Pigil tawang sabi ko.
I know muka akong tanga pero trip ko talaga bwisitin siya lalo na ngayon wala siya dito.
"Don't test my patient woman. Ready yourself when i get home." nagbabantang tinig niya.
"Oh really? I will myself just tell me when your going home so that I can prepare my nighties for you.." pilit na lambing na sabi ko.
"DAMN Y...." hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at pinatay ko na ang call niya.
Gulat ako nakatingin sa tatlo na ngayon nakanganga nakatingin sakin anung nanyari sa kanila?
"Okey lang po kayo?" nag aalalang tanung ko sa kanila suminghap sila na sabay sabay at napainum din wala sa oras ng tubig anyari ba?
"Hija si hellios ba talaga kausap mo kanina?" mom asked unconsciously said.
Nawe-weirduhan na tumango ako sa kanya.
"Sis talaga bang nag I miss you sayo si Kuya?" Daphne asked with disbelief look.
Kaya natawa ako now I get it.
"Of course not. Sa pagkatao ni Hellios do you think mag gaganun yon sakin Its a big no, no! Mas may pag asa pa ata manalo ako sa loto kesa masabihan niya ako ng ganun eh." natatawang sagot ko pero sila mukang hindi pa din nila ako gets.
"I'm just teasing him." i added.
Bagsak ang balikat nila did really think na meron na talagang something samin? Funny, baka nga mas possible pang pumuti ang Uwak kesa sa magkaroon talaga kami ng totoong relasyon ni Hellios eh.
NANG matapos ang almusal namin nagpaalam na akong pumanhik sa taas diretsyo ako sa room ko padabog kong kinuha ang phone ko ngayon ko lang kase naalala na pinatay ko pala kagabi dahil sa sobrang inis ko sa kanya.
Pagka bukas ko sunod sunod na message ang dumating.
Pechis 15 messages
'Hoy peklat anyari sayo'
'Peklat break na kayo ni Pareng Yuri why?'
'Peklat bakit hindi ka pumasok?'
'Peklat nag file ka ng leave bakit hindi mo ako dinamay. Ang daya mo Peklat'
'Hoy peklat Tang ina mo bente. Nasa akin lahat ng trabaho mong naiwan gago ka'
Napapailing nalang ako sa sobrang walang kwentang message niya sakin mareplyan nga.
TO: Pecpec
-Pecpec! Work hard i love you a million time muah muah!
Sending...
YURI 20 messages
Pero hindi ko na binasa pa ayoko maging malungkot so I unread it. Meron hindi papatalo sa dami ng message partida siya ang pinaka maraming message sakin sana ol masipag mag text HAHAHA!
Hari ng Impyerno 100 messages
'How dare you woman!'
'Your dead'
'f**k open your shitty phone'
'Your challenging me woman!'
'How' s your flirting with your ex? '
' Enjoying withou me ah? '
' I punish you woman! You owe me big time this time'
Ilan sa mga messages niya ngunit isa lang ang hindi ko kenery Punish? Punish daw? Hala anong parusa naman yon? Omoooo! Kinakabahan na ako ngayon palang...
Parang nakakaramdam na ako ng pag sisi sa mga akin kalokohan mga 0.001 percent HAHA chour lang. Nilapag ko ang phone ko sa side table at muling umayos ng higa matutulog ako ulit saka ko na iisipin ang mga punishment niya kuno kala mo naman tatay ko ts.
KINABUKASAN maaga ako gumising dahil plano ko mag handa ng almusal kaya I fixed myseld before I went downstairs buti nalang wala pang gising na servant dahil for sure hindi nila ako papayagan.
After ko mag luto sakto naman ang pagdating nila mom, dad and daphne muka pa silang nagulat ng makita nilang nilalapag ko yong mga niluto ko sa dining table.
"Goodmorning hija ang aga mo ata." Dad greeted me.
"I cooked breakfast for us." I said.
"Wow naman sis muli ko matitikman ang mga luto mo sayang wala si kuya marami pa naman nakakain yon pag ikaw nag luluto" daphne said.
"Tama ka dyan marami nga nakakain ng kuya mo" sabat ni mom.
Tipid lang ako ngumiti at hinubad ang apron ko sinumalan na namin ang almusal na may masayang kwentuhan masaya pala talaga pag wala si Hellios no? Walang kill joy at nangingitim na aura na kumakalat sa buong mansion HAHAHA.
I was about to went out dahil my date kami ng Pechie pambawi ko sa biglaan leave ko sa work ng lumapit sakin si Daphne.
"Your not going to work?" usisa niya.
"Yes nag file ako ng leave 5 days." I answered honestly.
"Huh? Bakit ngayon lang kailan wala si kuya?"
"Exactly, I would rather stay at my office than staying with him" I state as the matter of fact.
Napangiwi naman si daphne.
"Your so mean sister, iba ka talaga sa mga naging ex-wives niya" I smiled widely to her.
"I'll take that As compliment sis, Gotta go" pagtatapos ko ng usapan namin.
Hinalikan ko muna si daphne sa cheeks bago tuluyan umalis ng mansion kase for sure galit na si Pecpec kase late na ako sa usapan namin.
"Oh dumating kapa?" nakataas na kilay na sabi niya ng makadating na ako sa usapan namin lugar.
"Oh buti nga sinupot pa kita eh" I innocently said.
Na lalo ikina galit ni Pechie.
"God peklat diba sabi ko 10:00 AM but look almost 1 hour kang late, ang haba na ng pila sa boutique na bibilan ko" mangiyak ngiyak na sambit niya.
Inirapan ko lang siya, si Pechie kase ung tipo ng babaeng kaya mag ubos ng million para lang sa damit ganyan siya kagustos diba.
Sana ol mayaman.
"Alam mo naman nasa pilipinas tayo, kaya sa malamang sa malamang uso traffic diba kase yon lang naman may forever!"
Humagalpak ng tawa si Pechie.
"You sound bitter" tumatawa pa din
"Ts. Totoo kase! Tara na nga pumunta na tayo sa boutique na gusto mo puntahan." Sabay hatak ko sa kanya dahil baka mayamot ako sa kanya matadyakan ko siya at makarating siya sa Jupiter na Virgin.
"Jusko peklat, bakit ang tanga mo? Saan ba gawa ang utak mo huh? Naiisip mo ba kung sino ang pinakawalan mo? Isang Mr. Yuri Gareen isa sa mga mayaman at gwapong lalaki!" She nagging exaggerated.
Napapahilot ako sa sintido ko dahil sa lakas ng boses niya nakakahiya talaga kung may nakakarinig samin dito sa loob ng Starbucks.
" Pwede ba tumahan ka ang ingay pecpec eh! Mamaya isipin nilang sobrang ganda ko"nanlaki ang mata niya pero nginisihan ko siya.
" Wow porke't over the heels sayo si Yuri at Asawa mo ang Larckstone na yon ganyan kana ka condident peklat ah" insert sarcasm.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya para lalo pa siya mayamot sakin.
"Asawa ko man ang hari ng Impyernong yon at ex ko man si Yuri mananatiling maganda pa din ako." Mayabang na pagkakasambit ko.
"Gandang ganda sa sarili hiyang hiya si Megan Young sayo at si Pia Wurtzbach sayo no?" baba taas kilay na tanung niya.
"Yeah mahiya talaga sila. HAHAHA" sinabayan ko ng malanding tawa na ikinairap niya ng sobra saka niya ako tinawanan.
Well ganito talaga kami mag usap na mag kaibigan saka sa kanila lang naman ako ni Yuri na may malakas na confident sa katawan.
"I'm home." I announced ng makauwi ako galing sa buong araw na date namin ni Pechie puro malling lang naman ginawa namin bili ng ganito, ganyan tapos kain dito at kain doon kaya pakiramdam ko na drain ako ng sobra.
"Tama ang dating mo hija maghahapunan na tayo" nakangiting sabi ni mom.
Lumapit ako para humalik sa pisnge niya.
"Mom sorry, nag dinner na ako with my friend. Kung inyong mararapatin gusto ko na po sana mag pahinga." I politely said.
"Oh sure. Basta pag nagutom ka kumain ka." I simply nodded to her before I went upstairs nakasalubong ko si Daphne na may masiglang ngiti sa kanyang labi.
"Good evening sis, how's your day?" She sounds weird.
"Okey lang naman."tanging na sagot ko nalamang.
" Good anyway kuya saying na uuwi na sya a day after tomorrow "
Tapos pasipol-sipol na siyang bumaba ng hagdan.
Ano daw a day after tomorrow?
Ts, edi umuwi siya pake ko pero hanggang wala pa siya susulitin ko muna.
After ko magshower pabagsak ako humiga sa higaan niya oh right sa kama niya dito ako natutulog since the day nag business trip siya susulitin ko na magbabad sa higaan niya kase pag umuwi na siya balik na naman ako sa kulungan ko hay buhay nga naman talaga napakahirap.
But before i close my eyes my phone vibrate tanda na may nag message sakin.
FROM: HARI NG IMPYERNO
'I can' t wait to see you wife. Make sure your gonna wear your most lovely and sexiest nighties wife. '
Na itapon ko ung cellphone ko sa sobrang gulat hala na wasak kawawa naman ang cellphone ko. Kasalanan ng Haring impyerno to eh, kung ano ano kase tenetext huhuhu.
Na engkanto na ba siya? Hindi, gumaganti lang yon sakin argh!
I' m dead.
This annoying especially when my heart start to beat rapidly.....