Sabrina's POV:
Di nga nagkamali ang kapatid ni Laurence ng akala. May mga babaeng kasama ang kaibigan ng kuya niya. At ang haharot lang. Eh paano, may maipagyayabang din naman talaga. So, ito pala ang tipo nila. Mestisahin type. Nakasuot lahat ng two piece. Aba!! Talagang lahat sila may partner pati si Laurence meron at nagtatawanan pa sila habang nag-uusap habang ang babae ay nakahawak pa sa braso niya.
Awtomatikong nagkasalubong ang mga kilay ko. Bakit naman hindi? Heto ako, nagtitiis na magsusuot nitong swimsuit kuno dahil sa lintek ng date na to. Eh pwede naman pala siyang makipagdate sa iba.
Buti nalang at pinahiram ako ng roba. Tangets! Sumasakit ang ulo ko. Nasaan na kaya ang kapatid ni Laurence? Kanina pa yun nagpaalam ah.
" Oh! Bakit di mo pa nilalapitan si kuya?" pukaw niya sa akin habang nakasuot din ng roba tulad ko. Hindi katulad ng mga girls sa labas na pinagmamayabang ang kanilang kaseksihan. Sexy din naman si Tiffany. Wala nga itong baby fats.
" Pwede bang magpalit?, hindi talaga ako komportable. " ang totoo ayokong makita nila sa ganitong ayos. This is my first time. s**t.
" Halika na, wala ng bawian. " at hinila na ako.
Napatingin silang lahat sa'min. Kahit pa nakasuot ako ng roba ay asiwang-asiwa pa rin ako sapagkat litaw pa rin ang kalahating parte ng mga hita ko.
***Laurence POV:
Alam kong naaasiwa siya sa kanyang kasuotan. At nakakaaliw na pagmamasdan siya.
" Rence you're not listening to me. " pukaw ng babaeng nasa tabi ko. Kung bakit ba kasi dinala pa siya ng mga kaibigan ko dito.
" Can you sit at this side? You're blocking the nice view" sabi ko at napataas ang kilay niya habang iginiya ko siya sa isang upuan. Nakaharang kasi siya dahilan upang di ko makita si Tiffany at Sab na naglalakad palapit sa amin.
" Who is she?! " tukoy niya kay sab. Ngunit di ko na nasagot sapagkat inilalayan ko na si Sab papunta sa tabi ko.
" Ang tagal nyo, bakit pa kayo nakasuot ng roba? Di pa ba kayo maliligo? "
Sabrina's POV:
" Aw baka naman dahil sa baby fats na tinatago" sabat ng katabing babae ni Laurence habang paismid pa na tiningnan kami ni Tiffany. Or let say, sa akin. Ibang klase rin siya. Sarap sampalin.
" Or, baka naman may tinatagong barya sa katawan" nangingiti niyang sabi. s**t. Ako nga ang pinariringgan niya. Alangan namang si Tiffany eh sa mukha pa lang, napaka flawless na.
Nagkibit balikat nalang ako. Sino ba siya? Eh pareho lang naman kaming nakikiligo ng swimming pool. Hmm lagot ka.
Wearing my sweet smile. Hinila ko si Laurence palayo sa kanya.
"Come with me, teach me how to swim. "
Siyempre pa, naiwang nakatulala si bruha.
" Magsiswimming ka ng naka roba? " alanganing tanong ni Laurence habang nakasunod sa akin na lumulusob sa tubig. Kung pwede nga lang bakit hindi.
"Eh bakit ikaw? Di ka rin naman nakasuot ng pampaligo" hamon ko sa kanya.
" Kunwari ka pa eh. Pumaparaan ka lang para masilayan mo ang katawan ko" pilyong sabi nito habang dahan-dahang hinubad ang kanyang pang-itaas na kasuotan. Napakindat siya ng mahuli niya akong nakatingin sa bandang gitna. Sunod niyang tinanggal ang kanyang short. Wow. Bakit ganun. Ang laki. Ang laki ng mga hita niya :). I'm just wondering if ,--if it is in normal size, or you know, nag-eexpand lang out of anger. s**t. Ako pa ba to!? Bakit parang may ispiritu na biglang sumanib sa katawan ko.
Parang pinagpawisan ako ng malapot. Anu ba yan.
" Now it's your turn to remove that robe. "
ang gago. Nakangiti pa habang pinagmamasdan ako.
***********
Laurence POV:
Nakakaaliw siyang tingnan habang pinipilit na maging komportable sa suot niya. Kahit na hindi niya gustong gawin pero dahil sa pamimilit ng kapatid ko ay wala siyang magawa. She is like a walking goddess. Too bad, hindi niya alam.
" Minamanyak mo ba ako? " nakakunot-noo niyang tanong habang napatingin sa akin. Tsaka ko lang naisip na kanina pa ako nakayakap sa likuran niya.
" Ikaw nga nanantsing diyan eh. Kunwari ka pang magpapaturo" napakamot nalang ako.
" Excuse me! Kanina ka pa nakayakap sa likuran ko. At kanina ko pa naramdaman ang paninigas ng kaibigan mo. " sabi niya habang nagpupumilit na makawala.
" oi, sensitive. Akala ko ba no boyfriend since birth" palusot kung sabi. Pero ang totoo medyo na off-guard ako dun. Takte nah. Sobrang sexy eh. Naaapektuhan p*********i ko. Napakamot nalang uli ako ng tuluyan na niya akong iniwan at lumapit kay Tiffany.
Whew!! wrong move.
*******
Sabrina's POV:
" Mukhang malungkot ka, bakit? " tanong ko kay Tiffanny habang nakaupo sa tabi ng pool.
" Hindi ako malungkot, may iniisip lang. " sabi niya matapos niyang pagmasdan ang mga kaibigan ni Laurence na nakikipagkwentuhan sa mga kasamahang babae.
" Naranasan mo na bang magmahal?"
Tanong niya habang malungkot na nakatingin kay --seriously?! Kay Philip?! Si Philip nga. tinitingnan niya habang abala ang binata sa pakikipagbulungan sa babaeng kasama niya.
Nakayakap ito sa baywang ng ala modelong babae.
" I don't like to fall in love" bigla kung sabi.
"Love is magical when the feeling is mutual. You know, when you love him, and he loves you back. But if it is a one-sided love.. It's just like a suicidal. Nakakatakot magmahal sa isang tao lalo na kapag di ka niya makuhang mahalin"
" Eh yong mahalin ka? " tanong niya ulit habang abala sa paglalaro ng tubig.
"I don't like to fall in love." sabi ko ulit habang lumusob na rin sa tubig na nakaharap sa kanya.
" Same as I don't like to be loved. Natatakot ako na baka isang araw magising ako na mahal ko na siya. " sabi ko habang nakatingin kay laurence na nakipag kuwentuhan na rin sa kaibigan niya.
I can't afford of taking risks because of it. Damn! It's a horrible feeling when I ended myself fallen for the wrong prince. Just what like my mother's did. Look at me now? I'm suffering the consequences. A totally damaged person longing for a complete family.- gusto ko sabihin sa kanya ang totoong dahilan. Pero alam ko, hindi na kailangan. Dahil di naman niya maintindihan.
" Pero kung papiliin ka, don't take it seriously, I mean, kunwari lang na mamili ka. Alin ang pipiliin mo sa dalawa. Yong magmahal ka ng isang tao kahit alam mong hindi ka niya mahal? Or, mahalin ka ng isang tao kahit di mo siya mahal? " lalim naman nun.
" Depende, dapat bago ang lahat kilalanin ko muna ang sarili ko. Para sa akin ang pagmamahal ay maaring matutunan. Lalo na kapag ang taong nagpapakita sayo ng pagmamahal ay madaling mahalin. Pero kung magmahal ka lang naman sa taong malabong mahalin ka. Sooner or later darating ang araw na mawawala yang nararamdaman mo. Lalo na kung sa bawat araw ay puro pasakit ang binigay sa'yo. Magsawa ka rin hanggang sa mapagod ka nalang. Dahil lahat ng pagmamahal mo ay naibigay mo na. At dumating sa punto na pati pagmamahal sa sarili mo ay wala na rin. Kaya nga dapat sa pagmamahal kailangan dalawa kayong magbigayan para lalong itong tumibay, . Eh paano kung iisa lang ang bigay ng bigay? Ikaw? Makakayanan mo ba yon? Kaya mo bang gawin yon habambuhay? Panghuhuli ko sa kanya pagkatapos niyang sulyapan si Philip.
" Tama ka" napangiti na ito ngayon pero bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
"Halika, join tayo sa kanila"biglang aya niya habang inilahad ang kanyang kamay para makaahon ako.
" Pwede bang dito ka nalang magdinner?" pabulong tanong ni Laurence habang nakaupo. Naiwan si Tiffany sa mga friends ni Laurence kaya kaming dalawa ulit ang nagkwentuhan.
" Huwag na. Promise gusto ko na talagang umuwi . Please?! Hatid mo na ako" ang totoo gusto ko na talagang matulog.
" Gusto kasi ni Mommy na dito ka magdinner, please?" paawang effect niyang pakiusap. If I know baka rason niya lang. Ayoko nga.
" Basta?! Gusto ko ng umuwi. Kung ayaw mo akong ihatid. Sasakay nalang ako ng taxi. " naiinis kung sabi sa kanya at akmang tatayo na.
" Ok, hatid na kita. Huwag ka ng magalit. " ayan naman pala. Dami pang satsat.
"Nag-enjoy ka ba? " tanong niya habang nagmamaneho papunta sa tinitirhan ko.
" Mahalaga pa bang malaman mo kung nag-eenjoy ako o hindi?" nakakainis na talaga.
" you know I care for you--" seryoso niyang sabi.
" oh thanks! It's good to know. " agad kong sagot.
" Gusto ko masaya ka kapag kasama mo ako" seryoso niyang sabi habang nakapamulsa na nakasandal sa kanyang sasakyan.
" Thank you. Pero hindi ko kailangan ng ibang tao para sumaya. Nagawa ko na ang mamuhay na mag-isa. Walang kaibigan, malayo sa kamag-anak, walang kinagisnang ama" papapel talaga. Magpakabayani siya sa iba kung gusto niya.
Napailing siya habang nakangiti. Bagay na hindi ko gusto. Ang gusto kung mangyari ay ang mapikon siya ng sobra at ng lubayan na niya ako.
" I still insist. Please, bigyan mo ako ng pagkakataon na maging parte ng buhay mo. "
" Thanks, but I don't need anyone just to be happy. " seryoso kung sabi. Bakit ba kasi ayaw niyang sumuko.
" maghihintay ako. Di ako susuko at patutunayan ko yan sa'yo na kailangan mo ang tulad ko sa buhay mo. " sincere na sabi niya.
" trust me.... Mapapagod ka lang" pabulong kong sabi habang nakahawak sa balikat niya saka tumalikod na.
Huwag. Huwag kang lumingon sabrina.
****End of chapter 12****
"