WAVES OF DISTRESS EPISODE 55 ANTOK AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Hinding-hindi mo ako matatakasan, Amara. Hindi ko hahayaan na lumayo ka sa akin dahil akin ka lang.” Hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi sa akin ngayon. Naramdaman ko ang malakas na pag t***k ng aking puso at para na itong sasabog. Napakurap ako sa aking mga mata at napahawak sa aking noo nang makaramdam ako ng pagkahilo. “Amara, okay ka lang?” alala niyang tanong sa akin. Naramdaman ko rin ang kanyang paglapit sa akin at inalalayan niya akong maupo sa may couch at hindi na rin ako nag inarte dahil baka matumba pa ako. “Kulang lang ata ako sa tulog. Kanina pa ako inaantok sa trabaho dahil matagal akong natulog kagabi dahil may tinapos ako,” wika ko habang nakahawak pa rin sa aking ulo. “Bakit ka kasi nagpupuy

