WAVES OF DISTRESS EPISODE 61 FORGIVENESS TOBIAS KAI’S POINT OF VIEW. “Tobias, patawarin mo na si Sabrina. Hindi niya naman sinasadya ang nangyari at hindi niya ginusto na mangayari iyon sa akin,” malumanay na sabi ng aking asawa. Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa kanyang maamong mukha na nakangiti sa akin. Asawa ko na siya at magkaka-anak na rin kaming dalawa. This is the best blessings that God given to me. Sa lahat ng nangyari sa buhay naming dalawa ni Amara, sa ganito pa rin talaga ang bagsak naming dalawa at masayang-masaya ako. Nang malaman kong isinugod si Amara sa hospital at dinugo siya ay dali-dali na kaagad akong umuwi sa Davao upang mapuntahan siya. Nalaman kong si Sabrina ang huli niyang nakausap at kilala ko ang kapatid ko, hindi siya kakalma lalo na si Amara a

