WAVES OF DISTRESS EPISODE 35 RAGE AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Hindi ako nakatulog ng maayos sa mga nalaman ko sa diary ni Mama. Lahat ng iyon ay itinago niya lang at hindi niya sinabi sa iba? Ganito ba talaga ang pag-ibig? Kaya mong gawin lahat kahit alam mo namang hindi tama ang ginagawa mo? Bakit ganito sila noon? Normal lang ba sa kanila ito noon? Nakatitig ako sa aking sarili sa salamin ngayon habang nagsusuklay sa aking basang buhok. Nakikita ko ang putla kong mukha sa salamin at namamagang mga mata. Huminga ako nang malalim at kinuha ang foundation ko at nilagyan ang aking mukha. Nag lagay ako ng light make-up sa aking mukha dahil ayokong mag mukhang patay kapag pumunta ako sa prisento ngayon kung nasaan nakakulong si Papa pansamantala. Ayoko man na makita siya pero kailanga

