EPISODE 41 THE GOOD AND THE BAD NEWS AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Amara!” Shit. Napapikit ako sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Emily sa aking likuran. Unti-unti akong lumingon sa akin at nakita ko kaagad siya na nakahalukipkip at nakangisi na nakatingin sa akin. Alam kong may gagawin na naman siyang hindi ko magugustuhan. Ito ang palaging ginagawa ni Emily kapag nandito siya sa kanilang bahay nila, ang bwesitin ako. “Bakit hindi ka umuwi kagabi? Naghintay ako sa ‘yo buong mag damag!” nakasimangot niyang sabi. May sinabi ba akong mag hintay siya sa akin kagabi? Wala naman. Minsan ang sarap na talaga patulan nitong pinsan kong si Emily pero pinipigilan ko lang ang aking sarili dahil ayokong mas lalo pang magalit sa akin si Auntie Eliza dahil nakipag a

