WAVES OF DISTRESS EPISODE 51 THE SERIOUS TALK AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. She’s really here. Sabrina is finally back. “So, your ex is working here in Saroso Company.” Pumasok sa loob ng opisina si Sabrina at ngayon ko lang napansin na hindi pala siya nag iisa, kasama niya si Roxy! Ngumisi sa akin si Roxy at pumasok din sa loob. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung papasok pa ako pabalik o aalis na lang at iwan sila rito. “Amara, get back here,” rinig kong sabi ni Sabrina. Napakagat ako sa aking labi at hinay-hinay na pumasok ulit sa loob at sinirado na ang pintuan at humarap sa kanila. Nakita ko ang seryosong mukha ni Tobias na nakatingin sa kanyang kapatid ngayon na nakangisi sa kanya na para bang walang problema. Ang daming nag bago kay Sabrina at mas lalo s

