WAVES OF DISTRESS EPISODE 57 PLEASE, MARRY ME ARAMA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Ano ka ba, Amara Georgina! Bakit parang ang lungkot ng mukha mo diyan? Haler?! Si Sir Tobias Kai Generoso ang tatay niyang baby na nasa tiyan mo. Ang ganda ng lahi ng baby ninyo kasi may dugong Spanish sila Sir Kai! OMG! Dios Mio, Hermoso!” wika ni Jullie. Napahilamos ako sa aking mukha at nag angat ulit ng tingin sa kanya. “Jullie, natatakot ako,” mahina kong sabi sa kanya. Kumunot ang kanyang noo na para bang naguluhan sa aking sinabi. “Huh? Bakit ka naman matatakot diyan? Anong kinakatakot mo, na hindi ka panagutan ni Sir Kai?” she asked. Umiling ako at bumuntong hininga. “Natatakot ako na baka hindi ako maging isang mabuting ina rito sa magiging anak ko,” sambit ko at napahawak

