CHAPTER 02

319 Words
ELIZA POV "Sabi sakin ni Jericho na hindi raw anak niya si Kaizer." Paumpisang salita ni Mama ni Jericho habang sabay sabay kaming kumain ng hapunan. Nandito ang Mama at Papa ni Jericho, si Mama at si Clyde. Di nila ko pinabayaan. "Po?" Bigla nalang akong nahilo at bumagsak. CLYDE POV "Tita? Ano nangyari bakit siya bumagsak?" Tanong ko sa Mama ni Eliza. "Bumalik nanaman…" Sabi niya habang nag aalalang nag pupunas kay Eliza. "Masyado kasi ang pag ka lungkot ni Eliza nung nag bubuntis palang siya ng mag kahiwalay sila ni Jericho. Sa sobrang stress niya di siya lumalabas ng kwarto at di kumakain. Bumagsak ang katawan niya nun." Malungkot na sabi ni Tita. "Mare so ano nangyari? Nalaglag ba yung bata?" Tanong naman ng mama ni Jericho. Kaya naman napatigil si Tita. Humarap siya samin na parang may kung anong lungkot sa mga mata niya. "Mula non, sa hospital kami nag stay hanggang sa manganak siya ang isa namatay ang isa nabuhay. Pero hanggang ngayon sinisisi niya parin ang sarili niya." Dagdag pa ni Tita. Lahat kami nalungkot at nagulat sa kabila ng saya na pinakita niya may malungkot na parte pala sa kanya. Kaya pala ng makita niya si Jericho di na siya nag pakipot at nagalit agad niyang binigyan ng chance. Pero kung ganun nga ano ang magagawa ko ngayon para sakanya? JERICHO POV Tumawag sakin si Mama at nag kwento tungkol sa sinapit daw ni Eliza. "Sa tingin niyo ba maniniwala pa ko?!" Galit na sabi ko at binaba ang telepono. Alam kong gusto nila akong maniwala sa kasinungalingan para lang mag kabalikan kaming mag asawa pero ayoko naman lokohin ang sarili ko. Mahal ko si Kaizer bilang anak pero di ko matanggap na namatay ang tunay kong anak. "Hindi kaya yung Carl na kaibigan niya ang ama ni Kaizer kaya ganun nalang niya alagaan si Kaizer pag nag kikita sila?" Gulong gulong tanong ko sa utak ko. Ayoko na masakit na. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Litong lito nako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD