PROLOGUE

276 Words
"Mag Divorce na tayo." Seryosong sabi sakin ni Unggo. Kaya naman napatigil ako saking ginagawa at tumingin sakanya. Napangiti ako sa expression ng mukha niya. Nagbibiro nanaman siya at para siyang best actor sa isang drama. "Ano?" Natatawang tanong ko sakanya at hinatak siya para kumain. "Bitiwan mo ko!" Galit na hawi niya sa mga kamay ko. "Aray! Ano ba nangyayari sayo hon?" Sigaw ko pabalik sakanya. Sa sobrang lakas napatingin nalang ako bigla kay Kaizer na kumakain sa kusina. Hinatak ko siya palabas ng bahay at sumunod naman siya. "Ano ba nangyayari hon?" Nalilitong tanong ko sakanya habang kumakawala naman siya sa pag kakahawak ko. "ANO PROBLEMA?! ANG PROBLEMA DITO IKAW! IKAW! ANG PROBLEMA!" Sigaw niya kaya naman napatahimik ako habang di malaman kung ano ang problema. Pinahinahon niya ang sarili niya at sabay sinabing "Mag divorce na lang tayo. Ayoko na I give up!" Muli niyang sabi. Bigla nalang nanlumo yung pakiramdam ko yung feeling na may nanulak sakin para mahulog sa isang bangin at wala akong makapitan. "Ano ba yung sinasabi mo?" Naiiyak kong tanong sakanya habang pilit na hinahawakan ang kamay niya. "Ano ba?! Wag mokong hawakan! Nakakadiri ka!" Sigaw niya pa sakin habang kinukuha ko ang kamay niya. "Jericho! Teka lang? Please sabihin mo ano nangyayari? Parang awa mo na.." Nag mamaka awang tanong ko sakanya. 'Nakakadiri ka' paulit ulit na naririnig ko sa tenga ko. Di ko alam kung ano ang nangyayari. Pano ko maiintindihan kung ayaw niyang sabihin ang problema. Di ko na siya napigilan at umalis siya sa bahay. Parang yung nang yari dati. Katapusan naba namin ito? Gusto kong intindihin pero di ko alam kung bakit niya nabitiwan lahat ng salitang 'yon. Napaluhod nalang ako habang umiiyak dahil sa pag alis niya. Napakabigat sa damdamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD