Chapter 5

1983 Words
Ang sungit!.. Tila natuod si Gray sa sandling 'yon. Nanlaki ang kaniyang mata ng bumalik na s'ya sa kaniyang huwisyo at agad na tumakbo upang abutan ang babaeng 'yon Tangina ka Gray.. tinakot mo siya! Damn! Para akong stalker dahil sa ginagawa ko! I didn't even know why I've been doing this! Napatigil si Gray at tinignan nalang sa malayo ang patakbong likod n'to. Napahawak siya sa kaniyang baywang at nag taas baba ang kaniyang dibdib dahil sa paraan ng kaniyang pag hinga. Mag so-sorry ako sa kaniya bukas na bukas din! Napailing si Gray at napapikit ng mariin habang hinahabol parin ang kaniyang hininga. Napa tampal siya sa kaniyang noo ng makarating s'ya sa bahay nila. Napaangat ng tingin si gray ng marinig ang ingay mula sa loob ng bahay nila Si mama at si papa na naman.. Mahinang sambit niya sa kaniyang sarili at muling nag simulang mag lakad. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso ng marinig ang pag iyak ng kaniyang kapatid na babae kaya agad s'yang patakbong pumasok "Pa tama na'po! nasasaktan si mama!" Humahagulgol at sigaw ni kristine habang pilit na pinipigilan ang kaniya ama. Agad na tumakbo si Gray at kinuha ang braso ng kaniyang ina kaya nahila narin ang kaniyang kapatid sa kaniyang likod. "Pa tama na." Gray gritted his teeth. May diin sa bawat boses nito. Ang kaniyang ama'y naman napangisi habang nakatingin kay gray. "Yabang nitong batang 'to ha may mapag mamalaki ka na ba, ha. Ha" lasing na boses nito at gamit ng mga daliri tinulak tulak ang dibdib ni Gray. Sumiklab ang galit sa puso ni Gray at napasinghap siya. Ramdam na ramdam niya ang tensyon na lumulukob sa buong sistema niya. Gray clenched his jaw while looking to his father, nanatiling nakatikom ang labi niya at sunod sunod ang pag tagis ng kaniyang panga. His father grin on him, "May mapag mamalaki kana ba?.. pabigat ka lang naman dito 'diba?" Muling nag tagis ng panga si Gray habang humigpit ang hawak niya sa pulsuhan ng kaniyang ina habang nakikipag titigan sa kaniyang ama. Napatingin ang kaniyang ina maging si kristine. Ramdam na ramdam nila ang tensyon na mamagitan sa mag ama dahil sa paraang pag tititigan nito. Kahit pa ma'y luhaan ang dalawa pilit na hinihila nila si gray dahil ang pag tagis at paraang pag tikom ng kamao nito na handang sumuntok. Lihim na napabuntong hininga si Gray, at napapikit ng mariin.,"H'wag na 'wag mong sasaktan sina mama at kristine" dinilat niya ang kaniyang mata nakipagtitigan sa kaniyang ama. He clenched his jaw once again, "'Wag na wag mo silang sasaktan. Pag may narating na'ko papatunayan ko sa yo. Tandaan mo pa, hindi ako magiging katulad mo" napanganga ang kaniyang ama "Hindi ako magiging katulad mo tandaan mo yan." Muli niyang saad at agad na tumalikod habang hila hila ang kaniyang ina at kapatid. Nag aalalang tumingin ang kaniyang ina sa kaniya, "A-anak.. h'wag mo dapat sinasabi sa ama mo 'yon.. las-" Nag tagis ang panga ni Gray at humarap sa kaniyabg ina, "Ma. Kahit lasing man siya o hindi. Dapat hindi niya kayo sinasaktan lalo ka na ma.." nangilid at gumaralral ang boses ni Gray "Asawa ka niya ma. Hindi ko babawiin ang sinabi ko, hinding hindi ako magiging katulad niya" iniwas niya ang kaniyang tingin. Nahulog ang butil sa kaniyang mata Nag simulang bumigat ang bawat pag hinga ni Gray, "Kung mahal ka niya, hanggang pang habang buhay 'yon. Hindi dapat lumilipas ang pag mamahal. Kung lumipas man' hindi 'yon pag mamahal, Ma"mahinang sambit ni Gray. Maging ang kaniyang ina at kapatid ay naluha narin "I'll never be him, hindi ko sasaktan ang babaeng mahal ko kahit makalipas pa ng ilang taon yan kahit pumuti ang buhok namin kahit halos ugod ugod na kami" bumaling siya sa kaniyang ina at nahulog ang butil ng luha sa kaniyang mata. "It will last forever." Bulong ni Gray, naluluhang inabot ng kaniyang ina ang pisngi ni Gray. His mother wipe his tears off using her mother finger Her mother nodded while smiling at him, "Tama 'yan anak.. kung ako kasi ang tatanungin mo.." gumaralral ang boses nito. "Hindi na'ko masaya anak.. hindi na.. pero kinakaya ko kasi may anak na'ko.. nand'to na kayo ni kristine" luha nito. Ngumiti sa kaniya ang kaniyang ina, "Pag butihin mo anak.. Nandito lang ako.. kahit ano pa ang maabot mo sa buhay sobrang proud na proud ako sa'yo.." malambing na boses nito habang lumuluha parin at nakangiti kay gray. Tumango naman si Gray at napapikit, kinuha niya ang kamay ng kaniyang ina at dinama 'yon sa kaniyang pisngi, ang kaniyang kapatid naman mahinang humihikbi habang hinahaplos ang likod ni Gray "I will ma.. I promise.. I'll succeed, pangako yan ma.. magiging proud at gi-ginhawa ang buhay natin.." Nguniti ang ina ni Gray habang nakatingin sa kaniyang panganay, humaplos sa kaniyang puso dahil sa mga sinabi nito. Ramdam niya rin ang takot ng kaniyang anak na umibig dahil sa kanilang dalawa ng kaniyang asawa. Habang lumalaki si Gray hindi na maganda ang pag sasama ng kaniyang asawa at lahat 'yon nakita at narinig ni Gray sa murang edad palang niya. Ramdam na ramdam ng kaniyang ina na takot nito na mapamahal dahil nakikita niya 'to maging ang hinding pag dala o pag pakilala man lang ng kahit sinong babae. Maging ang pag pupursigi nito sa buhay maging sa pag aaral. "H'wag kang tutulad sa'min ng ama mo gray.. mahalin mo siya ng buong buo.. alagaan mo siya.. ibigay mo ang lahat ng bagay na ikakasiya niya.. mahalin mo siya.." *** Cloud opened her eyes, muling narinig niya ang pag tilaok ng manok sa labas ng bahay nila. Dahil sa dami nito, malakas 'yon at sabay sabay pa sila sa pag tilaok. Napabangon si Cloud habang tulala parin at sabog na sabog mula sa pag tulog. Takot na takot siya kagabi kaya hindi siya halos makatulog, maganda naman ang kaniyang tulog dahil hindi niya na panaginipan ang masamang panaginip niya. Bakit.. hindi ko napanaginipan 'yon?.. Napailing siya, laking ginhawa din sa kaniya 'yon dahil ito ang unang beses na hindi siya nanaginip at maganda ang tulog. Ngunit ngayon na bumubulabog naman sa kaniyang isipan ang lalaking kagabing sumusunod sa kaniya. Naalala ni cloud muli ang gwapo nitong mukha kaya imposibleng m******s ito pero hindi! Kahit pa ma'y gwapo may ganuon parin! Anong bang paki ko kung gwapo o hindi! Sinusundan niya parin ako na parang m******s kaya m******s parin iyon cloud! She murmured to her self, she groaned. Mahinang napasabunot sa kaniyang buhok dahil sa iritasyon. Her eyebrows furrowed, rinig niya mula sa labas ng pintuam niya ang maiingay na pag kwkwentuhan. Nanlaki ang mata ni cloud at agad na tumayo kahit pa may wala siyang hilahalimos at ayos sa buhok. Her eyes widened, nakita niya ang pag kw-kwentuhan at pag tatawanan ng kaniyang lolo at lola sa lalaking.. Fuck.. Oh God.. Yung manyak na lalaki kagabi!. Nanlaki ang mata ni cloud ng bumaling sa kaniya ng tingin ang lalaking 'yon at nag tagpo ang kanilang mata. Natuod si Cloud habang nakatingin sa lalaki, bumaba ang tingin ng lalaking iyon sa kaniyang damit. Muling nanlaki ang mata ni cloud ng maalalang she's not wearing a bra! At mukhang tinuklak ng ibong maya ang buhok niya sa gulo! "Oh apo.. bakit naman ganyan ang itsura mo mag ayos ka may bisita tayo" saad ng kaniyang lola sa kaniya ng balingan siya ng tingin. Halos umawang ang labi ni cloud. Bisita?! Eh sinusundan ho ako n'yan at higit sa lahat napatunayan n'yang manyak ito dahil bumaba ang tingin nito sa kaniyang dibdib! Agad na pinag cross ni cloud ang kaniyang braso sa kaniyang katawan at natakpan ang kaniyang dibdib. Umiwas naman ang lalaki at nag simula na muling makipag kwentuhan sa kaniyang lola. Agad na tumalikod si Cloud at patakbong pumusok muli sa kaniyang kwarto at agad na kinuha ang kaniyang damit na pamalit maging ang kaniyang twalya. Makalabas mula sa pag ligo, pumasok siya muli sa kaniyang kwarto at nag suot ng uniporme. Ano bang ginagawa ng lalaking 'yon dito! At paanong nakapasok at nakausap pa niya sila lola eh hindi naman kami mag kakilala at mukhang ang lolo at lola kilalang kilala ang manyak na 'yon! Makalabas sa kaniyang silid muling narinig ni cloud ang ingay ng pag kw-kwentuhan nito. She changed her emotions to no one who's reading it, maging ang kaniyang mata I'm good with it.. I used to it.. "Anak kumain kana" malambing na boses na pang aanyaya ng lola niya sa kaniya. Tumango naman siya at pumunta sa kusina nag simulang kumain ng tinapay "Ilang taon kana ba iho?" Tanong ni lola demerin kay Gray. "Mag 21 na ho" sagot ni Gray. Napairap naman ng palhim si Cloud habang nakikinig parin ng usapan nito mula sa sala. "Ahh.. anak ka pala ni Grassiana.." sambit ng matandang babae. Magiliw na tumango at ngumiti si gray, "mag bento uno ka na pala.. apo kong' si Cloud disenwebe palang.." sambit ng matanda at mahinang natawa Nanlaki naman ang mata ni Gray at halos umawang ang kaniyang labi. 2nd year college?.. or 3rd year? Bakit sobrang bata?! Oh damn! Tumikhim si Gray at mahinang tumawa "Ganon ho ba.. ano po pangalan uli ng apo niyo ho'?" Pang uusisa ni Gray Nanlaki naman ang mata ni Cloud at nabitin sa ere ang kinakain niyang tinapay at naawang ang kaniyang labi dahil sa narinig mula sa sala. "Cloud lyndsey iho.." saad ng matanda. Tumango tango naman si Gray at pilit na tinatago ang ngiti. Pinatuloy siya ng matanda dahil nakita siya nito sa labas ng gate nila habang nakatingin, mabait ang matanda dahil hindi siya ni'to pinag kamalang masama. Gwapo gwapo ko tapos masama tss.. mali yon.. Napangiti si Gray habang iniisip ang pangalan ng dalaga.. Cloud... ulap.. Lyndsey.. Ang ganda. pati mata ang ganda ganda! Hindi malaman ni Gray dahil umagang umaga pala ay gusto niya na puntahan ang dalaga. Hindi niya na papalampasim dahil nag kita narin sila at gudsto niyang humingi ng tawad dahil sa naging asal niya at napag kamalang manyak pa siya nito. "Cloud wait lang!" Sigaw ni Gray habang pilit na hinahabol si cloud dahil sa bilis nitong mag lakad. Pumihit paharang si Cloud at muling nag tagpo ang kanilang mata, awtomatikong tumigil sa pag habol si Gray sa kaniya at sinalubong niya ang mata nito Ang ganda.. Shit.. ang ganda.. ngayon lang ako naantig sa gan'tong kagandang mata! Damn, I like her eyes! Sinalubong ni Cloud ng kay lamig nitong walang emosyon na titig ang lalaking nasaharapan niya. "Anong kailangan mo sa'kin?" Mahinahon na sabi niya. Umayos naman ng pag kakatayo at nag pamulsa si Gray habang titig na titig sa mata ng babaeng nasaharap niya. Ngumisi siya hanggang sa naging malaking ngiti "Gusto ko lang mag so-" "Okay na. Makakaalis kana. Pinapatawad na kita so please, leave me alone" mahinanahong sunod sunod na sabi ni cloud sa kaniya. Napatigil si Gray at nawala ang ngiti sa kaniyang labi at sinalubong ang mga matang kay lamig kung tumitig. Nag sitaasan ang balahibo sa kaniyang batok, bago ngumiti muli. "Gusto kong pormal na makipag kaibigan-" "Hindi ko kailangan ng kaibigan. Hindi ko kailangan ng lalaking kaibigan. Tigilan mo na 'ko pwede ba?" Saad ni Cloud bago tinalikuran si Gray at nag simulang mag lakad papalayo dito. Cloud let out a heavy sighed. Napaawang naman ang labi ni Gray habang nakatingin sa likod ng babaeng papalakad na palayo sa kaniya. Ang sungit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD