Chapter 8

2861 Words
Nandito ako.. Naalarma at agad na nag iwas si cloud ng tingin ng pipihit ito ng tingin sa kaniya, agad siyang tumalikod at nag simulang mag lakad. "Ulap!" She stopped from walking. Agad na nag tagis siya ng ngipin at halos napapikit sa inis, tinawag pa siya nitong ulap at higut sa lahat! Halos sumigaw pa ito! Ayaw na ayaw niya kang nakaka interact ng mga tao na ka trabahador niya ngunit eto! Ito pa ang magiging dahilan upang mapansin siya ng iba at pwede pang ikapahamak niya! "Ulap?.. you mean si cloud kilala mo siya?" Tanong ng manager. Agad siyang humarap dito, sumalubong sa kaniya ang pag kalaking ngiti ni Gray maging ang dimples nito. "Opo-" "Hindi-" sabay pa nilang saad at agad na napatigil ng mag tagpo ang kanilang tingin. Halos gusto niya itong dilatan at sabihing tumahik at lumabas na! "Ano ba talaga?" Pang uusisa at litong litong tanong ng manager sa kanila. Agad na tumingin si Gray sa manager, "Kaibigan-" "Hindi ko po kilala yan, babalik napo ako sa pag tr-trabaho" huling sabi niya at agad na tumalikod. Sinubukan niyang mag focus dahil talagang naiinis siya!, nakuha pa nitong sundan siya and he even applied just to annoyed her! But that's what she think.. Nag trabahong mapayapa si cloud at sinubukang hindi tapunan ang tingin ang lalaking nakaupo sa sulok at mag isa. Sapat na 'yon para makita ang buong restaurant at makita ang bawat galaw ng tao. Hindi na mabilang ni Cloud kung ilang beses na siyang mapangahas na bumuntong hininga. Ramdam na ramdam niya ang paninitig nito sa bawat galaw at kung ano man ang gagawin niya kaya inis na inis siya. Naka salumbaba pa ito habang tinitignan siya, kahit hindi na lingunin niy cloud kitang kita at ramdam na ramdam niya ito. He's like a child who look so amaze na parang bibigyan ng isang magandang bagay. "Hi ulap.." bati ni Gray ng dumaan siya sa gilid nito upang mag ayos ng lamesa at mag linis. Hindi siya umimik o kaya'y tinapunan ito ng tingin sa halip pinag patuloy ang pag pupunas. "Ulap.." parang batang tawag nito sa kaniya nang mag lalakad na siya paalis. She glance at him, "anong ginagawa mo dito?" "Ha-" "Ano na naman kailangan mo at talagang nag apply ka para lang inisin ako?" Nag tatakang tumingin at nag angat pa ng dalawang kilay si Gray, "Lah.. hindi kaya.. dagdag kita din 'to at experience sa buhay.. malay ko bang dito ka nag tr-trabaho.." pag tanggi at pag dadahilan nito. Napatigil at natahimik si Cloud dahil sa sinabi nito, ngumisi si Gray at nag salumbaba habang nakatingin sa kaniya. "So you assumed na sinusundan kita-" Her brows furrowed, "No, Of course not-" "Weh.." inis nito sa kaniya habang mapanuyang ngumisi sa kaniya. Agad niyang iniwas ang tingin at halos gusto niyang irapan ito. Of course not! She didn't assumed!.. okay, she just said it earlier on her mind but! Hindi ganon! Sa tingin niya lang naman! She sighed heavily, "Umalis kana" Agad itong tumingin si Gray sa kaniyang relos at bumalik ang tingin sa kaniya, "Anong oras out mo-" "Mamayang madaling araw kaya umalis kana." Pag dadahilan niya. Totoo naman ito na matatagalan sa pag uwi dahil night ang duty niya dito at mag aantay pa silang may pag papalitan sila sa umaga, ngunit hindi naman madaling araw talaga. Around 12 lang dahil nasa rules ito kapag estudyante at bawal ang hanggang umaga pa sila. Swerte pa nga sila dahil talagang naiintindihan sila ng may ari. His lips formed into "o", "Ah.. okay, see you bukas. Mag ingat sa pag uwi ha.." kunot noong tinignan ni Cloud ito dahil sa sinabi nito. Parang aalang alala na parang kaibigan na sobrang matagal na mag kakilala at nag aasal na nobyo ito. Tumayo si Gray sa pag kakaupo at sinukblit ang kaniyang bag at tumingin muli kay Cloud ng may ngiti sa labi, "See you tomorrow, sabay tayo ha. First day ko bukas kaya gabayan moko" kinindatan pa siya nito "Ano 'ko, guardian angel mo?" Sarcastic on her voice He shook his head, "Nope" popping the 'p', muli itong ngumisi. "You're not my guardian angel.. but look like one. Bye ulap! Ingat sa pag uwi!" He said before he walked away. Napatigil si Cloud dahil sa sinabi nito. Angel?.. You look like one.. Bulerong gago. Napailing siya at lihim na napairap. Hindi siya epektado sa pinag gagawa sa kaniya ni Gray dahil wala naman talaga siyang paki dito, she don't want to find her mean cause she's not. Hindi naman talaga dahil nasanay siyang wala siyang kausap bukod sa kaniyang lola at lolo, sila lamang ang nakakakita ng totoong emosyon at totoong malamboy niya ugali. She's responding and talking with him para hindi naman ito mapahiya at maging baliw na dahil kinakausap ang sarili. Nakalipas na ilang araw at mag iisang linggo na nga itong nangungulit, mga naunang araw talaga 'y hindi niya ito kinakausap. Pagod na pagod na umuwi si Cloud habang nag lalakad sa kalye nila. Napatingin siya sa kaniyang relos, it's currently 12am in the morning at talagang pagod na siya. Napapikit siya habang nag lalakad at nilandas ang kaniyang kamay sa batok at hinaplos haplos ito. Ramdam na ramdam niya ang kirot ng kaniyang sintido. Madilim at tahimik siyang pumasok sa bahay nila. Ang bawat galaw niya'y walang ingay hanggang makarating siya sa kaniyang silid, her grandparents was asleep maaga itong natutulog, maaga rin kung magising. Makahiga sa kama matapos niyang mag half bath. She closed her eyes, ngunit agad na sumagi sa kaniyang isipan ang lalaking hambog na walang ginawa kundi'y inisin at abalahin siya. Ano bang gusto nito?.. maging kaibigan siya eh kung tutuusin marami ngang iba jan at siya pa ang naiisipan!. She's nobody to others! She sighed heavily before she finally fell asleep. "Good morning ulap!" Agad na bati nito sa kaniya. Lihim siyang napairap dahil nandito na naman sa loob ng kanilang bahay. "Anong ginagawa mo dito?"coldue on her voice. Ngumiti lang ito sa kaniya habang tinitignan siya. "Punta tayo dun, su-submit ko lang yung mga dapat i-submit" Sumimsim siya sa kaniyang kape at sinalubong ang mata nito, "mamaya na, pag katapos ng class" simpleng sagot at iniwas niya ang tingin. Tumango tango naman si Gray, "Okay.." saad nito. Lihim napangiti si Gray nang iniwas niya na ang tingin kay Cloud. May kung anong kumukiliti sa kaniyang puso, dahil tinutulungan siya nito at kinakausap na kahit pa ma'y lamig kung sumagot. "Bilisan mo mag lakad" cloud demand. Tumaas ang dalasang kilay ni Gray habang nakatingin kay cloud, nasa harap niya ito habang nasa likod siya. Wala lang trip niya lang hindi ito sabayan, at na cucute-an siya dahil sa height nito. "Ha?" She rolled her eyes at pumihit paharap sa kaniya, "bilisan mo mag lakad, baka ma late tayo" utos nito at agad na tumalikod at nag simulang mag lakad. Natuod at hindi makagalaw si Gray dahil sa sinabi nito. She wants him to walk besides her? Dati nga'y inis na inis ito at binibilisan pa ang pag lalakad upang hindi lang siya mabutan nito, at ngayo'y pinapayagan na siya nitong sabayan siya? Wow.. Napangiti ng lihim si Gray habang nakatingin sa likod ng dalagang palayo sa kaniya. "Oi ulap! Sandali!" Agad siyang nag jog papunta sa dalaga, nang ma abutan niya na ito. Ngiti ngiti siya habang nag lalakad, dahil sa wakas! Pinayagan na siya nito! "Ano sasakyan natin ulap?" Tanong ni Gray sa kaniya. "Sasakyan" gray tsked. "Ikaw, ano ba gusto mong sakyan?" Gulat ma'y agad na napalingon si Gray sa kaniya. Gulat din si cloud dahil tinanong niya ito! What the.. what wrong with her! She's obviously talking with him! Ibigsabihin gusto niyang kausap ito pag siya naunang nag tanong! She groaned silently to her self, she looked away. Avoiding his gaze! "Syempre sasakyan" sagot nito at tumawa pa. Napapikit naman siya ng lihim at napabuntong hininga Argh! What's wrong with you cloud! Really?! You're asking him now! Supposed to be you're not! He stopped laughing, "Tricycle nalang tayo, baka mang yari na naman yung kahapon eh. Baka maipit ka na naman" Napatigil si Cloud dahil sinabi nito. He's worried to her?, nope. He's not, ayaw lang din nitong maipit sa jeep. Right he's not worried, he's worried about his self. "Ano ulap? tricyle ha. Mamaya bigla kang sumakay ng jeep jan, ta's iiwan ko 'wag ganun masama yun" biro nito sa kaniya. She look at him, "Oo na" Simpleng sagot na nag pangiti kay Gray, kung dati'y tango at walang sagot ngayon palasagot na sa kaniya! "Ulap.." "Ano" inis na sagot nito, kasalukuyan silang nasa loob tricycle "Kailan kapa nag trtrabaho dun?" "Mag lilimang b'wan na din" "Talaga?" Hindi makapaniwalang na sabi ni Gray. Halos umawang ang labi nito dahil matagal tagal na rin palang nag trtrabaho ito! Hindi na ito sumagot sa kaniya, kaya napaisip siya muli ng panibagong itatanong dito. Hindi mapakali at hindi patulugin si Gray dahil sa nga tanong na nasa kaniyang isip, kung bakit ito nag tr-trabaho at gaano na katagal. Mukha namang may kaya ito kaysa sa kaniya, dahil may kalakihan ang bahay nito maging ang lola at lolo nitong alam niyang may lupa at may negosyo, kaya nag tataka at hakos hindi siya patulugin ng mga tanong niya kay Cloud. "Bakit ka nag tr-trabaho.." She looked at him, "ikaw bakit ka mag tr-trabaho, mukhang wala ka naman alam dun" mabilis na sagot at mabilis rin iniwas nito ang tingin. Napalabi naman si Gray at napasinghap. Totoo naman kasi dahil kay cloud upang mas makilala niya ito at iba pa nitong ginagawa. Bonus na 'rin ang kita maging ang experience niya sa buhay. Hindi niya narin alam kung bakit gustong gusto niya umaaligid dito at mas lumalim ang pag kakilala niya dito, but damn! What wrong with him?! He always find him self na parang buntot ng buntot siya dito! "Dagdag kita saka dagdag experience sa buhay.." simpleng sagot niya. Tumango naman ang dalaga at hindi na muli nag salita. "Bye ulap, mamaya nalang" paalam niya dito, he wave his hand while smiling at her. "Hantayin mo'ko ha. Sabay tayo" dagdag niya. Simpleng tumango si cloud sa kaniya. Pigil namang mapangisi si Gray bago tumalikod sa kaniya at nag lakad. "Danda umaga naten tol ha!" Bati sa kaniya ni Reina. May ngiti sa labi siyang pumasok sa room nila at mukhang tanga parang batang kinikilig na hindi malaman. "Ano nangyari? Kamusta?" Sunod sunod na tanong ni reina kay gray. Umupo naman si Gray at nilagay ang kaniyang bag sa gilid niya at inipit ito. "Ayos lang tol" Mapangasar na ngumisi sa kaniya si reina si mateo naman nakatingin lang dins sa kaniya, "Weh.. bakit ang aga mona umuwi ta's lagi kang nawawala, hindi ka na nga sumasabay sa'min pauwi o kakain eh" "Wala may ginagawa lang ako" "Wuh.." asar nito sa kaniya. Umiling naman si Gray at pilit na tinatago ang ngiti ngunit hindi siya nag tagumpay dahil sinusundan nito ang bawat pag iwas niya ng mukha at tingin. "Ta'mo tamo!, may chix ka no'" mahabang sabi nito at mapang asar na boses. Agad siya umiling, "Wala nga.." pag tatanggi niya. Dahil wala naman talaga, at hindi pa nga siya sure na kaibigan na ang turing nito sa kaniya eh! "Wuh gray.. kilala ka namin. 'Wag kami uy!" Nag kibit balikat siya, "Chix chix ka jan, 'di uso sa'kin yun. Alam niyo naman ako alergic ako sa pag ibig na yan" "Scam" "Ulol mo" "Kakainin mo yang sinabi mo, tandaan mo yan pag ikaw umibig! Latik lang ang 'di umiibig uy!" Dagdag pa ni reina sa kaniya "Anong connect ng latik?" Takang tanong ni mateo kay reina. Agad na tumingin si reina sa kaniya, "wala lang naisip ko lang bakit ba! Panira mo uy!" Nag tawanan ang tatlo. Reina look at him, "Makakahanap ka talaga ng katapat mo.. yang pinag hahawakan mong salita kakainin mo.. pustahan pre.." "Lul, wala nga ako pera saka 'di mangyayari yun" "Yang pangiti ngiti mo pre! Tamo! Saka malay mo near in the future kinain mo mga yang salita mo at mayaman kana nga talaga! Bayaran mo ko, maniningil talaga ako pag nabalitaan kita ikakasal na" saad ni reina. "Okay" simpleng sabi niya. "Sige! Deal ha!"sabi ni reina. Tumango si Gray at ngumisi, "Deal, basta dapat hindi ngayon, pag ikakasal nalang ako na malabong mangyari" "Lolo mo" "Scammer" Napailing nalang si Gray at napangisi ng biglang may sumaging ediya. "Babayaran mo ako, pag ikaw naunang ikakasal reina ha." Napatigil ito sa pag ngiti at napalitan ng nandidiring tingin sa kaniya. "Ew, 'di mangyayari yun. Mas gusto ko nga babae eh, papanget kasi ng lalaki ngayon tulad niyong dalawa. Kaya malabo yun" agad napawi ang ngiti nila mateo at gray. "Pogi ko kaya" "Mas gwapo ako dami dami ngang nakapila eh," sunod sunod na saad ng dalawang lalaki. Nandidiring tumingin sa kanila si Reina na parang isang basurahan na maamag at mabaho ang amoy "Hoy mabango kaya ako" "Amoyin mo pa kili-kili namin ha" umamba ang dalawang tinaas ang braso at agad na nilapit ang dalawang kili kili. Agad na iniwas ni reina ang mukha at agad na tumayo at lumayo sa kanila. "Ano imik? Pag talaga kayo umibig dalawa, buti nga ako chill chill lang" biglang saad ni mateo. Gwapo naman ito at hindi maimik sa babae talagang wala lang sa kaniyang isipan ang pag ibig dahil focus ito sa pag aaral at makapag tapos. "Bakla kaba?" Pang aasar ni reina, agad na kumunot ang noo ni Mateo. Mateo shook his head, "hindi, ayaw ko lang. It's too risky. Saka nalang" sabi niya at bumuntong hininga. Parehas parehas silang bumuntong hininga. Kung bakit nabuo ang pag kakaibigan nila?.. dahil sa pag ibig. Parehas silang tatlo na takot mapaibig, bukod sa masaktan. Love is like a drug, that love was hardest to quit, but it's even harder when it is taken away. Kina-katakutan ng tatlo. Kahit pa ma'y pa 'chix' 'chix' silang tatlo'y pag talaga commitment na, talagang parehas sila aatras. Mas magandang ibaling nila ang atensyon sa pag aaral para makapag tapos at umasenso sa buhay maging ang pag kamit ng pangarap nilang tatlo. Ang tanong. Sino kaya sa kanilang tatlo ang unang bumasag ng motto nila?.. Kung sino man sa kanila, Good luck nalang. "Ulap kumain kana?" Halos mapatalon sa pag kakaupo si Cloud dahil sa biglang sulpot at salita nito. She looked at him, irritated "Bigla bigla kang sumusulpot. Kabute kaba?" Ngumiti ito, "Hindi.. kumain kana?" Tuluyan ng napairap si cloud sa harap nito "Oo, kaya manahimik kana pwede ba?" Tumango naman ito, "okay.. may dala akong pagkain sa bag sabihin mo lang pag nagutom ka ha" binuksan nito ang bag at pinakita sa kaniya. "Canteen ba yan?" Tanong ni cloud, agad na nag angat ng tingin ito at umiling at mahinang tumawa. "Madali lang talaga akong magutom, saka kailangan ko kumain ng kumain" "Bakit naman?" "Baka sumali ako ng liga eh. Saka 'di pa naman sure daming school works, saka lagi naman ako may dalang pag kain. Nagugutom ako eh" mahabang paliwanag nito at sinarado muli ang bag. Agad na iniwas ni cloud ang kaniyang tingin ng mag aangat na ito ng tingin sa kaniya. "Library?" Gray asked her. Tumango nalang siya at nag simulang mag lakad. Nang makarating sa library agad na dumeretso si cloud habang nakalikod niya si gray at nakasunod lang. "Mahirap ba course mo?" He asked. She shook her head, "Mag aral ka lang ng mabuti, walang mahirap sa taong pursigido at gumagawa ng paraan" simpleng sagot niya at kinuha ang libro ng dapat niyang basahin at mag take down notes. Tumango tango naman ito, "Ako kasi mahirap, pero kaya naman at kakayanin pa. Tama sinabi mo." He said Walang mahirap sa taong masipag at gumawa ng paraan upang hindi maging mahirap ito. Sabay nilang naisip. Agad na umupo sa bakanteng upuan na may kalayuan sila sa mga taong kumpol kumpol, mas makakapag focus kung walang masyadong tao at hindi maingay. "Kabado ako ulap" gray said to her, nasa loob sila ng tricycle at kabado talaga ang binata. "Sino ba kasi nag sabi sa'yo mag trabaho ka,tapos gaganyan ka" supladang sabi nito. "Gusto ko nga, kinakabahan lang ako bawal bang kabahan?" Pabalik na sabi ni gray Cloud tsked, at hindi na nag salita. Pinauna siya nito at pinag buksan pa siya ng glass door dito. "Maiwan na kita, punta kana sa manager dito. H'wag kang kabahan. Nandito ako" cloud assured him before she turned her back on him and start walking away. Napatigil si Gray dahil sa sinabi nito. Bumagal ang lahat ng bagay na gumagalaw habang nakatingin siya sa babaeng nakatalikod at nag lalakad palayo sa kaniya, tila ito lang ang malinaw sa kaniyang paningin habang ang lahat ay mabagal at malabo. Nandito ako.. Damn..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD