Kabanata 23 ITO ANG ikalawang araw ng mag-asawa sa bagong bahay nila. Malaki ang naging adjustment na dinaranas ni Arella dahil sa pagbuklod nila pero wala namang kaso iyon sa kanya dahil ang importante ay masaya naman ang pagsasama nila ni Sean. Katatapos pa lang mag-shower ni Arella at nagsuot na s’ya ng lingerie na karaniwang pantulog n’ya. Pinuntahan na n’ya ang asawa sa study room nito para ayaing matulog. Tutok na tutok ito sa laptop at ilang papeles na nasa working desk nito nang madatnan n’ya. Nag-aalala na s’ya sa asawa dahil ilang araw na itong subsob sa trabaho at halos madaling-araw na ito natatapos sa mga tini-take-home nitong mga trabaho. Iyon ang dahilan kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasabi ni Arella ang dapat n’yang aminin. “Sean.” Her melodious voice caught he

