CHAPTER ONE

1065 Words
"Doctor Coffee. Maraming salamat po." Napangiti na lang siya nang magpasalamat ang kamag-anak ng kanyang pasyente sa kanya. "Its my job. Paki-antay na madala siya sa ICU. Kailangan pa mai-monitor ang kalagayan niya," ani niya at saka nag mamadaling umalis na. Lakad takbo ang gawa niya hanggang sa makarating siya sa office niya. 18 hours shift daig pa niya sumabak sa gera. Nararamdaman na niya bibigay na ang talukap ng mata niya. Kaya walang pasintabi nagpalit siya ng scrubs suit at nahiga sa mahabang sofa. Hindi pa man siya nakakatulog nang bigla bumukas ang pinto. Si Austin isa sa mga ER Nurse. "Doc, VIP patient daw." Kumunot ang noo niya. "Pakitawag si Doc Eden o kaya si Doc Valtazar. Please let me sleep first. Tulog ang kailangan ko ngayon," nagmamakaawa wika niya. "Sige, Doc Coffee sleep well," naka-ngiti ani ni Austin at sinarado na ang pinto. Wala siya sa mood ngayon. Wala siya pakialam kung sino man VIP Patient na yan. Kahit Presidente pa ng Pilipinas pa yan. Kiber ko! She's Coffee Shane Diman. General and Laparoscopic Surgeon at the age of 29 years old. Namatay ang kanya Ina noong first year highschool pa sya dahil sa sakit na breast cancer. Ang Kuya Callen naman nya ay namatay dahil sa liver failure. Mula noon tumatak na sa isipan nya ang pangarap na maging doctor. Tanging ang kanya Ama at bunso kapatid na si Cream Ann na ngayon ay nag-aaral naman ng Nursing ang tanging kasama nya sa bahay. Speaking of bahay...last week pa pala huling punta nya sa kanila. Napa-iling na lamang sya at tuluyan na pinikit ang mga mata hanggang sa nakatulog na sya. Nag-mulat ng mata si Coffee, pakiramdam niya kase kanina pa may nakatingin sa kanya. Napasulyap sya sa wall clock, its 3:30PM. Halos limang oras din pala sya nakatulog. Ipipikit pa sana uli nya ang mga mata ng bigla may nagsalita... "How's your sleep, pretty doctor?" Nahulog sya sa mula sa pagkakahiga dahil sa labis na gulat. "Sino ka?" gulat at takot ang naramdaman nya habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa single sofa sa harapan nya. "I want you to be my doctor" seryosong nakatingin ang lalaki sa kanya. Hindi nya mapigilan mapataas ang kilay. Aba demanding amfuta. "Excuse me? I'm asking you who are you and why are you here in my office?" bulyaw nya rito. Ang gagong 'to nakatitig lang sa kanya na parang may hinahanap sa mukha nya. "Fix yourself. Here's my medical records. I want my surgery to be done as much as possible and I want you to be my doctor. Bye pretty doc!" may nilapag ito folder sa center table bago tuluyan umalis. Naguguluhan siya. Sinong hinayupak na yun? Kaagad siya napatayo. Tumingin muna sya sa maliit na salamin na nakapatong table nya. Potek may natuyong laway sa gilid ng labi nya. s**t! Naghilamos at nag toothbrush muna sya bago sya lumabas at nag punta sa Nurse station. "Nurse Jane. Sino yung lalaki pumasok sa opisina ko?At bakit ninyo sya pinapasok??huh Bakit?" inis na wika nya. Pero imbes si Nurse Jane ang sumagot ang Head Nurse na si Nurse Malou ang nag salita. "Sorry Doc. Si Sir Noriko po iyon." lalo sya nainis. "huh? so? Sino ba sya?VIP ba sya? You know what, wala ako pakialam kung gaano sya ka-VIP. He's invading my privacy at wala sya karapatan mag demands kung sino doktor ang gagamot sa kanya!" Napakamot ng ulo ang mga Nurses. Mainit ang ulo nya. Ang pinaka ayaw pa naman nya yun mga mayayaman tao o mga anak mayaman na kung makapag demands akala nabili na buong hospital. Andaming nagpapakahirap na mga pasyente sa pagpila para magamot lang. Nagta'tiyaga magpabalik balik sa hospital para maoperahan at magamot. Tapos yung mga mayayaman ni walang abiso bigla-bigla na lang magdedemands na parang responsibilidad sila gamutin dahil mayaman sila. Wow! "Doc Fee -- Si Sir Noriko po. Anak po sya ni Mr. Noel Miranda. Ang may ari po ng Hospital." Tinitigan muna nya si Nurse Malou, tumango naman ang ibang Nurses na naroon. Kaagad siya bumalik sa office niya at kinuha ang folder na nasa center table. Binasa nya. Noriko Zyle Miranda. Anak ng! Ang nag-iisang anak ng may ari ng Miranda Medical Hospital. Shit! s**t! Naiinis na hinagis nya ang folder. Ang akala nya nasa Turkey ang anak ni Mr. Noel Miranda. Tumunog ang cellphone nya na nasa drawer ng table nya. Kinuha nya ang cellphone at nakita kung sino ang caller. President Miranda Calling... huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tawag. "Hello Mr. Miranda. Doctor Diman speaking..." Narinig nya natawa ang nasa kabilang linya. "Doctor Coffee, masyado ka naman ata pormal ngayon. Naistorbo ba kita?" Napailing sya "Naku Sir, hindi po--" "Apologies for my son, Doc Coffee. Kung biglaan ang pagdating nya dyan. Ikaw na muna ang bahala. I know you are excellent Laparoscopic Surgeon that's why I recommend you to my son. He badly needs surgery at alam kong hindi ako nagkamali sa pag rekomenda sayo." Natameme sya. Jusko. Ang bigat ng recommendation galing pa mismo sa may ari. "No problem Mr. Miranda. I'll do my best not to disappoint you." "Thank you so much. Please do me an update once may schedule na ang surgery after his laboratory test" "Yes. Mr. Miranda. Salamat po sa pagtitiwala nyu" nakangiting wika nya. "I believe in you. Bye." Kaagad naman niya in'off ang tawag. No choice na sya. Bumalik sya sa Nursing station. "Pagdating bukas ni Mr. Miranda..kailangan nya ng ECG, Chest X-ray at laboratory examination. Assist him. Pag may results na saka nyu ako sabihan. Gets?" "Yes Doc Coffee." sagot ng dalawa Nurse. "Good. Uuwe muna ako. Don't call me unless its really urgent okay? I need rest. Sakit ng ulo ko." "Sige Doc. Para makapag-pahinga ka pa. Haggard ka na eh." Biro sa kanya ni Nurse Malou. "Kaya nga eh. Paano ba naman ako makakahanap ng lovelife kung paglabas ko ng hospital mukha akong zombie." Natatawang wika nya sabay nagpaalam na. Kinuha lang nya ang bag at cellphone at nagsuot ng jacket bago tuluyan umuwe. Nang makasakay na sya sa kotse. Bumalik sa alaala nya ang itsura ng anak ni Mr. Miranda na si Noriko. Well' wala sya masabe sa angkin kagwapuhan at kakisigan nito. Lalo na ang kulay luntian na mata nito at mga labi na mamasa-masa. Jusko. Sana all. samantala yun labi ko hindi na nga mapula nagbabalat pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD