Chapter 3

1532 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Ngayon ay ang unang araw ko bilang isang kolehiyala. "Mag-ingat ka sa unang araw mo, Anica. Kapag may problema ka man o kailangan, tawagam mo lang ako," nakangiting sambit ni Kuya Xandeo sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya bago ako lumabas ng kanyang sasakyan. Napatingala ako at tinignan ang arko ng unibersidad kung saan ako mag-aaral. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin dito sa Manila, pero gagawin ko ang lahat para masuklian ang sakripisyo ni ate at Kuya Xandro sa akin. Naglakad akong pumasok. Nakita ko ang mga gaya kong estudyante na naglalakad. May kanya-kanya silang kaibigan o grupo habang masayang nagkwekwentohan. Pansin ko rin ang kanilang suot. Dito sa papasukan ko, hindi uso ang uniform sa kanila. Kung ano ang suot mo aywalang kaso bastaang importante ay komportable ka. Napapikit ako ng aking mga mata at napabuntong hininga nang makarating ako dito sa harap ng aming Education Building. Beep!! Parang humiwalay ang aking kaluliwa dahil sa lakas ng busina ng sasakyan. Napatingin ako sa aking gilid at nakitako ang isang magarang sasakyan. Pinanlisikan ko ng aking mga mata ang lalaking nasa loob. Beep!! Pag-ulit niyang pagbusina sa kanyang sasakyan. Kinalma ko ang aking sarili. 'Unang araw n pa lang ito, Anica!' Pagpapakalma ko sa aking sarili. Aalis na sana ako para tumabi nang lumabas ang lalaki mula sa kanyang sasakyan. Seryoso ang kanyang mukha habang naglalakad palapit sa akin. "Bingi ka ba o talagang tanga ka lang at gusto mo nang mamatay?" Maawtoridad at may inis sa kanyang boses na nagtanong. Tumingin ako sa palihid at napataas ako ng aking kilay, "Ikaw ang tanga! Ang lawak ng kalsada, tumigil ka pa para lang businahan ako!" Inis kong sagot sa kanya. Napataas siya ng kanyang kilay. May dalawang lalaki na lumabas sa kanyang sadakyan at nilapitan nila ang lalaking nasa aking harapan. Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking braso, "Anong sabi mo? Saan ka nakakiha ng tapang para sagutin ako ng ganyan?" "Bitawan mo ako!" may banta sa aking boses na utos sa kanya. "Bakit? Ano ang gagawin kung hindi kita bibitawan?" tanong niya. Pinanlisikan ko siya at mabilis kong sinipa ang kanyang harapan, sa kanyng lribadong parte! Nanlaki ang kanyang mga mata, napadaing dahil sa ginawa ko at napahawak siya sa parteng iyon. "Hindi porket babae ako, hindi kita lalabanan!" huling mga salita na sinabi ko bago ako umalis sa kanyang harapan. Nakita ko pa ang nanlilisik niyang mga mata sa akin at alam kong sinundan niya ako ng tingin. Narinig ko rin ang dalawang lalaking kasama niya n atumawa dahil sa ginawa ko. Hindi ako pinalaki ng aking lola ko para lang tapak-tapakan ng kung sinong tao. Sabi nga nila sa akin sa aming probinsya, isa akong amazona, kaya iyong mga lalaking sumubok na manligaw sa akin, hindi nakakatagal sa panliligaw. Naging maayos naman ang unang araw ko dito sa bagong paaralan kung saan ako nag-aaral. Wala kaming masyadong ginawa kundi ang magpakilala sa harapan. Uso pa rin pala ito kahit na nasa kolehiyo na. May ilang mga guro na nagbigay ng mga syllabus at mga patakaran sa kanilang klase at pagkatapos ay wala na. Inobserbahan ko din ang aking mga kaklase, at sa unang araw, nagpapakiramdaman pa lang kami. Napatingin ako sa aking relo. Mag-aalas-sais na ng gabi, pero wala pa si Kuya Xander. Tinawagan ko na siya kanina at sinabi niyang may tatapusin pa siya saglit. Halos kalahating-oras pa ang nakakalipas nang dumating si kuya Xander. Nang ibaba niya ang bintana ng kanyang kotese, nakita ko ang maaliwalas at nakangiti niyang mga labi. Napalunok ako. Kapag si Kuya Xander ang nakikita at nakakasama ko, para akong isang babaeng hindi makabasag pinggan. "Pumasok ka na, Anica. Tumawag ang ate mo kanina na may pupuntahan tayo," utos niya sa akin. Tumango at pumasok na lang ako sa sasakyan. Nang makarating kami ng bahay, sinalubong kami ni ate at inutusan na magpalit ng damit. Halos sabay kaming bumalik ni Kuya Xander kay ate at pagkatapos ay umalis din kami kaagad. Halos isang oras din ang naging byahe namin ng dumating kami sa isang resto. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob at nag-order ng pagkain. Gusto ko sanang magtanong kung anong meron at dito kami kakain, pero mas pinili ko na lang manahimik. Kung kami lang ni ate, magtatanong ako, pero dahil nandito si Kiya Xander, nahihiya akong magsalita. "Napapansin ko na hindi mo kinakausap ang kiya Xander mo, Anica!" napalunok ako nang biglang magtanong si Ate Alicia sa akin. "Po?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. "Nahihiya ka pa ba kay Kiya Xander mo, Anica? Alam ko na hindi ka ganyan makitungo, pero napansin namin ng kiya Xander mo na parang nahihiya ka pa rin sa kanya," dagdag pa ni ate. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya, kaya napayuko na lang ako. "Ilang linggo na rin tayo nagkakasama, Anica, kaya huwag ka nang mahiya sa akin," pagsasalita si Kuya Xander. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko matagalan ang tingin at ngiti niya sa akin kaya napayuko na lang ako at sumagot, "Opo Kuya Xander". Ilang saglit pa, dumating na rin ang mga pagkain. Habang kumakain kami, doon ko nalaman na ika-isang taon at dalawang buwan na pala silang kasal. Iyon ang dahil kung bakit kami kumain sa labas. Kitang-kita ko kung gaano nila kamahal ang bawat isa. Napangiti ako habang pinapanood kung gaano sila ka-sweet. Nagkukulitan, at minsan ay gumagawa si Kiya Xander ng paraan para kiligin si Ate. Ang swerte ni Ate kay Kuya Xander. Bukod sa gwapo at matipuno siya, napakabait pa. Halos wala siyang bisyo, hindi naninigarilyo, umiinom ng alak pero occasional lang, at higit sa lahat ay hindi siya nambababae! Nang makauwi kami dito sa bahay at makapaso sa aking kwarto, nag-ayos ako ng aking sarili bago ako mahiga sa kama para magpahinga. Wala pa naman akong gagawin sa paaralan kaya natulog na lang ako. Maaga akong nagising. Normal na sa akin ang magising ng alas kwatro ng madaling araw. Nakasanayan na rin kasi ganitong oras ako nagigising noon sa probinsya at hanggang ngayon ay ganoon pa rin ako. Nagsimula akong maghanda ng agahan namin. Sanay na ako sa ganito dahil ako naman parati ang nauunang nagising dito sa bahay. Ako rin ang palaging nagluluto ng agahan, pero kapag hapunan ay si ate. Habang nagluluto ako, nakarinigako ng mga yapak. Napatingin ako sa may pinto at nakita ko si Kuya Xander na pumasok dito sa kusina. Napalaki ako ng aking mga mata dahil sa biglaan niyang pagdating. Wala siyang suot pang-itaas at tanging boxer short lang ang suot niya sa pang-ibaba. Hindi ko sinasadyang mahalata ang gitnang parte ng kanyang katawan. Halata na wala itong suot na salawal dahil halata ang malaking umbok dito! Napalunok ako habang siya ay nakatayo lang. Unti unti kong itinaas ang aking mga mata at nakita kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti. "Ipagpatuloy mo na iyang niluluto mo, Anica," napabalik ako sa aking ulirat nang magsalita siya. Mabilis kong ibinaling ang aking atensyon sa niluluto ko at narinig ko siyang binuksan niya ang fridge. Hindi ko siya tinignan kung ano ang ginagawa niya. Nanlamig na lang ang buo kong katawan ng naramdaman kong nasa tabi ko siya! Napalunok ako ulit nang amoyin niya ang niluluto ko. Halos madikit na ang katawan niya sa akin! "Ang bango naman ng niluluto mo!" sabi niya sa akin at pagkatapos ay kumuha siya ng baso. Mabango? Itlog lang naman ang niluluto ko! Napapikit ako ng aking mga mata at pinagpatuloy ang aking pagluluto. Alam kong nakaupo si Kuya Xander sa harap ng mesa. Hindi ko lang siya pinansin. Kahit na narinig ko ang paggalaw ng upuan, hindi pa rin ako tumitingin. Mahirap na at baka makahalata siya sa akin. Kumuha siya ng cup at nagtimpla ng kape at muling umupo. "Sabi ng ate mo, sa susunod na buwan ay birthday mo na, Anica," pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ngayon ay naalala ko. Oo nga! Birthday ko na sa susunod na buwan at mag-18 na ako! "Ano ang gusto mong regalo? Ibibili kita." tanong pa niya sa akin. Napatingin na ako kay Kuya Xander. Nakangiti pa rin siya na nakatingin sa akin. Regalo? Wala akong maisip na gusto ko. Hindi naman kasi ako materialistic at sa katunayan, hindi rin ako sanay na naghahanda ng birthday ko. "Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mo, Anica. Ibibigay ko sa iyo kahit na ano," sabi pa niya na siyang dahilan ng pagpasok ng demonyo sa aking utak! Hindi! Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, Anica!! Tandaan mo, asawa siya ng ate mo!! Nagmamahalan sila!! Masaya silang dalawa!!! Pero bakit pakiramdam ko ay may kakaiba kay Kuya Xander? O baka naman ako lang ang nag-iisip ng kakaiba? Kinalma ko ang aking sarili bago ako sumagot sa kanya. "Ikaw Kuya..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko pero biglang lumaki ang pagkakangiti niya. "Ikaw ang bahala, Kuya. Kahit ano ay okay lang naman sa akin," nauutal kong dagdag sa sagot ko. "Ganoon ba? Sige. Sana ay magustohan mo ang magiging regalo ko sa iyo," sabi niya bago niya inubos ang kape niya at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD