DARK NIGHT FIVE

1761 Words
UNEDITED CHAPTER FIVE "JOSHUA is coming home and he will holding the legal department." Pagbabalita ng kanyang ama ng umuwi siya galing Palawan kaninang umaga. Napatingin siya sa ama na umiinum ng kape. Nagbabasa ito ng dyaryo. "Nabanggit nga niya sa akin noong nakaraang buwan. Pagkatapos ng masterial niya ay uuwi na siya." Sagot niya. "Kasama niya ang babaeng iyon." Napatigil siya sa pag-inum ng kape ng mahimigan ang galit sa boses ng ama. Napatingin siya sa ama. Nasa dyaryo pa rin ang atensyon nito ngunit hindi makakaila ang galit sa mukha nito. Nang maramdaman nitong nakatingin siya ay tinigil nito ang pagbabasa at tinupi ang dyaryo. "Kahit kailan talaga ay hindi na natuto iyang kapatid mo. Minsan na siyang niluko ng babaeng iyon. Heto na naman siya at nagpapaluko." "Dad, matanda na si Joshua. Sa tingin ko ay alam na niya ang ginagawa niya. Hayaan mo na po siyang magdesisyon sa buhay niya. At saka---" "Hindi ko pa rin matatanggap ang babaeng iyon sa pamilya natin pagkatapos ng ginawa niya sa kompanya. Muntik na tayong malugi dahil masyadong nagtiwala iyang kapatid mo sa babaeng iyon. Money can buy everything. Walang magagawa ang pag-ibig kapag pera na ang pinag-uusapan." Naikuyom niya ang mga palad sa sinabi ng ama. Hanggang kailan ba na maging ganoon ang pananaw ng kanyang ama. "Kaya mo din ba ako pinatapon ng U.S dahil nalaman mong nababaliw ako sa isang babaeng walang pera?" hindi niya maitago ang galit sa boses niya. "Alam mong iyon ang tanging para---" "Kung ganoon bakit mo siya kinuhang sekretarya mo at ngayon nga ay sekretarya ko na din." Tumayo siya at galit na tinitigan ang ama. "Pinaglalaruan mo ba kami ni Angel, Dad?" Sinalubong ng kanyang ama ang galit niyang tingin. Wala siyang nakitang pagsisisi sa mga mata nito. Bugkos ay may paghahamon pa itong tumingin sa kanya. Tumayo ang ama niya at lumapit sa kanya. Tinapik nito ang balikat niya at iniwan siya doon ng hindi sinasagot ang tanong niya. Lalong na puyos sa galit ang puso niya. Ganoon na lang lagi ang tugon ng kanyang ama kapag tinatanong niya ito patungkol kay Angel. Alam nitong si Angel ang babaeng gusto niya noon pa. Oo, si Angel ang babaeng minahal niya bago siya umalis ng Pilipinas para mag-aral sa ibang bansa. Minsan na niya itong nakita sa paaralan kung saan nag-aaralang kapatid. Agad na nakuha ni Angel ang kanyang atensyon. Tahimik lang kasi ito sa isang sulok at nagbabasa. Doon niya nalaman nawala itong kaibigan at tanging pag-aaral lang ang nais gawin. Nang mga panahong iyon ay under-training siya ng ama para hawakan ang kompanya. Dalawang taon na niyang pinag-aaralan ang kompanya ng ama. Inalam niya ang lahat ng tungkol kay Angel hanggang nangyari ang isang gabing hindi niya inaasahan. Balak niya lang protektahan ang dalaga ng gabing iyon ngunit nangyari ang hindi niya inaasahan. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na niya nakita pangmuli ang dalaga. Hindi na din ito nakaakyat ng stage para kuninang award na lalo nilang ikinagulat. Ng malaman ng kanyang ama ang tungkol sa paghahanap niya kay Angel ay agad siya nitong pinagsabihan na umalis papuntang U.S. Nang panahon na iyon ay nagkaroon ng krisis ang kompanya dahil sa kagagawan ng kanyang kapatid na under-training din kagaya niya. Wala siyang nagawa kung hindi umalis. Kaya nga nagulat siya ng makita ito sa loob ng opisina ng ama. Wala siyang kaalam-alam na nasa paligid lang pala ito at masyadong malapit sa pamilya niya. Ngayon ay pala isipan pa rin sa kanya kung bakit kinuha ito ng kanyang ama gayong unang kompanyang pinagtrabahuhan ni Angel ang kompanya ng ama. Alam ng lahat na mahirap makapasok sa kompanya nila. Walang kahit sino ang nakaka-alam sa takbo ng isip ng kanyang ama. Ngunit hindi siya magpapatalo dito. Sisiguraduhin niyang hindi na nito pakiki-alaman ang buhay niya. Lalo na silang dalawa ni Angel. "WELCOME back, little brother." Salubong niya kay Joshua na kalalabas lang ng arrival area. Sumimangot ang kapatid niya dahil sa kanyang sinabi. Kaya bigla nalang siya nitong nilampasan at iniwan doon habang hatak-hatakang dala nitong luggage. Hinabol niya ang kapatid at inakbayan. "Hindi mo ba ako na miss, little brother." Pang-aasar pa niya lalo sa kapatid. Sumulyap ito sa kanya at galit siyang tinitigan. Tinanggal nito ang braso niyang nakaakbay dito bago siya hinarap. "Isa pang little brother, Kuya. Masusuntok na talaga kita." Pagbabanta nito. Tumawa siya sa sinabin ito. "Ikaw naman. Alam mo naming binibiro lang kita." Hindi sumagot si Joshua at tinalikuran lang siya. Sumunod siya sa kapatid at sinabayan ito sa paglalakad. Mukhang wala ito sa mood kaya tahimik lang talaga ito. "Bakit hindi mo kasabay ang nobya mo?" tanong niya ng makarating sila sa kotse. Napatingin sa kanya si Joshua. "I don't want to talk about It." Malamig nasabi nito at sumakay sa front seat. Nagkibit balikat siya at pumasok na din ng kotse pagkatapos ilagay sa trunk ng kotse ang bagahe nito. Nakita niyang nakatingin sa malayo ang kapatid at masama pa rin ang bukas ng mukha. Mukhang may nangyari nga dito at sa nobya nito kaya ganoon nalang ang mood nito. Hindi nalang siya umimik pa at nagmaneho na lang. Hahayaan nalang niya muna ang kapatid na ganoon. Saka na niya ito kukulitin kapag nakapagpahinga na. Baka pagod din ito sa byahe. Nasa Edsa na sila ng tumunog ang phone niya na nakalagay sa dashboard. Aabutin na sana niya iyon ng maunahan siya ni Joshua. Tiningnan nito ang phone niya at nakita niyang nagsalubong ang kilay nito. "Can I have my phone, please?" inilahad niya ang kamay dito. Tumingin sa kanya si Joshua. "Magmaneho ka nalang dyan Kuya. Mamaya sisitahin ka ng mga pulis. No phone while driving remember." "I know pero traffic naman. At saka kasama naman kita. You are an attorney, walang problema kapag na huli tayo." Pabiro niyang sabi dito. Ngunit hindi siya pinansin ni Joshua bugkos ay sinagot nito ang tawag at nililagay sa loud speak. Isang magandang boses ang pumuno sa sasakyan niya. "Sir Lim, Mr. Kim is looking for you." Napatingin sa kanya si Joshua. Nagtatanong ang mga tingin nito. Sininyasan niya ang kapatid na wag magsalita. Hindi niya sinabi kay Angel na susunduin niya ang kapatid ngayon. "Why? May kailangan ba siya?" "Regarding po sa nasa investment niya sa bago nating project sa Cavite." "Ow! Tell him, I will be there before lunch. Ako na ang tatawag sa kanya." "Should I set an appointment, Sir?" "No need. Madali naman kausap si Alex." "Okay." Sabi ni Angel bago ito nawala sa kabilang linya. Nakatingin pa rin sa kanya ang kapatid kahit pa na tapos na ang pakikipag-usap niya kay Angel. Hindi pa rin naalis ang pagkagulat sa mukha nito. Alam niya kung anong iniisip ng kapatid. "Fire it out. Ask me anything you want." Sabi niya sa kapatid. "H-How did it happen? Paano mo naging sekretarya si Angel?" "I told you I found her." "But you didn't tell me that she is your secretary." Sigaw ni Joshua. Nataw na lang siya sa sinabi nito. "Brother-mine, hindi ko talaga sinabi sa iyo dahil alam kung gigisahin mo si Daddy kung sakali. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala sa nalaman ko. Alam mo na---" "Alam kong siya ang sekretarya ni Daddy." Nanlalaki ang mga mata niya sa sinabi ng kapatid. "What!" "I'm sorry if I didn't tell you. Alam kong hahadlangan na naman ni Daddy ang kaligayahan mo kaya hindi ko muna sinabi sa iyo. Hindi ko akalain na hahayaan niya si Angel na maging sekretarya mo." "Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa utak ng ama natin." Naikuyom niya ang mga kamay. "Well, alam ko naman na hindi mo papayagan si Daddy na kontrolin ang buhay mo. Daddy needs you for the company." "Pero hindi pa rin iyon sapat para hayaan niya akong piliin si Angel na maging asawa ko." Hindi umimik si Joshua ng ilang sandali. Napatingin siya sa kapatid. May ngiti sa labi nito na ikinsalubong ng kilay niya. "What's with the creepy smile, brother-mine." "Asawa ko?" tumingin sa kanya si Joshua. "You are thinking of marrying her?" "Bakit hindi? Alam mong matagal ko ng gusto si Angel." Pag-amin niya sa kapatid "Alam ko pero ang pakasalan siya. Ganoon ka kasigurado sa kanya, Kuya?" Napatingin siya sa kapatid ng marinig ang tanong na iyon. Bakit ba napaka-imposible para dito na pakasalan niya si Angel? Sa loob ng limang taon na hindi niya nakita ang dalaga ay hindi nawala ang pag-ibig na naramdaman niya rito. Mas lumalim pa nga ngayon dahil sa lagi niya itong nakakasama. His heart knows that Angel is a good person. "Ano bang mali sa sinabi ko? Sa loob ng limang taon ay siya lang ang tinitibok ng puso ko. Kahit marami akong nakilalang babae sa U.S sa kanya pa rin babalik ang pag-ibig ko." Natawa si Joshua sa sinabi niya. "You are chessy, Kuya. Buti pa dumaan na lang tayo ng opisina mo. May gusto akong makitang tao ngayon." Magtatanong sana siya kung sino ang taong sinasabi nito ng umusan na ang sasakyan sa harap nila. Tahimik niyang menaniho ang kotse papunta sa opisina niya. Nang makarating sa building ay agad na napatingin ang mga tao sa kanila ng kanyang kapatid. Tumuloy sila ng kapatid sa elevator na hindi pinapansin ang mga taong sinusundan sila ng tingin. Nagsalubong ang kilay niya ng pinindot ng kapatid ang floor ng opisina niya. Akala niya ba ay may tao itong pupuntahan doon. Nang bumukas ang elevator sa floor kung nasaan ang opisina niya ay unang lumabas si Joshua. Tuloy-tuloy ito sa paglakad. Agad naman niyang sinundan ang kapatid. Natigilan lang siya ng makitang nakatayo sa mesa nito si Angel habang inaayos ang ilang papeles na nakakalat sa table nito. Babatiin n asana niya ito ng bigla nalang itong niyakap ng kanyang kapatid. "I miss you, Angel." Narinig niyang sabi ng kapatid. Bigla ay umakyat ang dugo sa ulo niya. Naiinis siya. Kinakain ng panibugho ang puso niya ng makita kung paano niyakap ng kapatid ang babaeng sinisinta. Lalo pa siyang nagalit ng makitang gumanti ng yakap si Angel. Nais niyang hilahin ang kapatid ang suntukin ito. Humakbang siya palapit sa dalawa at bago pa niya masuntok si Joshua ay kumalas ito sa pagkakayakap kay Angel. "Kamusta ka na, Angel?" may ningning ang mga matang tanong ng kapatid. "I'm good, Sir Josh. Welcome back." Nakangiting sabi ni Angel. Bigla ay parang dinurog ang puso niya sa nakita. Angel smiles to Joshua. Did he miss something? Bakit parang sobrang close ng dalawa? At bakit may ngiti sa labi ni Angel ng makita ang kapatid niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD