" O ngayon, ano naman ang kinalaman niya? " Tanong ko sa kanya. Bigla itong namula. Napataas ang kilay ko. " Nagtapat siya sa akin noong isang araw. " Sabi nito na kinikilig. Natawa ako dito. " Sinagot mo na? " Tanong ko sa kanya. " Hindi pa, syempre kailangan ko munang magpakipot no. Baka mamaya ineechoos niya lang ako no. " Sabi niya. Natawa uli ako dito. " Ang landi mo. " Sabi ko sa kanya. " Ganyan talaga ang umiibig nagiging malandi no." Sabi niya natawa ako dito. Kung ano ano ang pinabibili ng mga kapatid ko kay Alex. Nagpunta pa kami sa groceries. Paglabas namin ng groceries tawa ng tawa ang mga kapatid ko. Kasi niloloko nila si Alex. " Kung nakita mo lang kuya yung itsura ng Cashier kanina. Pulang pula. Nang mahawakan mo ang kamay niya ng iabot mo yung bayad." Sabi ni Elly.

