Chapter 1

2323 Words
"Hoy! Eliana bat ngayon ka lang bilisan mo number mo na ang susunod." Sabi ni Mommy Elly ang Bakla na humahawak sa amin dito sa Evone Club. Nagmamadali na akong pumunta sa dressing room. Nagsuot ako ng two piece na costume namin sa pagsasayaw saka sinuot ko ang maskara ko. at lumabas na sa likod kung saan kami dumadaan papunta sa likod ng stage. Sakto naman na tinatawag na ang pangalan ko. Umakyat na ako sa stage. Nagsimula ng tumugtog ang malamyos na tugtugin. Nagsimula na akong gumiling. Naghiyawan ang mga costumer ng club. Lumapit ako sa tubo na nasa gitna ng stage saka ako gumiling dito. Ilang oras din bago natapos ang show ko. "Eliana! Nandiyan ang cotumer mong hapon hinahanap ka." Sabi ni Mommy Elly sa akin. Tumango ako dito saka nagmamadali na nagbihis ako. "Uy! Tiba tiba ka na naman. Nandiyan ang hapon mo." Sabi ni Lisa ang kaibigan ko. "Buti nga, kasi kailangan ko ng bilihan ng gamot si nanay." Sagot ko dito. Saka ako nag retouch ng make up. "Saito! Why you just came now?" Tanong ko dito ng lapitan ko ito sa lamesa na lagi niyang pwesto. Ngumise ito sa akin ng makita niya ako. "Sweetheart! I miss yo. Sorry I just got back here. Because I was attending to something important. So I had to go back to Japan." Sabi nito sabay halik sa akin. Nagkunwari akong nagtatampo. May inabot siya sa akin na paper bag. " I have something for you." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko. "Thank you." Sabi ko sa kanya saka ako yumakap sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Tinawag niya ang waiter at pinaorder niya ako. Kagaya ng dati omorder ako ng marami. Para mamaya ipapabalot ko ang mga ito ng madala ko sa bahay. ***** "Kaon ka na naman ngayon ah." Sabi ni Lisa sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. "Magkano ang binigay niya sayo?" Tanong nito sa akin. " Binigyan niya ako ng sampong lapad." Sabi ko dito na tuwang tuwa. " Ang galante talaga ng hapon mo na yun. Minsan nga lang pumunta pero Kita ka naman pag dumarating yun. " Sabi nito sa akin. " Ikaw kumusta ang Chekwa mo? " Tanong ko dito. " Haays. Ayun na lasing na naman sa susunod na lang daw babawi na lang daw siya. " Sabi nito na inis na inis. Na tawa ako dito. " Kainis kailangan ko pa naman dahil bayaran na sa school ni Jopay. " Sabi nito. Pareho kami mga bread winer ng mga pamilya namin. " Hayaan mo na utang ka na lang sa akin. Bayaran mo na lang ako pag nagbigay na ang chekwa mo. " Sabi ko sa kanya saka kinindatan siya. " Salamat best ah. " Sabi niya sa akin. " Sus, Sino ba ang nagtutulungan kundi tayo lang naman. Ganyan ka din sa akin e. " Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya nagyakap kami. Pareho kami may mga hawak na plastik parehas kasi kami omoorder ng marami para mapabalot namin at madala namin sa mga bahay namin. Tuwang tuwa ang mga kapatid ko ng dumating ako sa bahay. "Ang dami mong dala ah. " Sabi ni nanay sa akin. " Dumating kasi si Saito."Sabi ko sa kanya. Tumango ito. Hinubad ko ang sandals ko saka pumasok na sa silid ko para magbihis. " Eto nga pala ang pambili ng gamot niyo nay saka pambayad sa bahay. " Sabi ko kay nanay at inabot ang pera. " Salamat anak ha.Pasensiya kana hindi ako makatulong sayo." Sabi ni nanay sa akin. " Wala po yun nay." Sabi ko dito. " Kayo kumusta na ang pagaaral niyo? " Tanong ko sa mga kapatid ko. " Ayos lang ate." Sagot ng isa kong kapatid. " Ate mataas ang nakuha ko sa exam namin. " Kwento ng bunso kong kapatid. " Buti naman. Hayaan mo pag kumita ng maganda si Ate kakain tayo sa labas." Pangako ko dito. Tuwang tuwa na nagpalakpakan pa ang mga ito. Nagpaalam na ako na matutulog na. **** "Kamusta?" Tanong sa akin ni Lisa. "Wala ang alat ngayon walang kita. Ikaw kamusta kana?" Tanong ko sa kanya. "Haays, Eto ilang araw na akong inaalat. balak nga naming rumampa mamaya sa mabini ano sama ka?" Tanong niya sa akin. "Hindi na kayo na lang." Sabi ko sa kanya. "Haays, Ang sabihin mo ayaw mo talaga nun dahil ang rules number one mo nagtrabaho ka sa Club hindi para ibenta ang kaluluwa mo. Payag kang itable pero hinding hindi ka sasama sa costumer sa labas ." Sabi nito. Ngumiti ako sa kanya. "Alam mo naman pala inaalok mo pa ako." Sabi ko sa kanya. " Haays, Hindi ko alam kung bakit ka pumasok sa ganitong lugar kakaiba ka ikaw lang ang nakita ko na nagtatrabaho sa Club na santa. Ang bagay sayo sa simbahan nagtatrabaho hindi sa Club." Sabi nito na napatampal pa sa noo niya napangiti na lang ako dito. Mamaya tinawag na ito ng mga kasama namin. "So pano, ikaw na ang bahala magpalusot kay mommy ha. Pag kumita ako ng maganda babalatuhan kita." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. Kumaway pa ito bago umalis. Pumasok na ako sa loob. Nakita ako ni mommy nilapitan ako nito. "Eliana nakita mo ba si Lisa?" Tanong sa akin ni mommy Elly. "Nasa banyo mommy. Bakit?" Tanong ko dito. "Akala ko sumama na naman kayla Myla." Sabi nito. Hindi ako umimik. Umalis na ito. Umuwi ako na wala akong masyadong kita. Kinabukasan nagising ako sa ingay sa labas ng silid ko. "Eliana!" Tawag sa akin ni Lisa . Napabangon ako ng pumasok ito sa silid ko. "Uy! Bruha bumangon ka dali." Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko. "Bakit ba?" Tanong ko dito. "O ayan balato ko sayo. Big time yung naging cotumer namin kagabi sayang hindi ka sumama." Sabi nito. Saka inabot sa akin ang pera. Nagaya ito na gumala isama ko daw ang mga kapatid ko. Kaya gumala kami sa mall tuwang tuwa ang mga kapatid ko. "Hindi mo ba na mimiss ang pamilya mo?" Tanong ko dito habang kumakain kami ng ice cream at nakaupo sa isang bangko. Nakasakay ang mga kapatid ko sa isang ride. " Na mimiss. Kaya nga tumataya ako lagi ng lotto para pag tumama ako kukunin ko na sila sa probinsiya dadalahin ko na sila dito para sama sama na kami." Sabi niya na nangangarap. " Ikaw Eiana ano ang pangarap mo? " Tanong niya sa akin. " Simple lang mapagtapos ko ng pagaaral ang mga kapatid ko at makasama ko pa ng matagal ang mama ko." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka tiningnan namin ang mga kapatid ko na tuwang tuwa habang nakasakay sa ferris wheel. Kinawayan ko ang mga ito. ****ALEX POV#*** "Sir heto napo ang mga pinakukuha mo po na mga papeles sa akin." Sabi ng secretary ko. Naisipan ko na silipin ang status ng negosyo ko. "Salamat Lani." Sabi ko dito. Saka inumpisahan ng basahin ang mga papel na nasa harap ko. Habang tumatagal napapakunot ang noo ko. "Pano nangyari ang mga ito?" Tanong ko sa isip ko. Tiningnan ko ang mga papel mga pirmado ko lahat. "Lani!" Tawag ko sa secretary ko. "Yes sir?" Tanong niya ng pumasok siya sa opisina ko. "Wag mong sabihin na pinakuha ko ang mga ito okay?" Sabi ko dito. "Opo sir." Sagot nito sa akin. Kinuha ko ang phone ko at may tinawagan. "Maari ba tayong magkita may isasangguni lang ako sayo." Sabi ko dito. "Oo naman saan tayo magkikita?" Tanong nito sa akin. "Sa isang Coffee shop malapit sa lugar mo." Sabi ko dito. "Okay sige magkita tayo after lunch." Sabi nito. "Ok, Sige." Sabi ko dito. Inayos ko na ang mga papel nilagay ko sa attache case ko. After lunch nagpaalam ako sa secretary ko na hindi na ako makakabalik. Pag maynaghanap sa akin sabihin niya na may nilakad akong importante at pinacancel ko ang mga meeting ko. "Mga tunay ang pirma mo sa mga ito. Hindi ito peke." Sabi niya sa akin. "Pano nangyari na hindi mo alam ang tungkol sa mga ito?" Tanong niya sa akin. "Unless may sumabotahe sayo. Pinapirma ka ng hindi pinababasa sayo ang mga ito. Ikaw naman pumirma ka naman dahil tiwala ka sa kanya." Sabi nito sa akin. Napaisip ako. " Pano nangyari yun e diba si Willson ang abugado mo at personal na nagaasikaso pagdating sa mga papeles ng company mo. Pano nakalusot sa kanya ito? " Tanong nito sa akin. " Hindi ko alam. Ang alam ko lang pinipirmahan ko ang mga papeles na pinapipirmahan niya sa akin ang mali ko lang hindi ko na binabasa dahil tiwala ako sa kanya." Sabi ko dito saka napahilamos sa mukha ko. " Pano niya nagawa sa akin ito? " Tanong ko maya maya. Tinapik ako sa balikat ni Luis isa sa mga kaibigan ko abigado din siya. " Anong plano mo ngayon? Kakasuhan mo ba siya?" " Tanong niya sa akin. Napaisip ako saka huminga ng malalim para kumalma. "Gusto kong ilihim muna natin ito. Alam ko na may nasa likod pa nito. Sa ngayon maari bang ikaw na ang maging private lawyer ko?" Tanong ko dito. "Oo naman sino ba naman ang ayaw na maging lawyer ng kilalang si Alexander Washington." Sabi niya sa akin. "Sa ngayon nais kong ikuha mo ako ng magaling na imbistigador. Meron akong ipapagawa sa kanya. Sabihin mo na lang ang mga kailangan mo sa secretary ko. Sa kanya mo narin ipadala ang mga dapat kong pirmahan." Sabi ko dito. Tumango siya nagkamay kami bago kami nagpaalam sa isat isa. Hindi na ako bumalik ng opisina. Nagderetso ako sa isang Club sa Irmita. Pagpasok ko dumeretso ako sa isang sulok. Omorder ako ng alak. Habang umiinom napatingin ako sa stage. Nakita ko ang isang babae na sumasayaw sa malayos na tugtugin. Napakaamo ng mukha niya halata kahit na nakatago ito sa isang maskara. Nagulat ako ng lapitan ako ng isang bakla. "Gusto mo ba ng katable sir? Maraming available na babae." Sabi nito sa akin. Napatingin ako sa kanya. "Malungkot ang nagiisa na umiinom. Masmaganda yung may kausap ka habang umiinom." Sabi uli nito. "Pwede yung sumasayaw na yun?" Tanong ko saka inginuso ang nasa stage. "Oo naman sir. Sige papupuntahin ko siya dito pagkatapos niyang sumayaw." Sabi niya sa akin saka nakangiting nagpaalam na sa akin. Maya maya lumalapit sa akin ang isang babae. Napakaamo ng mukha niya. "Pinatatawag niyo po daw ako sir?" Tanong nito sa akin. "Maupo ka. Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya. Tinawag ko ang waiter omorder siya. Nagulat ako ng makita na napakarami ng inorder niya. Hindi ko na lang pinansin. Inalok ko siya ng alak pero tumanggi siya. "Sorry hindi ako umiinom ng hard." Sabi niya. Tumango ako sa kanya. "Anong pangalan mo?" Tanong niya sa akin. "Alex." Sagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero naaliw ako na pakinggan ang boses niya. "Ikaw?" Tanong ko sa kanya. "Anong gusto mong malaman yung Code name ko O yung totoo kong Pangalan?" Tanong niya na naman sa akin. " Yung totoo mong pangalan. "Sabi ko sa kanya. " Eliana. "Sabi niya tumango " Mukhang nagsosolo ka saka ngayon lang kita nakita dito." Sabi niya uli. "Hindi ako mahilig sa ganitong lugar." Sagot ko sa kanya. "E bat nandito ka ngayon? May gusto kang kalimutan?" Tanong niya uli hindi ako umimik uminom ako ng alak na nasa harap ko. Tiningnan niya ako. "Babae?" Tanong niya uli sa akin. Umiling ako. Wala kaming problema ng girlfriend ko. "Wala nga ba?" Tanong ko sa isip ko saka napailing. Hindi na siya umimik. " Sorry, gusto ko lang maglibang ngayon." Sabi ko sa kanya hindi parin siya umimik. " Yung may makausap at may makasama na ibang tao. Alam mo na nakaka borring din pala ang magtrabaho ka ng magtrabaho." Sabi ko sa kanya. "Minsan talaga nakakasawa din ang mga bagay bagay kahit nakagawian mo na ito. Kaya hindi masama ang minsang paglilibang. " Sabi niya sa akin. " Alam mo masarap ka kausap. Maari ba kitang ayain na lumabas? " Tanong ko sa kanya. Napaisip siya maya maya tumango siya. Kinausap ko ang bakla na humahawak sa kanila. Nagtataka na napatingin ito sa kasama ko. Maya maya pumayag ito. Pinabalot niya ang mga pagakain na inorder niya saka binigay sa isang babae. Sa totoo lang ang balak ko lang ayain siya sa isang lugar na desente kesa sa lugar na yun. Hindi ko inisip na dalahin siya sa Condo ko dahil wala pa akong pinapupuntang babae sa condo ko kahit ang fiance ko hindi pa nakakarating sa condo ko. Kaya hindi ko alam kung bakit ko siya dinala sa condo ko. " Kanino tong lugar na ito?" Tanong niya ng makapasok kami sa loob. "This is my place." Sagot ko sa kanya. Tumango siya saka naupo sa sofa. "Wait me here." Sabi ko sa kanya. Saka ako pumasok sa kusina. Balak kong magluto. "Gusto mo bang tulungan na kita?" Tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kanya nakita ko na nasa pintuan siya nakangiti sa akin. Napangiti ako sa kanya. "Kung gusto mo ba?" Sabi ko sa kanya. Tinulungan niya ako maghiwa. Nagluto ako ng steak at Pasta. Saka nagsalin ng wine sa baso. Inihain ko yun sa lamesa. Sige ang kwento ko sa kanya ng problema ko habang kumakain kami. Hindi ko alam pero napaka gaang ng loob ko sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit niya nagawa sa akin yun." Sabi ko sa kanya. Tumayo siya at nilapitan ako saka hinawakan ako sa balikat. May kung ano akong naramdaman kaya hinawakan ko ang kamay niya saka ako tumayo at hinapit ko siya sa bewang. Napatingin siya sa akin. Hinalikan ko siya humawak siya sa dib dib ko akala ko itutulak niya ako pero hindi niya tinuloy maya maya nararamdaman ko na tumutugon narin siya sa halik ko. Kaya binuhat ko siya at pinasok sa silid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD