Tahimik lang na nakatingin si Iñigo sa nobya. Tinatantya niya ang mood nito. Buti na lang at wala ang nakatatandang mga kapatid ni Lalaine ng dumating siya. Nagdala siya ng paborito nitong Chocolate Cake. Kapag yun ang dinadala niya, binabati agad siya nito. "Suhol?" tinaasan siya nito ng kilay at muling ibinalik ang tingin sa tv. Kasalukuyan itong kumakain ng malalaking santol at isinasawsaw sa asin. "Take it back dahil hindi ako kumakain nyan," sabi pa bago tila sarap na sarap na nagbalat ulit ng santol. Mula ng dumating siya, nakaka tatlo na ito. "Will you stop eating that? Baka sumakit ang tyan mo," awat niya. Akma niyang kukunin ang binabalatan nitong santol pero iniiwas nito. "Walang basagan ng trip. Ito ang gusto ng tyan ko bakit ba!" Inirapan ulit siya. Tumayo ito at pumun

