(Edward's POV)
Tahimik akong nakatanaw sa malayo. Kasalukuyan akong nasa terrace ng aking kwarto habang sumisimsim ng alak. Next month I have to go back to Manila where my life is. I'll leave everything behind. After all, I'm done with my mission here.
Muling bumalik sa alaala ko ang naging pag-uusap namin ni Margaux, my younger sister...
"Hello kuya Edward, how was our plan going?"
Bakas ang excitement sa boses nito. I can't help but to take a deep breath.
"It's going smoothly." I asnwered while scratching my forehead.
"Is she madly in love with you now?"
"I think so."
Muli akong napabuntong hininga at napasandal sa aking swivel chair. I'm very sure that she's in love with me. She proved it to me in so many ways. Just the thought of it made me feel so hot all over. I shrugged the thought. I can't have that thought!
"That's it kuya. Leave her like what her brother did to me! They have to experience what we went through as well kuya!" Her voice is full of anger and hatred.
Just remembering her brother made my hands clench again. That f*****g Max! He promised to protect her with his life but he failed. She was his angel, his gem, and some bastard did shatter her, he can't simply let it pass. He wanted to call it even.
Yes, I approached Anna out of revenge. Margaux almost died because of Anna's brother. He made her fall deeply in love then left her. He left Margaux when she needed him the most. She almost died because of depression little did they know that she was pregnant then, the baby died. His nephew or niece died because of them! They deserve justice, and I'll give it to them!
"Yes, I'll do it soon."
A sting of guilt crossed my heart but this is the only way to make them pay for what they've done. This is for my sister, and for my niece/nephew.
"Thank you kuya, I can finally move on."
"Yes princess, you do that."
Anna's angelic face, her sweet moans, and soft body against my hands appeared on my mind, and just like that, I felt my manhood hardened again. s**t! It's undeniable that my body became addicted to her.
She came from a family of bastards, I must not feel anything for her other than contempt! I need cold water ASAP!
(Anna's POV)
"Anna, Anna... Aba'y mag-aalas otso na'y nakahilata ka pa diyan, ano ka donya ha?! Magbanat ka naman ng buto! Ano wala ka na talagang planong makatulong sa bahay na ito? Puro landi na lang ganun? Anna.."
Malakas na sigaw at ilang ulit na kalabog sa pinto ang gumising sa akin. Agad agad akong tumayo dahil panigurong uulitin na naman iyon ni Tiya kapag hindi pa ako bumangon.
"Bumangon na po tiya." Namamaos na sagot ko habang bumabangon ngunit halos mabuwal ako sa pagkakatayo nang maramdaman ko and pag ikot ng aking paningin. Patuloy pa din sa paglilitanya si tiya na halos hindi ko na din naman maintindihan dahil sa pag-ikot ng paligid. Lumilindol ba? Agad akong napakapit sa dingding habang sapo ang aking ulo, hindi pa rin tumitigil ang pag-ikot ng aking paligid. Ilang araw ko na ring iniinda ang p*******t ng ulo at pagkahilo tuwing umaga wala naman akong maalala na kinainang maaring makasama sa pakiramdam ko. Nahagip ng mata ko and kalendaryong nakalagay sa mesita, parang may kabang bumundol sa aking dibdib.
Dalawang linggo na akong delayed as buwanan kong dalaw! Hindi pa ito nangyari sa akin! Wala sa loob na nasapo ko and aking tiyan. Buntis ba ako?! Anong gagawin ko?
Parang sasabog na and ulo ko sa pag-iisip, anong sasabihin ni Edward?!
Hindi, nangako naman siya na pananagutan niya ako. Pilit kong pinapalakas ang aking loob. Una, kailangan kong masiguro ang aking hinala saka ko ito ipagtatapat kay Edward.
Dali dali akong naligo upang magtungo sa pabrika. Bago ako pumasok, bumili ako ng 2 pregnancy kit sa kalapit na butika sa aming building. Agad akong nagtungo sa CR at inilock iyon. Sobrang lakas ng pintig ng aking puso, halos mawalan ako ng malay ng lumabas ang dalawang pulang linya doon. Positive! Parehas ang naging resulta ng 2 prenanacy kit.
Napaiyak ako. Hindi ko alam kung bakit parang may takot akong nararamdaman sa kabila ng assurance na ibinigay ni Edward sa akin. Nangako siya diba? Sigurado akong hindi ako tatalikuran ni Edward. Mahal niya ako, mahal na mahal. Masuyo kong hinaplos ang aking sinapupunan.
"Sasabihin natin baby kay Daddy. Huwag kang mag-alala, mabait iyon baby sigurado akong tatanggapin ka niya."
Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng CR. Buo na ang desisyon ko, mamayang lunch break, ipagtatapat ko na ang pagbubuntis ko kay Edward. Sa ngayon, kailangan ko munang magtungo sa aking station. Mahirap na, baka ako na naman ang mapag-initan ni Ma'am Tinay.
Agad akong naglakad patungo sa aming department ngunit kapansin pansin ang bulungan ng aking mga katrabaho na tila'y kinikilig. Napakunot noo ako. Bakit kaya? Sa kabila ng pagtatakang bumangon sa aking dibdib, mas pinili kong balewalain na lang iyon.
"Huyy Anna!" agad na tumabi sa akin si Let-let saka pasimpleng bumulong.
"Bakit?"
"Nabalitaan mo na ba?"
Tila excited na bulong ulit nito sa akin.
"Ang alin?"
Pabale walang balik tanong ko. Mas madami akong iniisip sa ngayon patungkol sa pinagdadaanan ko.
"Si Sir Edward iniimbitahan lahat ng employees mamayang gabi para sa isang salo-salo."
Kusang tumigil ang mga kamay ko sa paggalaw ng marinig ko ang pangngalan ni Edward. Muling pumintig ng malakas ang aking puso.
"T-talaga? Bakit daw?"
Pilit kong itinatago ang interes ko sa sinasabi niya. Kahit kay Let-let ay itinago ko ang relasyon namin ni Edward. Luminga-linga muna ito sa paligid upang tiyaking walang makakarinig sa amin bago muling lumapit sa akin saka bumulong muli.
"May mga usap-usapan na ipapakilala na daw ni Sir Edward ang mapapangasawa niya mamayang gabi!"
Parang sinundot ang puso ko. Ipapakilala na ako ni Edward sa mga empleyado nito? Lalong lumakas ang pintig ng puso ko.
"S-saan mo naman nakuha ang balitang iyan? W-wala naman siyang dinadalang g-girlfriend dito."
"Naku, reliable ang source ko. Mula ito sa taas. At ang rinig ko pa, may jowa na daw iyan si Sir Edward matagal na! Itinatago lang, para privacy ba! Pero mukhang seryoso na ata at gusto nang pakasalan. Ang swerte nung babae ano? Naka jackpot siya!"
Tila kilig na kilig na muling turan nito.Pilit kong pinanatili ang kalmadong reaksiyon kahit sa loob loob ko'y tila sumisirko sirko na ang aking puso.
"Sige doon na muna ako. Nakakamatay na naman ang titig ni Bruhilda sa atin eh. Ciao!"
Humahagikgik na turan nito bago lumayo sa akin. Nang mapag isa ako, wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko.
"Narinig mo iyon baby? Ipapakilala na daw tayo ni daddy."
May sayang lumukob sa aking puso. Unti-unting nawala ang lahat ng agam -agam na nararamdaman ko. Sabi ko na nga ba'y hindi ako matitiis ni Edward. Baka gusto akong surpresahin ni Edward mamayang gabi, mas maigi na mamayang gabi ko na rin ipagtapat sa kaniya ang totoo.
Alas sais ang nakalagay na oras sa memo patungkol sa dinner na inihanda ni Edward. Nasa CR ako at nagpalit ng damit. Nagpahid ako ng pulbos at manipis na lipstick saka hinayaang nakalugay ang buhok. Napatingin ako sa aking cellphone na nakalapag sa lababo, maghapon akong nag-antay sa kahit isang text mula kay Edward ngunit wala. May takot na muling bumangon sa puso ko.
'May surpresa ba na alam ng susurpresahin?'
Ang isiping iyon ang nagpapanatag sa loob ko.
"Anna tara na. Nandoon na silang lahat."
Narinig kong sigaw ni Let-let mula sa labas ng CR. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.
"Tara na."
Mabilis kaming nagtungo sa hall. Madaming kwentong ibinabahagi si Let-let ngunit walang nagsisink-in sa utak ko dulot ng antisipasyong nararamdaman ko. Dahil naroon na lahat ng katrabaho namin halos puno na ang hall kaya sa pinakadulo na kami ng hall umupo malapit sa pinto. May buffet table na nakaset-up sa magkabilang gilid. Pinalamutian ang buong paligid at may mga pailaw pa. Ramdam ko na kakaiba nga ang magaganap sa gabing iyon. Hinanap ko si Edward ngunit wala pa siya.
Wala pang 20 minuto kaming nakaupo ng biglang tumahimik ang paligid. Dahan dahan kong sinundan kung saan nakatutok ang mga mata ng mga tao, naroon si Edward, marahang naglakad patungo sa stage sa unahan. Mabilis na pumintig ang dibdib ko. Napakagwapo nito sa suot na itim na tuxedo. Itsura pa lang, sigurado akong sobrang bango nito.
Nanatili akong nakatitig sa mukha nito umaasa na mapapadako sa akin ang mata niya ngunit tila wala itong planong tumingin sa pwesto ko. Nagsimula na magsalita ang host ng makaupo si Edward sa presidential table kasama ang ilang matataas na kawani ng kompanya. Habang si Edward ay abala sa pagtipa sa kaniyang telepono.
'Anong nangyayari dito? Bakit parang hindi nito ako kilala?'
Parang madudurog ang puso ko. Hindi, baka bahagi lang ito ng surprise niya. Muling pagpapalakas ko sa loob ko, kahit parang unti-unti na iyong nagigiba.
Tinawag ng host si Edward upang magbigay ng isang mensahe. Agad namang tumayo ang binata na may pagkatamistamis sa ngiti.
"Good evening everyone. Maybe you're wondering why I asked you to be here tonight. Well, I have two important announcements to make tonight."
Halos hindi ko na inaasahan nang biglang mapabaling ang tingin nito sa gawi ko, na tila sa akin niya nais iparating ang kaniyang sinasabi. Naglapat ang aming mga mata. Parang muling nabuhay ang aking puso na kani-kanina lamang ay unti-unti nang namamatay.
"I've been here for 6 months now. And I've been so happy working with you. But as you all know, this is not the only company that I owned. Since it has been working smoothly now, it is about time for me to attend to my other businesses. Meaning I have to pass the management of this business to someone reliable here and that's no other than Mr. Manuel Garcia, our very own operation manager."
Nakakabingi ang palakpakan sa paligid, ngunit mas nakakabingi ang pagpintig ng puso ko. Isa-isang bumati ang mga empleyado kay Mr. Garcia habang ako'y nanatiling nakaupo at nakatitig kay Edward na ngayo'y abala na sa pakikipagkamay.
Pagkalipas ng ilang minuto muling nagsalita si Edward.
"That's my first announcement, I don't if you're happy because Mr. Garcia was promoted or because I'm leaving."
Biro nito ngunit na nakapagpatawa sa lahat.
"Well, the second one is quite personal. I just want to share this with you since for six months you've been like a family to me."
"Aaaww." Halos sabay sabay na turan na mga tao sa paligid. Muling dumako sa panig ko ang mata nito. Ito na kaya iyon? Ramdam ko ang pagpapawis ng aking mga kamay.
"Like all of you, I'm capable of loving. And I do love someone right now. But before I leave, I want to introduce her to you."
Parang gusto ko nang himatayin habang dahan dahang naglalakad papalapit sa akin si Edward. Maging ang mga tao sa hall ay nakatingin na din sa gawi ko. Halos hindi ko alam kung paano magrereact o gagalaw. Nanatili akong nakapako sa kinauupuan ko. Nang halos ilang metro na lang ang layo nito mula sa akin, tumigil ito sa paghakbang at pinakatitigan ako. Hindi ko mabasa ang emosyon na nasa mga mata nito. Napalunok ako, humugot ako ng lakas ng loob, akmang itataas ko na ang aking kamay upang iabot dito saka naman ito muling naglakad, at nilampasan ako. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa pagkapahiya. Narinig ko ang ilang hagigik mula sa aking mga katrabaho at ilang bulungan patungkol sa akin.
Nasa pinto, nakatayo ang isang mala diyosang babae. Nakasuot ito ng isang silver long dress na may mahabang slit. Maputi, makinis, matangkad, mala-artista ang ganda. Parang piniga ang puso ko ng masuyong abutin ni Edward ang kamay nito saka kinintalan ng halik sa labi. Inilagay ni Edward ang kamay nito sa kaniyang braso saka sabay ang mga itong naglakad patungo sa unahan. Napaka ganda, para akong nanliliit.
"Everyone please meet my fiance Allaina Jewel Ford."
Para iyong bombang bumagsak sa akin. Nanggaling iyon mismo sa bibig ni Edward. Sa lalaking pinagkatiwalaan ko ng aking buong pagkatao. Hindi ko na kaya pa ang nagaganap sa aking paligid, agad akong tumayo at kumaripas palabas ng building habang patuloy ang pagtulo ng aking luha.
Isa lang ang malinaw sa akin, pinaglaruan lamang ako ni Edward.